Total Pageviews

Baka Nandito ang hinahanap mo ?

Popular Posts

Sunday, July 17, 2011

Gamot sa Sore Eyes


Kali-kaliwa ang mga taong nagkakaroon ng sore-eyes. Taon-taon na lang.
Asahan na natin na tuwing summer ay ordinaryo na ang sakit na ito kaya dapat prevention na ang ginagawa at hindi ang aantayin mong tamaan ka pa. Except lang kung talagang gusto ka niyang hawaan dahil sa pang-aasar mo at pinahiran ka niya ng muta sa mata mo o kaya ay sa kamay mo dahil alam niyang tuwing gumigising ka ay nagkukusot ka ng mata at di ka agad naghihilamos.
Ang sore eyes ay inflammation ng cover ng eyeball at inner eyelid dahil sa virus o viral infection.
Nakakahawa ang sore eyes alam natin yun. Pero di lang yun nakukuha sa pagpunas ng muta sa mata ng kagalit mo. Pwede rin kasi makuha yun sa droplets tulad ng pagbahing at pag-ubo. Kaya mas mabilis kumalat ang virus ng sore eyes pag meron kang ubo.
Kaya dapat maghugas lagi ng kamay bago humipo sa mata pag meron kayong kasama sa bahay na may sore eyes. Tingnan niyo yung mga doctor kahit 100 pasyenteng may sore eyes ang pumunta sa kanila ay hindi sila nahahawa dahil maya’t maya ay hugas sila ng hugas ng kamay.

Ang sign na may sore eyes ka ay:
  • Pag-gising mo, isang mata lang ang kaya mong idilat. Ang isa mong mata ay nanlilimahid na sa mutang parang sipong natuyo.
  • Red eyes parang bangus na na red tide
Kung maagapan aabot lang ng 3 days pag hindi aabutin ng 14 days bago gumaling. Ang mahirap niyan ay pag di nalinis maige at na-impeksyon ay maaring magka-sugat ang mata at makaapekto sa paningin ng tao.
Maraming gamot sa sore eyes andyan ang tobrex, erythromycin, cellufresh, tobradex, chlorampenicol at maxitrol. Pero alam mo ba kung ano ang nararapat na gamot sayo? Hindi. Punta na kay doc at ihanda na ang 500 pesos para sa kanyang talent fee. Pero kung gusto mong sumugal, bahala ka.
Totoo bang nakakatanggal ng sore eyes ang gatas ng ina? Ewan. Pero medyo logical naman. Sabi kasi sa research, mas hindi raw nagkakasakit ang mga batang laki sa gatas ng ina kesa sa gatas ni yaya este sa powder na gatas. Ibig sabihin kontra bacteria pala ang gatas ng ina. Try niyo na rin. Wala namang masama at walang mawawala kung susubukan e. Basta patak lang ha.
Andyan na tayo, may sore eyes na. Ano na lang ang pwede nating gawin? Edi wag na hayaan pang kumalat.
  • Wag mag share ng tuwalya kung may Sore Eyes ka
  • Gumamit ng tissue sa pagtanggal ng muta o kung gagamit ng panyo, wag ng gamitin ulit
  • Umiwas din sa swimming pool na nilanguyan ng may sore eyes asahan mo na na mahahawa ka lalo na kung mas mataas na yung concentration ng urine kesa sa chlorine
  • Wag munang makipaglaro ng nanay tatay o sawsaw suka sa baby niyo
  • Mag hugas ng kamay maya’t maya bago humawak sa mata
  • Wag muna magsuot ng contact lens
  • Wag munang magmascara at maglagay ng eye shadow hangga’t di ka gumagalin
  • Wag ka munang pumasok sa trabaho dahil makakahawa ka lang
Sumasakit ba ang mata mo pag tumitingin ka sa mata ng taong may sore eyes? Akala mo kasi lumilipad na ang virus papunta sa mata mo.


Ito ang mabisang gamot sa sore eyes: Tumitig sa incandescent bulb ng nakahiga for 30 mins o 1 hour straight. Hilamos. Titig. hilamos. Titig.

Popular Posts

Pages

Pages