Naalala nyo pa ba ang ating bayaning si Dr. Jose Rizal ?
Noong Ikalimang Siglo ( friday kasi ngayon habang sinusulat ko to kaya nasa ikalimang siglo na naman tayo ) , ay may isa tao din na halos ang katangian ay di nalalayo kay Jose Rizal.
ito ay si Saydem. tulad ng ating Pambansang Bayani , si Saydem ay may angking talino at sari-saring kakayahan.
kaya nyang maging tagapamahayag at taga pag ulat sa lahat ng mga nangyayari sa kanilang bayan at maging sa mga karatig lugar nito.
Si Saydem ay isa din sa mga tinataguriang pinakamagaling na musikero at taga sulat ng tula.
sya din ay mayroong mga napakaraming chicks pero puro lang ito manok. hehehehe.
isang araw, ay may dumadaing sa kanyang isang kababayan dahil ang nabili daw nilang sapatos ay hindi tugma sa kanilang mga paa.kapag kasi ang sapatos na nabili mo ay medyo masikip , ang paa mo ay mananakit sa kakalakad lalo na kung balat ng hayop ang sapatos na nabili mo, at kapag maluwag naman ay halos lumalabas na ang hulihang sakong mo .
Kaya't bilang isang henyo sa kanyang panahon ay naisipang gumawa ni Saydem ng isang bagay na maaring makapagbigay solusyon sa problemang ng kanyang kababayan.
dalawa hanggang tatlong araw nyang pinag ukulan ng atensyon ang pag gawa at pag imbento ng bagay na ito. hanggang isang araw.
sadida : Saydem balita namin ay natapos mo na ang solusyon sa mga problema namin ukol sa aming mga paa. " - saad ni Adidas este sadida kay Saydem.
Saydem : Oo at sinubukan ko na ito ng ilang ulit,. sigurado akong magugustuhan nyo ito at masasabi nyong ito na nga ang solusyon sa mga problema natin..
Inilabas ni Saydem ang dalawang pares ng tela at ipinasuot ito sa mga magkakaibigang sina Sadida, Keni ,Shanata at Vona.
labis silang nabigla at nagulat dahil sa preskong dala nito sa kanilang mga paa.
subalit kasabay niyon ay biglang natisod si Vona , gumulong ito at tuluyang nahulog sa bangin . dahil sa pagkaka out balance ng dahil lang sa mali ang pagkakasuot nito ng naimbento ni Saydem.
Nagulat ang mga tao sa nangyari, gulat na gulat sila ang nakaramdam ng takot , subalit may isang binatilyo roon na sadyang matapang at matipuno, lamang ay may diperensya ito sa pagsasalita.
"Naku Naku, nahulog hulog si Vona Vona" unang nasambit ng Binatilyo.
"pero wag kayo mag alala lala, sasagipin gipin ko sya ko sya"
at pinuntahan nga ng bintilyo si Vona , subalit patay na ito .
ng sabihin ito ng binatilyo sa mga tao ay nagsumiklab ang galit ng mga ito kay Sadem subalit hindi na nila ito nakita kailanman.
Isang araw pagkatapos ng aksidenteng naganap ay may isang taga ibang lugar ang dumayo sa kanilang lugar upang bilhin ang naimbentong bagay ni Saydem.,
tumutol ang mga tao at pilit na itinaboy ang dayuhan.
nag isip ng mabuti ang dayo kung papano nya makukuha o mabibili ang naimbentogn bagay na yaon .
kinabukasan ay bumalik sya sa lugar na yun subalit nagpanggap sya bilang isang matandang ale.
doon nya nakausap yung binatilyong sasagip sana kay Vona, at dahil sa depekto nito sa pagsasalita ay nagkakada baliktad ang mga pangalan na sinasabi nito. at habang nag ti take note sya sa mga kwento nito ay dahan dahan nyang dinudukot ang isang pares ng tela na pinakita sa kanya ng binatilyo upang mapag gayahan nya. ito upang maibenta sa merkado. pagkatapos nyang makuha ang lahat ng impormasyon mula sa binatilyo ay nagpaalam na sya dito dala ang isang piraso ng tela na kanyang kinuha.
makalipas ang ilang buwan ay nagulantang ang buong bayan ni Sadem dahil kumalat an sa buong bayan nila at pati sa mga karatig lugar nila ang naimbentong bagay ni Saydem at mga artikulo kung paano ito naibento.
nagtinginan ang lahat dahil pamilyar sa kanila ang mga pangalan ng nasa kwento ito ay mga pangalan nina Sadida, Shanata, Keni , kapag pinagbabalikatad ang mga pangalan ng binabanggit na karakter. at ang mas nakakagulat ay ang pangalan ng Produktong iyon ay hango sa Pangalan Ni Saydem. at
mula noon ay wala na silang nagawa kungdi tanggapin ang Bagay na yun na tinatawag ng lahat na 'MEDYAS!" !!..
Total Pageviews
Baka Nandito ang hinahanap mo ?
Popular Posts
-
di naman ang ibig kung sabihin dyan ay yung laging panalo yung cards mo . ang tinutukoy ko ay imposible kang umuwi ng luhaan o kaya naman a...
