atlast my baby is born , and to be honest I am overwhelmed, that's why nagsulat ako kaagad dito sa site ko para lang ma i share ang kasiyahang nararamdaman ko , iba talaga kapag nakikita mo na mismo ng dalawa mong mata ang anak mo , alam mo ba yung pakiramdam na para kang nakahilagpos sa mga bigat na dinadala mo sa buhay , nasa trabaho palang ako ng malaman ko na nanganak na ang mahal kong asawa ay di ko na maipalawag ang sayang nararamdaman ko , sobrang mahal ko kasi ang anak ko kahit nung nasa sinapupunan palang sya ng kanyang mommy,. lagi ko syang ipinagtatanggol sa mommy nya kapag nadadamay na sa mga away namin , kaya nung nakita ko kung gaano sya kalusog at kaganda ay hindi ko talaga maiwasang maluha at maiyak dahil di lang dininig ng Diyos ang mga panalangin ko kungdi as in pinuno nya ng blessing ang anak at ang mommy nya, unang una na yung panganganak ng mommy ko ay hindi na naging pahirapan , ilang minuto lang ang tinagal ng mommy para mailabas ang baby althea namin at higit sa lahat , bukod sa napaka kinis at puti ng anak ko ay binigyan pa to ni Lord ng Dalawang Malalim na Dimples na syang ikinatuwa ng lahat hindi lamang namin kungdi maging sa lahat ng mga nakakakita sa kanya, Tuwang tuwa naman ako dahil namana nya sa akin ang dalawang dimples,^_^ ,
12:45 a.m Nagising ako sa pag gising sa akin ni MamhiE, sobrang sakit na daw ng tiyan nya kaya naman kaagad akong bumangon at inalalayan sya, gabing gabi na kaya pinakarimdaman namin ng husto kung manganganak na sya kaya hinintay namin na labasan na sya at tsaka na kami tatawag ng midwife , di sana ako matutulog pero dahil sa may pasok ako kinabukasan ay pinatulog nya na ako at gigisingin nya nalang daw ako kapag sobrang sakit na at kailangan nya na manganak, kaya nahiga ulit ako pero panay tingin ko sa kanya kaya ang nangyari ay di rin ako naka tulog mga alas dos na ako ng madaling araw bago naka idlip ,
halos umiyak na sa sakit ang mamhie ko at habang tulog ako ay panay ang ikot nya sa sala , palakad lakad , ayaw nya naman maupo dahil mas lalong sumasakit , sinubukan ni mamhiE na maidlip katabi ko pero talagang ayaw syang patulugan ng sakit ng tyan , kaya tumayo ulit sya at naglakad lakad sa sala , di naka tiis si mamhiE kaya lumabas ito ng bahay , dahil tulog ako kaya di ko na yun namalayan at hindi ko na ito nasaway,. sa labas ay nakita nya si Mam, at duon ay kinausap nya ang mamhiE ko na sana humingi na ito ng sorry kay mama para hindi sya mahirapan ng husto , subalit wala naman si mama para makapag sorry ang mamhiE kaya pinaligo nya na lang ito dahil sigurado na raw talagang ngayon ang kapanganakan nya, narinig nya ako ng umiiyak at umuungol sa loob kaya dali dali syang pumasok at ginising ako , ( nananginip ako that time pero di ko na maalala kung ano naman yung napanaginipan ko ) . mga 6 ng umaga ako nagising at pinag igib ko kaagad ng pampaligo ang mamhiE ko , at dali dali naman sya na naligo , kitang kita ko sa mukha nya ang hirap at sakit na nararamdaman nya , pero wala akong magawa , gusto ko na syang dalhin sa clinic pero ayaw nya at kakayanin nya daw na sa bahay nalang sya manganganak,kinailangan ko pa ring pumasok sa mga oras na yun dahil wala kaming ibang pera nun kungdi ang natitira sa aming mga 800 pesos kaya naman kahit sa pagli labor nya ay pumasok ako sa trabaho , nasa biyahe palang ay sobrang nag aalala na ako dahil alam kung ngayon ding araw talaga na to manganganak ang mamhiE ko , samantala sa bahay ay puspusan na ang pag li labor ng mamhiE, pinipilit nyang manganak sa bahay pero maraming bata ang labas pasok sa bahay na di naman masaway dahil wala ako dun kaya di rin si mamhiE maka ere ng maayos kaya mas lalo itong nahirapan , kitang kita na sa mukha nya ang hirap at pinapayo na ng mga kapitbahay namin na dalhin na ito sa clinic at dahil sobrang hirap na nararanasan ng mamhiE ay pumayag na ito na dalhin kian Ka Mira ( Midwife ) , tinawag nila si Kuya Raul at duon sila sumakay papuntang clinic , kasama sina Ate Kris at si Ate Bebe ( midwife din ) at pati sina alai ay dinala nila si MamhiE sa clinic ng midwife at minuto lang ang binilang ay lumabas na ang bata ng walang kahirap hirap., ako naman sa trabaho ay kakatapos ko lang maglinis at kakatawag ko lang sa kapatid ng asawa ko na si Matet para ipasabi sa kanilang pamilya na mangangak na ang mamhiE at kelangan ang presence ng Mama nila , pero wala si matet duon kaya pinakontak ko nalang sa kanya ang mama para ipasabi ang kalagayan ng mamhiE,. pagkatapos kong matawagan si matet ay tinawagan ko namana ng number ng mamhIE, sa una ay nag ring ito pero pinatayan ako kaya nagulat naman ako at nag dial ulit ,. may sumagot,
" hello " saad ng nasa kabilang linya,
" hello Si Jessica kamusta na , asaan na si Jessica " saad ko naman kahit di ko alam kung sino ang nasa kabilang linya.
