Total Pageviews

Baka Nandito ang hinahanap mo ?

Popular Posts

Wednesday, January 26, 2011

Jessica Agripa



Alam nyo sa totoo lang hindi naman masaya ang magkaroon ka ng maraming GF eh .. yun sinasabi ng iba na mas astig kapag marami kang naging past bago ka mag asawa... hay naku kung alam lang kasi nila , ang madalas lang naman kasi magsabi ng mga ganyan ay yung mga tao na sabik sa babae o kaya sabihin na natin na pampam or mga epal ... hahahah.. sorry huh kung may tinatamaan pero totoo naman yun iih.. sa totoo lang kasi "Mas marami kang past, mas marami kang pagsisihan at pang hihinayangan ". Nagsimula akong magkaroon ng Girlfriend 10 years ago na at ayoko din naman sabihin kung nakailang gf na ako .. hihihiih.. masyado ng nakakahiya yun ih,  pero yun ang dahilan kung bakit ko nasasabi na panget ang magkaroon ng maraming past .,kaya nga nitogn taon na to talaga sinabi ko sa sarili ko na ayoko ng pumasok pa sa Calendar Relationship na yan .. gusto ko na maging stable sa isang relation at dito pumasok sa buhay ko si Jessica.

Sa Online lang kami nagkakilala ni Jessica , at tulad ng laging sinasabi sa akin ni edu . " Chard. ang magseryoso sa online relationship , tandaan mo talunan , kawawa ka lang .. walang nag si seryoso sa internet pre. "  dahil online lang kami nagkakilala ni Jessica kaya hindi ko sya gaanong pinapansin , sa totoo nyan medyo kaasar pa nga sya nun iih.,. eh panu gf ko pa nun si Celezte taz dun pa sya papampam ng papampam.. hahahaha ( Naku po kapag nabasa to ni Jessica patay ako !! ^_^ ) . eh panu kasi alam nya na na may gf ako nag ko comment pa sa fb photos ko na kung pwedi daw ba akong mahalin ... hahahaha.. eh sino ba naman ang lalaking magtitiwala sa babaeng ganun .. syemre diba magdududa ka talaga.. iisipin m na ginu good time ka lang nung babae.,. .. hhihihihih.. pero hindi pa yan . talagang mapapansin mo talaga sya ..ihh umaga palang kasi may makikita ka ng wall post sa fb ko .. minsan ang nakalagay " Musta, online na naman ? " eh natural sa computer work ko iih... hahahah.. taz minsan ito pa " jaN ka na Sa OpIZ ? " wew.. kaasar Office ka jan .. eh sa Computer shop nga ako ng wo work iih.... tahahhaa..kaya medyo naasar din ako sa kanya nun .walang wala nga sa isip ko na magiging kami nyan iiih.. ihihihih.. ang nakakatawa pa as in talagang Friend ang tawag nya sa akin nun ,.. tingnan nyo yung screen shot sa baba
kuya yan 4 days before naging kami .. ang kulit no .. that time kasi is nag break na kami ni Celezte.. medyo nag ka initan pa nga sila dyan ni Celezte dahil nanghihimasok daw sa buhay ng may buhay si Jessica.. ..
kinaumagahan nun mas lalo sa akin nagalit dahil january 11, 2011 ay naging kami naman ni Mariz. dun naman nagsalita na sa akin si Jessica na ang gara ko daw . bakit ang bilis ko magpalit . dun ko naman sinasabi sa kanya kung bakit at inalis ko ang nasa isip nya na baka babaero ako o kaya naman ay hindi nagsi seryoso dahil mabilis ako makapag palit.. kasi sa totoo lang .. wala naman talaga akong naging gf na hindi ko minahal at sinseryoso ngalang .. talagang iniiwan lang ako ..





JANUARY 14, 2011 ( NAGING KAMI NI jESSICa ).

- Alam kong ang simula ng naging relasyon namin ay parang kakaiba sa karamihan pero di ako nahihiya na aminin at sabihin na nagsimula lang kami ni Jessica sa isang Virtual Relationship na kung saan may kasunduan at usapang tsaka nalang kami mag di desisyon kung gusto namin pag patuloy ang aming relasyon kapag nagkita na kami..
"marami ka ng nahinging favor sakin Jessica.. pwedi bang ako naman ang humingi sayo ngayon ng pabor " medyo paniningil ko sa kanya ... hihhihih...
"oo naman chard ano ba yun? marami ka ng nagawang favor sa akin kaya sabihin mo lang ano ba yun ?" sagot nya naman ...

