Total Pageviews

Baka Nandito ang hinahanap mo ?

Popular Posts

Wednesday, November 30, 2022

Spiderman No Way Home Tagalog Movie Script

sa pagpapakita ng mukha ni Misteryo na nagbubunyag na si Spiderman at Peter Parker ay iisa natin sisimulan ang kwento mga kaibigan , si Misteryo ay namatay hindi dahil kay Peter Parker kungdi dahil sa sarili nitong gawa , subalit marami pa rin ang nagagalit sa ating bida at sinasabi nilang hindi isang bayani si Parker kungdi isang mamatay tao, dahil dito ay umalis si Spiderman kasama ang kanyang girlfriend upang maiwasan ang pangbo boing ng mga tao . sa apartment ay nalaman ni Peter Parker na nakipag hiwalay na ang kanyang Aunty sa kanyang Body Guard na si Happy , dahil sa nalaman na ng mga tao ang tunay na pagkatao ni Spiderman ay naging mainit si Peter sa mata ng mga FBI, maging ang iba pa nyang mga kaibigan ay dinadampot na rin nito upang tukuyin ang kinaroroonan ni Parker, Sa tulong ng isang Lawyer na si Dare Devil o sa nagpakilala bilang si Matt ay napalabas ng presinto ang mga kaibigan ni Peter. sa pagbabalik ng magkakaibigan sa eskwelahan ay pinagtitinginan at ang iba ay nagpapahayag ng panget na damdamin para sa kanila, napag alaman din ng magkakaibigan na lahat ng applications nilang tatlo ay na rejet dahil sa pagiging spiderman ni Peter Parker, humingi ng tulong si Spiderman kay Dr. Strange , hiningi nya sa Sorcerer na gumawa ito ng spell para makalimutan ng mga tao ang kaalaman nito na sya si Spiderman, ngunit inihayag ni Dr. Strange na malabo nya na itong magawa ngayon dahil ang time stone ay wala na sa kanya at nakuha na ni Thanos, sinabi ni Strange na merun na iba pang paraan ngunit ito ay maaaring mag resulta ng hindi kaaya ayang output , binalaan ni Wong na wag itong gawin ni Strange ngunit ipinagpatuloy pa rin ito ng sorcerer , hiniling ni Peter na wag masama sa makakalimut sina Dr. Strange at ang dalawa nitong kaibigan , matagumpay naman na nagawa ito ni Dr. Strange , upang mapatunayan ni Peter na nagtagumpay nga sila ay sinubukan nyang lapitan ang kanilang principal at ipinakiusap na tanggapin ang aplikasyon nila , natuwa naman si Peter ng mapag alamang gumana nga ang spell ni Dr. Strange. habang nasa pag uusap pa sila ng principal ay nagkaroon ng isang pagyanig sa tulay , lumabas dito si Dr. Octopus na mula sa ibang Universe. nagkaroon ng masibsibang labanan sa pagitan ng dalawa , sinubukang kuhanin ni Dr. Octopus ang Suit ni Spiderman ngunit upgraded ni Tony Stark ang ginagamit ngayon ni Peter kung kaya sa halip na ang suit ni Spiderman ang makuha nito ay nakontrol ni Peter ang ginagamit na sandata ni Dr. Octopus. hinuli ni Peter Parker si Dr. Octopus at dinala sa base nina Dr. Strange at ikinulong . dito ay nakakulong din si Lizard na hinuli ni Strange , sa tulong ng mga kaibigan ni Peter ay naisip nilang hulihin ang iba pang mga bisita na mula sa ibang uniberso, una nilang nakita si Electro na sinubukan sana nilang ma capture din ngunit nabigo sila , ginamit ni Electro ang buong kapangyarihan nya at ng magpapakawala na ito ng malakas na atake ay iniligtas sila ni Sandman na mula rin sa ibang universe. bagaman at tinulungan sila nito ay isinama din nila si Sandman na ikulong sa sanctum. sa pagkauwi ni Peter sa bahay nila ay nakita nyang kausap ni Norman Osborne ang