Thursday, September 15, 2011
Ang Alamat ng Garapon [ Comedy Version ]
Noong unang panahon sa isang tagong lugar sa bayan ng Pongara ay may naninirahan na magkaibigang si Pon at si Tsu. si Pon ang pinakamayamang tao sa kanilang lugar samantalagang si Tsu naman ang may pinakamraming hayop sa kanila gustong gusto ni Pon ang mag swimming sa batas samantalang si Tsu naman ay gustong gusto na kasama nya ang kanyang mga katulong sa paghahayupan.
magkaibang magkaiba ng ugali ang dalawa subalit di sila nagtatalo pagdating sa mga bagay na alam nilang makakasira ng kanilang pagkakaibigan..
Isang araw ay may nakita si Pon na isang mababasaging bagay sa may harap ng hayupan ni Tsu.
" ano kaya ito ?" nagtatakang tanong ni Pon habang hinhimas himas nya ang kakaibang bagay na ngayon lang nya nakita.
" kahit saang tindahan ako bumili ng ganito ay wala akong makikita isa itong mahalagang bagay , kaya kelangan kong sabihin ito sa aking kaibigan at baka marami pa pala syang nakikita sa bahay nila at tinatapon lang nya. kelagan ko syang pagsabihan."
dali daling pumasok si Pon sa loob ng hayupan ni Tsu.,
"Melba asaan ang amo mo ? tanong ni Pon.
" ay si Sir Tsu, nasa likod po , pinag uusapan nilang mag asawa ang gagawin nilang paghahayupan sa biyernes dun sa kabilang bayan . may nabili kasi sila dun lupa at ang plano nila ay gagawin ulit nilang hayupan yung lugar." naka ngiting tugon ng katulong ni Tsu.
samantala naabutan ni Pon sina Tsu at ang ang asawa nitong si Per ( perla ang totoong pangalan nito ) . nag naghahanda sa kanilang hayupang itatayo sa susunod na araw.
" oh kaibigang Pon, napadalaw ka ?" saad ni Tsu na itinigil pasandali ang ginagawa para kausapin ang di inaasahang bisita.
" ah kaibigang Tsu. alam mo ba kung ano to ?" sabay itinaas ni Pon ang dala dala nyang bagay .
" ano ba yan Kaibigan , ngayon ko lang yan nakita ah.. " nilapitan ni Tsu ang hawak na bagay ni Pon. di inaasahan ni Tsu na dumudulas pala ang bagay na yaon sa mga may sabon na bagay na mayroon ang kamay nya dahil sa paglilinis ng mga kagamitan.
"braggggGGG" basag ang bagay na hawak hawak ni Pon sa lupa dahil tumama ito sa bato.
"HinDiiiiiiiiiIIIIII!!!!" sigaw ni pon.
dahil sa sigaw na yun ay maraming tao ang nagulantang ang nagsipuntahan sa hayupan ni Tsu at naki usyuso kung ano ang nangyayari .
dun nila naabutan ang magkaibigan na nag aaway at panay ang sigawan ..
" di ko sinasadyan Pon patawarin mo ako " saad ni Tsu.
" ang Gara mo Tsu, di mo ba alam kung gaano kabihira ang bagay na yun? ngayon ko ngalang nakita yun iih tapos babasagin mo lang .. " galit na tugon ni Pon.
" Ang gara POn, yun lang nagagalit ka na..ang pangit mo naman pala maging kaibigan. ang gara mo pon . ang gara mo .. " naiiyak na saad ni Tsu,
" ah basta simula ngayon hindi na tayo magkaibigan Tsu, isinusumpa na kita,,"
sabay talikod at tuluyang umalis si Pon.
Galit na galit naman si Tsu dahil sa isang bagay lang na yun ay pinagpalit sya ng kanyang kaibigan. umiyak sya at sumigaw ng paulit ulit..
" ANG GARA PON , ANG GARA PON, huhuhuhu!!"
labis na naawa ang mga tao kay Tsu, at mula noon kapag nakakita sila ng mga Babasaging bagay ay tinatawag nila itong
"GARAPON!"
hahahahha...
Labels:
Kwentong Barbero,
Mga,
Mga Kwento Ni Richardbelen,
Pinoy Jokes
Subscribe to:
Posts (Atom)
Popular Posts
-
di naman ang ibig kung sabihin dyan ay yung laging panalo yung cards mo . ang tinutukoy ko ay imposible kang umuwi ng luhaan o kaya naman a...
-
Di lang kasi maunawaan ng ibang tao ang ganitong usapin iih , bakit ka nga naman magagalit sa tambay ? porke ba tambay eh tamad na ? o kaya...
-
MT. ARAYAT Major jump off: Arayat National Park, Brgy. Bano, Arayat BACKGROUND The legendary Mt. Arayat rises like a solitary giant over t...
-
Sabi dun sa isang artikulo na nabasa ko .( nakalimutan ko na yung title iih ) Ang pag tunog daw ng ngipin kapag natutulog ay isang uri ng s...
-
I don't know kung tama ba na ang isa sa mga ini-idolo ko sa larangan ng musika ang ita topic ko sa blog ko na to ,hindi para purihin at...
-
it's not too hard to find out why it still happening and why it still occurs sa mga mag asawang mahal na mahal naman nila ang isa't ...
-
Naalala nyo pa ba ang ating bayaning si Dr. Jose Rizal ? Noong Ikalimang Siglo ( friday kasi ngayon habang sinusulat ko to kaya nasa ikali...
-
Mga Instrumentong Etniko Plauta - ito ay isang instrumento na tulad ng bilang ng isang kategorya woodwind. Plau...
-
masarap talaga magkarooon ng kabiyak sa buhay lalo na kung mahal na mahal ka rin ng taong mahal na mahal mo , at sa totoo lang maswerte ako ...