" wala na kami ni Mariz.iniwan nya na rin ako.. pwedi bang ikaw nalang maging gf ko ., mag start tayo sa sa onlinerelationship then later on magkita tayo tsaka nalang natin pag usapan kung gusto pa ba nating ipagpatuloy to.." sabi ko
" oo naman ,, saan ba tayo makikita ? " sagot nya

" tsaka na  muna yun .. dami ko sched eh .. basta kita tayo after nito so ano payag ka ba na maging tayo  ?' saad ko ..
" wew, ang bilis ah .. pero sige na nga oo tayo na " medyo napilitang sagot nya sakin ..



at dun nag umpisa kung panu naging kami ,..

PANANABIK,PANGUNGULILA, AT MGA PLANO...

- alam namin pareho na hindi pa namin kabisado ang bawat isa pero nanduon yung kakaibang pakiramdam na kahit hindi nyo pa kilala ang isa't isa ay parang ang tagal tagal nyo ng mag on at magkakilala .. aaminin ko .. sa mga sinasabi nya sa akin sa chat   at sa mga wall post nya .. minsan di ko mapigilan na mangambat at maluha...Mangamba dahil alam ko kahit di pa kami nagkikita ay alam na alam ko sa sarili ko na mahal ko na nga sya . alam ko sa sarili ko na seryoso na ako sa kanya,.. minsan dahil nga sa di pangkaraniwan ang relasyon namin kaya alam kong maraming tao ang di nakakaintindi sa nararamdaman ko .. maaring sabihin nyo na imposibleng mainlove ang isang tao sa isa pang tao na hindi nya pa nakikita .. pero wag  kayo .. kasi totoo po yun .. hindi pa man kami nagkikita ni Jessica .. alam kung maaring sa kanya din ako bumagsak..  at alam ko rin na ganun na din sya .. di pa man kami nagkikita alam kung ganun na rin ang nararamdaman nya...
kakaiba ang nararamdaman ko kapag ka chat ko sya .. alam nyo yung feeling na parang nangungulila ka sa isang tao na matagal mong nakasama at ngayon ay malayo sya sayo ? ganun na ganun ang naramdaman ko that time . kaya nagkaroon kami ng plano ni Jessica na sa Debut nya ay pupunta ako at dun nalang ako matutulog sa kanila... noon palang ay sabik na sabik na ako na dumating ang araw na yun .. pero dahil nga sa pareho naman kami ng nararamdaman kaya napagplanuhan namin pwera sa debut nya ay pupunta na rin sya sa amin para nama atleast di na siya mabibigla sa debut nya.. malay nya baka di pala pasado ang looks ko sa kanya,., tahahahah mapapahiya pa sya sa mga friends nya.. ^_^.. at napagkasunduan nga namin na kinabukasan na kinabukasan ay pupunta sya sa bahay at dadaaanan nya ako sa trbaho ko taz dun nalang din sya matutulog sa bahay...

THE FIRST MEET !!!! ^_^

  Umaga palang ay excited na talaga ako .. ^_^ excited ako pero para akong kinakabahan . di ko alam kung bakit .. parang may sumasagi sa isip ko na di sya makakarating .,. lalo pa akong nangamba ng mag pm sa akin ang pinsan nya na Raymond ang pangalan , ang sabi
" Brad. Raymond to kuya ni Jessica, pinapasabi nya na medyo mali late daw sya ng dating kasi didiretso na sya dyan sa trabaho.. inutusan lang kasi ng tita nya sa SM."
haiiztzz buti nalang pala at mali late lang akala ko kasi di na talaga sya makakarating.,...
 Expected ko dahil sabi nya malilate sya ng dating kaya mga past 7 ang inaasahan ko na darating sya .. ganun ang expectations ko pero 4 palang ng hapon ay di na ako mapakali.. kinakabahan ako na natatataranta... ahhahahaha.. ganun yata talaga.. ^_^ .. kung ano anong gamot na nga ang iniinom ko iih para kumalma thahahaha.. ganun pa rin .. di ko alintana noon ang pagod at stress .. excitement kasi ang nararamdaman ko .
dumating ang past 7 .. nag pm na sa akin ang kuya raymond nya. tinatanong kung nakarating na daw si Jessica... dun na ako nag alala ng husto .. ang excitement na nararamdaman ko ay nahaluan na ng pag alala.. eh wala pa naman dala noon si Jessica ng cellphone kasi nga hiniram nung Raymond.,... mga bandang 7:48 di ko naman inaasahan na nanjan na sya .. nung may nakita akong babaeng naka blue