kanyang tiyahin. ito ay si Green Goblin na mula din sa ibang Universe. hindi naman ito naging banta sa kanila dahil ang Norman Osborn na ito ay nasa unstable na memorya , dinala ni Peter ang Green Goblin sa Sanctum para ihingi ng tulong kay Dr. Strange , ngunit ikinulong din ito ni Strange at sinabing kailangan silang maibalik sa kanilang panahon . inuumpisahan na ni Dr. Strange ang proseso para maibalik ang mga ito ngunit nakiusap si Spiderman na bigyan ng pagkakataon ang mga ito na maiayos ang kanilang mga buhay lalo na at alam ni Peter na kamatayan ang naghihintay sa mga ito sa kanilang pagbabalik sa kani-kanilang mga uniberso. hindi dito pumayag si Strange kung kaya inagaw ni Spiderman ang isang Ancient relic na ginagamit ni Strange para ibalik ang mga villain sa kanilang panahon, subalit madali lang syang nahabol nito at nagawa pa ng sorcerer na palabasin ang kaluluwa ni Peter, subalit dahil sa determinasyon ng ating bida ay nagagawa pa rin nito makontrol kahit ang kalahating bahagi ng pisikal na katawan . ikinulong ng mangkukulam sa mirror world at doon ay naging madali lang sa kanya na makontrol si Peter at matagumpay na naagar ang Ancient Relic. nakagawa ng paraan si Spiderman para muling mabawi ang relic , maging ang teleportation ring ni Strange ay nakuha nito at ginamit upang tuluyang makalayo sa mangkukulam. matapos nito ay pinalaya ni Parker ang mga villains mula sa ibang uniberso, dinala nya ang mga ito sa apartment ng kanyang body guard na kaibigan ni Tony Stark. sinabihan nya rin sina Ned at MJ na kung sakaling maging uncontrollable ang mga villains ay iactivate nito ang ancient relic upang maiteleport pabalik ang mga kalaban, sa una ay nagdududa ang mga villains sa intensyon ni Parker ngunit kalaunan ay napansin ng mga ito na totoong ipinaglalaban sila ni Peter kung kaya ay sumunod ang mga ito sa ating bida. inayos din ni Peter ang tentacles ni Dr. Otopus upang muli nya itong magamit, pagkatapos nito ay ginawan na rin ng chemical medicines ang mga villains na nagmu mutate katulad nina Norman Osborne. gamit ang Spider Sense ay napag alaman nitong bago pa man nya malapatan ng gamot si Norman ay nag mutate na ito bilang si Green Goblin. kinumbinsi rin ng mga ito sina Electro, Sandman , at Lizard na umalis na sila at wag hayaan si Peter Parker na tanggalin ang kanilang mga kapangyarihan, magkatulong naman sina Peter at Dr. Octopus na pinigilan ang mga ito ngunit matagumpay pa rin itong nakaalis ng apartment. nagkaroon ng labanan sa pagitan nina Peter at Goblin , nagpakawala si Goblin ng kakaibang pampapasabog na umabot ang pinsala hanggang sa kanyang tiyahin. naging dahilan ito ng pagkasawi ng babae. dahil walang balita sina Net at MJ kay Peter ay naisip nilang magbukas ng portal gamit ang singsing ni Strange . sa portal ay nakita nila si Spiderman na naglalakad , pumasok ito sa ginawa nilang daanan at nagulat sila ng makita nilang ibang spiderman ang kanilang nakita , sinabi nitong bigla nalang syang napunta doon , sa una ay hindi nila ito pinapaniwalaan ngunit sa pagtagal ng kanilang pag uusap ay nakumbinsi rin sila nito. muli silang nagbukas ng portal at nakita naman nila ang isa pang version ng spiderman na si Tobey Maguire. para mapatunayan nilang sila nga ay mga spidermans ay parehong naglabas ng sapot