Total Pageviews

Baka Nandito ang hinahanap mo ?

Popular Posts

Sunday, December 11, 2022

The Clock Stopper - Tagalog Movie Scripts

Nagsimula ang kwento sa eksena sa airport na kung saan ay makikita ang isang balbasaradong lalaki na nagmamadali na tila ay hinahabol ng kung ano at kung sino , sa kasamaang palad , sa kabila ng pagmamadali nito ay hindi ito nakasakay ng eroplano dahil na fully booked na ito , patuloy na naghahanap ng paraan ang balbasaradong lalaki hanggang sa may nakita syang isang pasahero na kinausap nya at sinubukan nyang bigyan ito ng maraming halaga ng pera upang ibigay sa kanya ang ticket nito . pumayag naman ang lalaki at naging dahilan ito para magkaroon ng chance ang balbasarado na makaakyat ng eroplano , datapwat bago pa man sya tuluyang makasakay ay may pwersang humila sa kanya at naisakay ang balbasaradong lalaki sa van. doon ay natuklasan natin na ang balbasaradong lalaki ay si Dr. Dopler na sinubukang tumakas sa ahensya na pwersahang pinagtatrabahuan nya. kaibigan kumusta ? maraming maraming salamat kaibigan sa patuloy na pagtangkilik at pag suporta sa ating channel na tagalog pinoy movie recap , at kung ngayon lang tayo nagkatagpo sa pamamagitan ng video na ito ay please lang , wag kalimutang mag like , mag subscribe at pakipindot na rin ang bell , simulan na natin, makikita ang binatang si Zak habang enjoy na enjoy na gumagawa ng mga tricks sa kanyang pagbibisekleta , si Zak ay anak ng isang Quantum Physisyst na si Dr. George Gibbs , at sa pelikulang ito ay makikita natin na nagnakaw si Zak ng isang Vintage Typewritter at ibinenta nya ito sa E-bay sa mataas na halaga upang makabili sya ng kotse . nagawa nya naman na makapag ipon at ma reach kahit ang pang Down Payment lang ng sasakyan . datapwat kinakailangan na kung bibilhin ito ni Zak sa hulugang paraan ay kinakailangan ng co-signee ng kanyang ama, kung kaya agad na pinuntahan ni Zak ang kanyang tatay sa eskwelahan na pinagtuturuan nito at sinabi ni Zak na kailangan nya ang tulong ng ama. ngunit masyadong busy ang kanyang ama at halos hindi sya makausap nito , sinabi nalang ng kanyang tatay na pag usapan nalang nila ang patungkol sa kotse pagkauwi nito ng bahay . sa pagkakadismaya ni Zak ay dumiretso nalang ito sa shop ng kanyang kaibigang si Meeker , sinabi ni Meeker na sumali sya DJ Contest at hiniling nito kay Zak na panoorin sya nito . nangako naman si Zak sa kaibigan na susuportahan nya ito . habang nagki kwentuhan ang dalawang makaibigan ay nakita ni Zak si Francesca , nagandahan at na attract kaagad si Zak sa babae , sinabi ni Meeker na bagong lipat sa kanilang eskwelahan si Francesca at sinabi nitong suplada ang babae , ngunit sa kabila ng warning ni Meek ay lumapit pa rin si Zak at sinubukang kausapin ang babae , matipid naman itong sumasagot sa mga tanong ni Zak dahil sa walang pagka interes ng babae sa lalaki . Sa Pag uwi ni Zak sa kanilang bahay ay sakto namang pagdating ng kanyang ama , agad nyang binanggit dito ang kailangan nya ngunit sinabi ng kanyang ama na may mas mahalagang bagay syang dapat unahin at kung maaari ay wag muna syang guluhin ni Zak. nagalit si Zak sa ama at sinumbatan nya ito at sinabing mas pinipili pa ng professor ang mga estudyante nito at mga proyekto sa eskwelahan kaysa sa sarili nitong pamilya. iniwan nito ang ama at nagmukmok sa kwarto . ipinagpatuloy ng professor ang ginagawa nitong proyekto ng dumating ang kanyang may bahay at sinabi na , tama si Zak sa mga sinabi nito . ang ama ang may kasalanan dahil nawawalan na