ay alam kung sya na yun .. pero nanigurado pa rin ako kaya tinanong ko sya ..
"ano po yung sa inyo ate ?" tanong ko pero di ko magawang tumingin sa mga mata nya..
"ikaw ba si....?" di pa sya tapos magsalita ng sabihin kong " Oo ako nga" pero nanginginig na ang katawan ko that time .. di ko kasi lam gagawin ko...hihihihih
" okay lang ba sayo .. hintayin mo muna ako wah.. di pa ko out iih.. saad ko sa kanya..
" sige okay lang dito lang ako " sagot nya sabay inom ng dala nyang inumin..


" mag internet ka nalang muna habang naghihintay ka .. nga pala kumain ka na ba?" natataranta ko pa ring tanong,
" Oo kumain na ako bago ako pumunta dito kumain na ako " sagot nya sa akin...
that time ako yung hindi pa kumakain .. kaya nung nakita ko sina kuya mike ay nagpaalam na kaagad ako na kakain .. medyo natagalan pa nga ako nun iih.. siguro mga 10 minutes pa ang nakalipas bago kami nakalabas ni Jessica para kumain.. dahil bago sya kaya apple of the eye sya sa mga nadadaanan namin,...hihihihihi..
sa Mayen kami kumain ... ang gara nga iih.. bigla akong nailang sa pinakita nyang character, alam nyo yung karakter na parang di mo pweding dalhin sa isang remote area.. o kaya sa mga lugar na ang mahihirap lang ang madals mong makikita..ito pa ang magara oh.. sya ang nagbayad ng  kinain namin.. haiizztzz,, pero pinabayaan ko na sya.. "bahala na sya, mukhang di nya yata ako nagustuha ah .. baka umuwi lang to kapag pinilit ko .. " saad ko sa isip ko.. pagbalik namin sa shop ay ganun pa rin ang mood nya. pero dedma ko nalang muna sya pero di ko hinayaan na maiinip kaya kahit na busy ako sa inventory ay may mga time na pinupuntahan ko sya sa kabilang kwarto na kung saan dun ko sya pinag kumpyuter,

Pagka out na pag ka out ko ay pinuntahan ko na sya kaagad sa kabila para yayain pauwi .. dumaan muna kami sa Click para magpahinga sandali taz umuwi na kami . pagdating namin sa bahay ay ipinakilal ako sya sa mga magulang ko at pagkatapos ay nauna na syang pumasok ng kwarto at nagpahinga na..
pagkagising namin ay wala na si Mama . pumasok na sa trabaho, ipinaghanda ko sya ng almusal pero hindi nya naman kinain..  haiizztzz.. mahal ko na kasi sya kaya mahaba pasensya ko .. hihihih.. tsaka bago lang naman kasi sya sa bahay kaya inunawa ko na nahihiya lang sya .. ^_^ .. kung ano ano ang inaalok ko sa kanya para di sya mainip pero panay sya si Tanggi.. hihihihih.. kaya niyaya ko nalng sya na mag videoke .. hay naku ako lang ang kumanta.. tahhahahahah.. ang gara.,.
Bandang hapon na sya umuwi .. di ko na rin sya naihatid dahil napag iinitan na ako ng mga tambay sa daan.,... hihihihihih....
after ng araw na yun .. mas lalo akong napamahal sa kanya at alam ko .. alam ko sa sarili ko na kahit kailan .. hinding hindi ko na sya iiwan..itinatak ko sa isip ko na kami ay DESTINED .. mahal na mahal kita Jessica!!!

Popular Posts

Pages

Pages