ang dalawa. sinabi ng dalawa na alam nilang napunta sila sa ibang universe at hinahanap nila si Peter Parker upang makipagtulungan kung papano sila makakabalik sa dati nilang mundo. sinabi nina Ned at MJ ang posibleng kinaroroonan ni Parker. nakita nga nila si Peter at dinamayan nila ito sa kanyang kalungkutang nararamdaman dahil sa pagkawala ni Aunty May. ninais ni Peter na iactivate na ang ancient relic para ibalik na ang mga nilalang sa kanikanilang mga universe. pero inilahad ng dalawang spiderman kung sino sa kanilang mga mahal sa buhay ang nawala dahil sa kanilang pagiging spiderman. kay Spiderman na Tobey ay ang kanyang tito na si Ben, samantalang kay Andrew Spiderman ay ang kang Girlfriend na si Gwen . sinabi rin nila sa isa't isa , na iisa ang sinabi ng mga ito bago mawala sa kanilang mga buhay . ang katagang. Great Power comes with Great Responsibility. dahil dito ay nagbago ang isip ni Peter at may naisip na ibang plano kung papano nila maibabalik ang mga villains sa maayos na paraan. magkakatulong silang gumawa ng gamot para bago nila ito maibalik ay matanggal nito ang mga kapangyarihan at baka kung sakali na hindi ito tuluyang mapaslang ng kani-kanilang mga versions. gumawa sila ng paraan para mapunta ang mga ito sa Statue of Liberty na nagbago na ang hitsura dahil may giant shield na ito kagaya ng shield ni Steve Rogers. nagpa interview si Peter sa reporter na ayaw na ayaw siya at sinabi kung nasaan siya. nakahanda naman na ang dalawang spidermans sa kani-kanilang mga pwesto at habang nag aantay ay sumakit ang likod ni Spiderman tobey kaya pinaayos niya ito kay spiderman andrew. tinatanong ng dalawang spiderman si Tobey kung paano lumalabas ang sapot nito ng walang gamit na web shooter. si tobey lang kasi ang nakakagawa nito sa kanilang tatlo , bago pa man ito masagot ni Tobey ay dumating si Electro , ninanais nitong makuha ang ancient relic. muli silang nagkaharap ni Spiderman Andrew na mula sa magkaparehong universe. dumating din si Lizard at inatake si Spiderman Tobey. ibibigay na sana ni Parket ang toxin para sa lizard pero hinuli siya ni Sandman, kaya nagkaroon ng rumble battle sa pagitan ng magkabilang panig. dahil pare pareho silang naka maskara at naka suot ng suit ay nahihilo sila kung sino ang kanilang kinakausap kung kaya pinangalanan nila ang isa't isa bilang spiderman 1, spiderman 2 , at spiderman 3. dahil mga solo hero sila ay nahihirapan sila sa team working . sinubukan nilang mag focus sa iisang target at bumalik ang tatlo sa pakikipaglaban. inuna nilang tinarget si Sandman at tinakasan ang ibang mga kaaway. nahuli ng sandman si Spiderman Tobey at unti unting nilalamon ng buhangin pero naipasa ni Spiderman Tobey ang gamot para dito at nagawa nilang maibalik sa pagiging tao si Sandman, kasunod nilang inatake ay si Electro na mas lalong naging malakas dahil malapit ito sa reactor ni ironman, nahirapan sila sa kapangyarihan at lakas nito , nakita ni Lizard sina MJ at Ned na sinusubukang isara ang portal kaya hinabol nya ito , mabuti na lamang at nailigtas sila ni Spiderman Tobey. sina Spiderman 2 at 3 naman ay patuloy pa rin na nakikipag tungali kay Electro. ng biglang dumating si Dr. Octopus at pinigilan ang dalawang spiderman, inakala ni Electro na kakampi nya si Dr. Octopus ngunit ng makakuha ng