ito ng oras at panahon sa kanyang pamilya. humingi naman ng dispensa ang lalaki at sinabing tatapusin nya lang ang kanyang ginagawa at pupuntahan nya ang kanyang anak sa kwarto at hihingi ng paumanhin dito. matapos nga maayos ng lalaki ang kanyang ginagawa ay itinabi nya ang relo sa ibabaw ng box at tsaka umakyat sa kwarto ni Zak . ngunit sa halip na humingi ito ng paumanhin ay binigyan nya nalang si Zak ng kanyang address na kanyang tutuluyan para sa proyektong kanyang ginagawa . Samantala , si Mr. gates, isang CEO ng QT Comapny ay nakikipag usap kay Agent Moore at sinasabi sa CEO na bibigyan nalang sila ng 3 araw upang matapos ang proyekto at pagkatapos nito ay tapos man o hindi ay isa shutdown na nila ang black ops project ng QT . nalaman din natin sa eksenang ito na ang Balbasaradong lalaki na unang ipinakita sa video na ito ay walang iba kungdi ang estudyante ng tatay ni Zak na si Dr. Dopler na isang henyong bata na nakatuklas ng isang machine na tinatawag nilang Molecular Stabilizer sa estado ng Hypertime. sa kalagayan ito ay magiging napakabilis kumilos ng isang tao na halos ang lahat ng nasa paligid nya ay magmimistulang nakatigil . datapwat ang kapalit nito ay dahil mabilis ang oras sa taong nasa hypertime ay mas mabilis ding tumatanda ang kanyang physical na kaanyuan kung kaya ang Batang si Dopler ay nagmistulang isang matandang siyentipiko dahil sa pag gamit nya ng makina. iyun din ang dahilan kung bakit si Dopler ay lihim na nakikipag tulungan kay Professor George Gibbs , dahil alam ng bata na malawak ang kaalaman ng kanyang guro at maaaring matulungan sya nito na manumbalik ang dati nyang anyo na binago ng makina. balikan natin ang eksena sa bahay nina Zak. sa kalikutan ng kapatid ni Zak ay muntik ng maiwala ang relos , mabuti na lamang at nakita ito ni Zak at pinagka interesan na kuhanin. sa eskwelahan habang nasa labas sina Zak at Meeker ay nakasalubong nila ang dalawang bully na ka klase . ininsulto nito si Meeker sa pagsali sa DJ Contest at nagawa pang buhusan ng beer ang kaibigan ni Zak . nakita naman ni Zak na maging si Franceca ay sinusubukan bulihin ng dalawang schoolmate kung kaya maagap na nilapitan ito ni Zak upang saklolohan ngunit kinaladkad lang sya nito at itinapon sa basurahan . na appreciate naman ni Francesca ang ginawa ni Zak sa kabila na sumablay ang pagsagip nito sa babae . dito ay nakakuha ng pagkakataon si Zak na maanyayahan nya si Francesca na lumabas man lang , kumain o manood ng sine . ngunit sinabi ng dalaga na wala syang oras na available para doon , kung kaya sinabi nalang ni Zak na isama nalang sya ni Francesca sa mga bagay na ginagawa nito kung kaya binigyan sya ni Francesca ng address ng bahay nito at sinabing maaari syang samahan ni Zak sa kanyang mga gawaing bahay . naging masaya naman si Zak sa naging resulta ng kanilang pag uusap . Ng dumating ang oras ng kanilang pagkikita ni Francesca sa bahay nito ay na disappoint si Zak dahil nakita nyang ang kanilang magiging oras para magkausap ni Francesca ay sa pamamagitan ng habang nagwawalis at naglilinis ito ng bahay . datapwat , pinili pa rin ni Zak na maging positibo at inenjoy nya nalang ang bawat sandali na merun sila ng babae. habang naglilinis sila ay aksidenteng na activate ni Zak ang Hypertime sa kanyang suot na relo . huli na ng napag alaman nyang ang kakaibang insidente na kanyang nararanasan ay dahil sa suot suot nyang orasan. sinubukan nyang magpliwanag kay Francesca patungkol dito ngunit hindi sya nito pinapaniwalaan , kung kaya muli