Total Pageviews

Baka Nandito ang hinahanap mo ?

Popular Posts

Monday, August 8, 2011

Huwag Agad magtitiwala sa inaakala mong taong tutulong sayo


Magsisi man ang isang 25-anyos na dalaga ay huli na dahil napariwara na siya sa kamay ng taong inakala niyang makakatulong sa kanyang problema matapos na siya’y sapilitang gahasain sa isang pribadong lugar sa Pasig City.

Kasama ng kanyang live-in partner ay dumulog sa Pasig City Police Station ang biktima na itinago sa pangalang Marie, tubong Bicol at pansamantalang naninirahan sa Caliwag St., Brgy. Pinagbuha­tan ng nasabing lungsod at nagsabing “akala ko ay tutulungan n’ya ako, gagahasain lang pala”.
Ipinagharap ng biktima ng kasong rape sa Women’s and Children Protection Desk (WCPD) ang suspek na pansamantalang itinago sa pangalang Darwin, dahil nakakalaya pa ito, tubong Bicol at umano’y miyembro ng Traffic Parking Management Office ­(TPMO) ng Pasig City.
Sinabi pa ng biktima kay PO2 Amy Baldonado ng WCPD na naganap ang panghahalay umano sa kanya ng suspek noon pang Marso 23 su­balit kahapon lang umano nagreklamo ang biktima matapos na makatanggap ito ng mga pagbabanta mula sa suspek na idadamay nito ang kanyang live-in partner na isa ring mi­yembro ng TMPO sa sandaling mayroon umanong makaalam sa nangyari sa kanila.
Inihayag pa ni Marie na nag-away umano sila ng kanyang live-in partner bago mangyari ang panggagahasa kaya’t bilang kababayan ay hu­mingi umano ng tulong ang biktima sa suspek.
“Nag-away po kasi kami ng live-in partner ko at umalis ako ng bahay para makaiwas sa gulo kaya’t nag-text ako sa kanya (suspek) para magpatulong kung saan ako puwede makakita ng kuwartong mapagpapalipa­san matulog kahit isang gabi lang,” ayon sa biktima.
Agad naman umanong nag-alok ng tulong ang suspek, subalit hindi umano nito sukat akalain na ang tinutukoy na kuwarto ng suspek ay sa Pasig View sa nasa Bagong Ilog, Pasig City.
Pinilit umano ng biktima na tumanggi subalit pi­lit na siyang pinapasok ng suspek sa kuwarto kaya’t mabilis nitong isinara ang pinto at hinawakan ng suspek ang door knob hanggang sa maganap ang pang­hahalay.

Popular Posts

Pages

Pages