pagkakataon ay ay sinaksak ni Dr. Octopus si Electro ng Toxin na gamot para manumbalik ito sa pagiging tao. patuloy pa rin ang pagtakas nina Ned at Mj sa kadiring lizard , muling nagbukas ng portal si Ned sa dagat na nagpakawala ng massive water at inanod ang butiki . matagumpay na naipakagat sa Lizard ni Spider Tobey ang toxin kaya bumalik ito sa pagiging tao. nagbukas pa ng portal si Ned at lumabas mula dito si Dr. Strange , ia activate na nito ang ancient relic ng pakiusapan ito ng magkaibigan na , nagagawan na ng paraan ng tatlong spiderman ang pag gamot sa mga halimaw . naibalik na halos lahat ng tatlong spiderman sa normal na pagkatao ang mga villains kung kaya binigyan pa ni Dr. Strange si Parker ng ilang minuto bago nya i activate ang relic , ngunit habang nag uusap sila ay biglang dumating si Goblin at inatake sila nito. nilagyan nito ng pampasabog ang ancient relic na nang ia activate na sana ni Strange ay biglang sumabog. nahulog si MJ sa pagsabog , ililigtas ito ni Peter ngunit inatake sya ng goblin , mabuti na lamang at nailigtas ang babae ni Spiderman Andrew. sa pagliligtas ni Andrew sa babae ay naalala nya si Gwen , si Ned naman ay iniligtas ng Kapa ni Strange. at si Electro naman ay iniligtas ni Dr. Octopus at si Lizard ay iniligtas ni Tobey. ang mas lalong pagkawasak ng kanilang universe ay ikinababahala ni Dr. Strange kung kaya sinusubukan nya itong maayos subalit nahihirapan sya. upang mahulog si Goblin ay tinarget ni Peter 1 ang sinasakyan nito. galit na galit si Peter sa Goblin dahil sa pagpatay nito sa kanyang Aunty May. nilapitan nya ito para bugbugin , lumaban si Goblin gamit ang pangtusok nito pero wala syang binatbat sa galit na galit na spiderman 1. malapit na nyang mapatay si Goblin ng pigilan sya ni Spiderman Tobey . nakakuha naman ng pagkakataon si Goblin kung kaya nagawa nitong masaksak sa likod si Tobey . ipinasa ni Spiderman Andrew ang toxin kay Tobey at isinaksak ito sa goblin. nakararecover naman si Tobey sa pagkakasaksak nito sa likod , hindi naman na kinakaya ni Dr. Strange na pigilan ang mga pagdating ng ibang mga nilalang mula sa ibat ibang universe na nagiging dahilan sa patuloy ng pagkasira ng kanilang uniberso kung kaya sinabi ni Peter na gumawa na lamang ito ng spell na lahat ng mga taong nakakakilala sa kanya ay makakalimutan sya kasama na si Dr. Strange at kanyang mga kaibigan upang mawala ang inbalancement ng reality sa kanilang uniberso. nagpaalama sa bawat isa ang tatlong spiderman , matapos nito ay nagpunta rin si Peter sa kaibigan nitong si MJ at Ned para din magpaalam na dito dahil alam nyang makakalimutan na sya ng mga ito matapos isagawa ni Strange ang spell nito. ilang sandali pa ay bumalik na sa kani kanilang mga sariling universe ang mga characters na naroon at inumpisahan na ni Strange ang gagawin nyang proseso. naging matagumpay ang ginawa ni Strange. muling nanumbalik ang lahat . nakalimutan na ng mga tao si Peter Parker maging sina Dr. Strange at ang mga kaibigan nito. kaibigan maraming maraming salamat sa panonood , sana ay nagustuhan nyo ang ating kwento ngayon na may titulong Spiderman No Way Home . muli wag kalimutang mag like , mag subscribe at pakipindot na rin ang bell . hanggang sa muli kaibigan ako si Richard Belen . Ba Bye....

Popular Posts

Pages

Pages