nyang ginamit ang hypertime engagement nung bubugahan sya ng tubig ng babae . nagulantang naman si Francesca sa bilis ng kilos ni Zak at ng humawak ito kay Zak at muling ginamit ng lalaki ang orasan ay doon mas lalong naniwala ang babae dahil sya rin ay na experience nya kung papanong bumagal ang lahat sa kanyang paligid. natuwa ang dalawa sa abilidad at mga posibilidad na pwedi nilang magawa sa pamamagitan ng tulong ng orasan na gawa ng tatay ni Zak pumunta sila sa siyudad at sinubukang imanipula ang mga bagay bagay sa paligid . ginawan nila ng kalokohan ang pulis na laging nangtiticket sa mga kotse na nagpa park , maging ang kanilang mga ka eskwela na mahilig mambully at nakita rin ni Zak ang Agent na nagbe benta sa kanya ng kotse na ngayon ay nakita nyang ini offer na pala nito sa iba . kinagabihan ay ang panahon na sasabak na ang kaibigan ni zak na si Meeker sa contest bilang isang dj contestant . bin bboing ito ng marami dahil sa sablay nitong performance , kung kaya naisipan nina Zak at Francesca na tulungan ang kaibigan. gamit ang relo ay kino kontrol nila ang katawan ni meeker upang makasayaw ito at makapg scratch ng mas malupit kaysa sa lahat ng naroroon . sinabi naman nila ito kinalaunan sa kaibigan at tuwang tuwa at hangang hanga sa kanila si Meeker . nais pa sana ni Meeker na sumama sa kanila at nais din nitong ma experience ang mga nararanasan ng dalawa ngunit hindi sya pinayagan ni Zak at inihatid nalang sa bahay nito. pagdating sa bahay nina Francesca ay nais sanang gamitin ni Zak ang relo upang mahalikan ang babae ngunit alam ni Francesca ang nasa isip ng lalaki at sinabing hindi mo kailangang gamitin yan para makapag good bye kiss sa akin . at pagkatapos ay hinalikan sya ng babae. masayang masaya si Zak sa kanyang pag uwi . ginamit ni Zak ang Hypertime upang mabilis syang makarating sa kanilang bahay ng makita nyang. hindi lang sya ang nakakagalaw sa ilalim ng Hyper time . may mga tao na naghahalughog ng kanilang bahay at tila may hinahanap . kumuha sya ng patpat at pumasok sa loob ng bahay upang atakehin kung sino man ang mga estrangherong nanloloob sa kanila. Bago pa man makapag bitaw ng atake si Zak ay nakita na sya nina Gates at Henchman . tumakas at tumakbo si Zak papalayo sa kanilang tahanan . ng madaan sya sa Van ay may humila sa kanya papasok sa loob . sinabi nito kay Zak na kailangang ibigay sa kanya ni Zak ang relo upang makaligtas sila pareho , ngunit hindi pumayag si Zak . minaneho ni Zak ang Van habang nagpapambuno silang dalawa hanggang sa matagumpay nyang mailaglag si Dopler sa kalsada datapwat nahulog naman ang van na dala dala nya . nagising si Zak na nasa Hospital na ito at may mga pulis na nag hihintay na rin sa kanyang pag gising upang arestuhin ito sa salang pagnanakaw ng van . sinubukang ipaliwanag ni Zak ang totoong nangyari pero syempre hindi sya pinapaniwalaan nito. sa kanyang pag silip sa bintana ay nakita nya ang mga lalaking humahabol sa kanya. nakita nya ang cr at agad syang pumasok dito at sinabukang i dry ang nabasang relo upang muli itong mapagana , matagumpay nya naman itong nagawa at tuluyan syang nakatakas sa hospital . sa kabilang banda ay napag alaman nina Gates na ang tatay ni Zak ay ang tinutukoy ni Dopler na professor nito na si Gibbson . nagtakda sila ng aksyon upang kidnapin ito . alam din ni Zak na maaaring isunod na puntahan ng mga kalaban ay ang kanyang itay na nasa hotel. kung kaya agad syang humingi ng saklolo kay Francesca at agad naman syang tinugunan nito datapwat ay dapat ay