" hello , Richard ? , si Richard ba to " saad ng nasa kabila
" oo ako nga , sino ka ? nasaan si Jessica ? " sagot at tanong ko ,
" andito kami kina Ka Mira, si Ate Kris mo to , nanganak na ang asawa mo , Babae " sagot ng nasa kabilang linya,
na stunt ako at di ko maipaliwanag ang nararamdaman ko parang gusto kong lumipad at gusto ko nanduon na ako kaagad, kaya pagkatapos kong humingi ng pasasalamat kay ate kris sa pag aasikaso nila ay tinawagan ko kaagad ang boss ko at nagpaalam ako na uuwi na ako dahil nanganak na ang asawa ko , dahil emergency kaya dali dali namang pumayag ang boss ko at pinauwi na ako kasama ang kinassh advance ko na pera.
Takte isang problema ko ang wala akong barya na pambayad sa pamasahe kaya naman natagalan pa ako bago ako nakasakay ng tricycle papuntang clinic, mga wala din kasing panukli mga tricycle driver at kahit yung mga tindahan kahit na bibili ako ay wala ring mga pamalit hay naku , kaya ang ginawa ko nalang ay sumakay ako ng tricycle kahit alam ko wala sila panukli , at ng makarating na kami ng clinic ay sinabi ko hintayin nya nalang ako at kukuha lang ako ng barya sa asawa ko ,.. hahahhaha
pagkakita ko sa anak ko ay kinarga ko ito kaagad, ang ganda talaga ng anak ko , ang cute , sobrang mahal na mahal ko yun iih kaya siguro halos parang xerox na ang mukha naming dalawa,.
si mamhiE naman ay walang malay na nakatulog sa may higaan , pinuntahan ko ito habang karga ko si baby at hinaplos at mukha at noo. hanggang sa magising .. ^_^
- nagpasama ako kay alai para bumili ng almusal nila , hindi pa kasi mga nagsisipag almusal
- mga alas diyes ng umaga ng dumating ang kapatid ni MamhiE at ang mama nya kasama si Kuya Arvin ,.
- kumain kaming tatlo nina kuya arvin at lupin sa canteen di sumama si mama at binantayan ang mamhiE ko .
- pagdating namin ay pinakain ko ang mamhiE ko.
- mga alas 12 na naka uwi sina mama at kuya arvin at lupin.
- inilabas ko ang mamhiE ko alas tres ng hapon , isinama ko si ate baby sa pagsundo kay jessica para sya magdala sa baby althea namin dahil mahina pa ang katawan ng mamhiE..
pagdating namin sa bahay ay tinatadtad kami ng mga bisita , ang daming gustong makakita sa baby althea namin lakas talaga ang appeal ng mahal kong baby.. dami natutuwa sa dimples nya,... hehehehe syempre ako kaya ang daddy nya.. ^_^
Total Pageviews
Baka Nandito ang hinahanap mo ?
Popular Posts
-
di naman ang ibig kung sabihin dyan ay yung laging panalo yung cards mo . ang tinutukoy ko ay imposible kang umuwi ng luhaan o kaya naman a...
Sunday, December 11, 2011
Subscribe to:
Posts (Atom)
Popular Posts
-
di naman ang ibig kung sabihin dyan ay yung laging panalo yung cards mo . ang tinutukoy ko ay imposible kang umuwi ng luhaan o kaya naman a...
-
Di lang kasi maunawaan ng ibang tao ang ganitong usapin iih , bakit ka nga naman magagalit sa tambay ? porke ba tambay eh tamad na ? o kaya...
-
MT. ARAYAT Major jump off: Arayat National Park, Brgy. Bano, Arayat BACKGROUND The legendary Mt. Arayat rises like a solitary giant over t...
-
Sabi dun sa isang artikulo na nabasa ko .( nakalimutan ko na yung title iih ) Ang pag tunog daw ng ngipin kapag natutulog ay isang uri ng s...
-
I don't know kung tama ba na ang isa sa mga ini-idolo ko sa larangan ng musika ang ita topic ko sa blog ko na to ,hindi para purihin at...
-
it's not too hard to find out why it still happening and why it still occurs sa mga mag asawang mahal na mahal naman nila ang isa't ...
-
Naalala nyo pa ba ang ating bayaning si Dr. Jose Rizal ? Noong Ikalimang Siglo ( friday kasi ngayon habang sinusulat ko to kaya nasa ikali...
-
Mga Instrumentong Etniko Plauta - ito ay isang instrumento na tulad ng bilang ng isang kategorya woodwind. Plau...
-
masarap talaga magkarooon ng kabiyak sa buhay lalo na kung mahal na mahal ka rin ng taong mahal na mahal mo , at sa totoo lang maswerte ako ...