Total Pageviews

Baka Nandito ang hinahanap mo ?

Popular Posts

Wednesday, June 15, 2011

Gamot sa An-an

Ano ang an-an?

Ang an-an o whitespots ay isang sakit sa balat na dulot ng isang fungal infection. Ito’y karaniwan sa mga bata at matatanda. Ito’y nakikita bilang mga maliliit na ‘balat’ na kulay puti na karaniwa’y hugis bilog at maaaring matagpuan sa mukha, sa mga balikat, sa dibbdib, tiyan, o mga paa. Sa terminolohiyang medikal, ang an-an ay tinatawag na Pityriasis versicolor.
Ang an-an ay pinakamadalas nangyayari sa mga taong edad 15-24, sapagkat ito ang edad kung saan aktibo ang mga sebaceous glands sa balat.

Ano ang mga sintomas ng an-an?

Mga patse ng balat (skin patches) na kulay puti ang karaniwang sintomas ng an-an. Maaaring may kasamang pangangati. Dahil iba’t iba ang kulay ng balat ng tao, maaaring mag-“blend” ang an-an at hindi mahalata kaagad. Ngunit kapag nag tag-araw at nangitim ang taong may an-an, maaaring lumitaw ay mga puting patse ng balat sa siyang mga bahagi ng katawan na may an-an.
Maaaring malaking bahagi ng balat ang na-aapektuhan ng an-an; minsan naman, maliit na bahagi lamang. Dahil iba’t iba ang presentasyon ng an-an, sa maraming kaso ay kinakailangan ng dermatologist o spesyalista sa balat para matukoy kung an-an nga ba ang kondisyong nararanasan ng pasyente.

Ano ang lunas o gamot sa an-an?

Ang gamot sa an-an ay mga fungal cream. Ang mga gamot na ito ay maaaring mabili na “Over the Counter” o hingi nangangailangan ng reseta ng doktor. Ipahid ang cream sa apektadong bahagi ng balat, ngunit mas maganda kung magagabayan parin ng dermatologist ang iyong paggagamot. Halimbawa ng generic name ng mga anti-fungal cream ay Ketoconazole, Clotrimazole, Terbinafine, atbp. Kapag malawak na bahagi ng balat ang apektado, maaaring mas praktikal na uminom na lamang ng anti-fungal medications. Magpagabay sa dermatologist sa wastong pag-inom ng mga gamot na ito.

Paano maiiwasan na mahawa ng an-an?

Ang mga taong may sore eyes ay dapat iwasan na hawakan o kamutin ang kanilang mga mata. Dapat ding ugaliing maghugas palagi ng kamay.
Para hindi mahawa ng sore eyes, dapat ring maghuwas palagi ng kamay ng sabon at tubig; at iwasan ring kamutin ang inyong mga mata.

Kailan dapat magpatingin sa doktor kung may an-an?

Magpakonsulta sa dermatologist o spesyalista sa balat kung hindi sigurado kung ano bang kondisyon ang nasa balat ng pasyente; at kung hindi tumatalab ang mga fungal cream laban sa an-an. Maaaring magreseta ang dermatologist ng mas matapang na cream o kaya tableta na iniinom.

Popular Posts

Pages

Pages