kasama nya ito. sa hotel ay nakita nilang naunahan na sila ng mga taga QT sa pakikipag kita sa kanilang ama. matagumpay na nakuha ni Gates ang professor kung kaya nag devised ng bagong plano ang mag sing irog kung papano nila matutulungan ang kanilang ama. Napanood nina Zak at Francesca sa balita na sila ni Dopler ay parehong Fugitive na ng mga FBI. sa kanilang paglabas sa hotel ay may humarang sa kanilang garbage truck at agad silang isinilid nito sa basurahan . sa tapunan ng basura ay nakita nilang si Dopler pala ang dumukot sa kanila . nabugbog ito ni Francesca hanggang sa mawalan ng malay kung kaya imbis na sila ang bihag ay naging bihag nila ang Henyo. inutusan nila si Dupler na i fix o ayusin ang relo , sinabi naman ng henyo na magagawa nya ito ngunit merun silang mga kagamitan na dapat na makuha , kung kaya sa tulong ni Francesca ay napunta sila sa mall show at doon ay nakuha nila ang mga kagamitan na kinakailangan ni Dopler. pumunta rin sila sa kaibigan nilang si Meeker at humingi ng tulong para makagawa ng Nitrogen Gun upang magamit nila para mapanumbalik sa dating bilis ang molecular activies ng mga ito na nasa loob ng Hypertime. ng papasok na sila sa loob ng building at dadaan sa tunnel ay biglang umurong si Dopler at sinabi sa dalawa na hindi sya sasama. sinumbatan naman ito ni Zak dahil ibinuwis ng ama nya ang buhay nito alang alang sa proyekto nila pero ngayong kinakailangan na ng tatay nya ng tulong ni Dopler ay naduduwag ito na tumulong . sa kabila nito ay hindi pa rin nagpatinag ng desisyun si Dopler kung kaya sila lang ni Francesca ang tumuloy sa plano . gamit ang modefied weapon nila ay napapatumba nito ang ibang mga bantay hanggang sa mahuli pa rin sila ng mga henchmen ni Gates. ipinakita sa kanila ng CEO ang kanilang ama na nasa loob ng Hypertime Capsule at seryosong tinatrabaho ang formula kung papano mari reverse ang aging habang nasa loob ng estado ng hypertime. sa pagpasok nila ay nagalit si George kay Gates dahil hindi nito tinupad ang pangako nito na hindi nila idadamay si Zak . ngunit ipinaliwanag ni Gates na hindi nila dinala si Zak dito kungdi si Zak mismo ang nagkusang pumunta . Ikinulong silang tatlo ni Gates sa capsule at dito ay bumuo ng plano sina Zak . habang nasa pag uusap sila ay nakita nila sa cctv na parating na ang mga Black Ops upang i shutdown ang kanilang project . naging dahilan ito para gamitin ni Gates ang pangmalawakang Hypertime upang pigilan ang mga alagad ng operatiba. sinubukan din ni Zak na i activate ang Hypertime sa kanyang relo habang sila ay nasa ilalim ng global hypertime engagement . pinigilan ni George ang anak ngunit itinuloy pa rin nito ang plano . dahil naging infinite ang molecular activities sa katawan ni Zak kung kaya ay kapag iginagalaw nito ng mabilis o bigla ang katawan ay tila nagiging soul nalang ito na walang physical properties . ilang segundo lang ay nakontrol nya naman ang kanyang galaw papano sya makakahawak ng mga bagay sa kanyang estado . inilusot nya ang kamay nya at inatake ang mga nasa labas ng capsule. sina Francesca at George naman ay ini activate ang pampasabog sa nitrogen na naging dahilan ng malawakang pag sabog ng kapsula. sa huli ay naaresto nina Agent Moore ang lahat ng empleyado ng QT at kinolekta ang lahat ng relo na pag mamay ari ng kumpanya. muling nakabalik sa normal na buhay sina George , Zak at Francesca . at si Dopler ay nalapatan na rin ng gamot at nanumbalik ito bilang isang binatilyo na estudyante ni Professor Gibson.

Popular Posts

Pages

Pages