May kasabihan na ang buhay pag-aasawa kapag pinasok mo hindi ito parang kanin na kapag napaso ka pwede mong iluwa . Para sa akin ito ang napakahalang bagay na dapat pinag-iisipang mabuti bago mo gawin ang pagpasok sa buhay may asawa. Maraming mga taong nagtatagumpay sa buhay pag aasawa at marami din namang nabibigo, kapag pumasok ka sa buhay pag-aasawa maraming bagay ang mababago sayo, maraming bagay ang pwede mong talikuran at kalimutan.Marami ring pamilya ang nasisira kapag sila'y nagkakalayo, maraming hindi nagkakasundo, iba't ibang kwento sa buhay may asawa. Naaalala ko ang isa kong kaibigan noong dalaga siya, sakit ng ulo ng kanyang magulang walang ginagawa, panay punta ng sayawan, puro lakwatsa ang inaatupag, hanggang pinili niya ang buhay pag-aasawa na hindi niya pinag-isipan, isang bagay ngayun ang sinasabi niya kung maibabalik ko lang ang nakaraan itutuwid ko lahat ang aking pagkakamali.
Marami sa atin ang nag-aasawa sa hindi tamang panahon, akala nila na ang pag-aasawa ay sagot sa kanilang problema, akala nila ganun kadali ang buhay may asawa, masasabi mo lang na tagumpay ang buhay pag-aasawa kapag nakatagpo ka ng taong makakasama mo sa hirap at ginhawa, sa lungkot at saya, taong magiging tapat sayo sa lahat ng bagay, magmamahal sayo habang buhay .. Dapat kapag pumasok tayo sa buhay may asawa handa tayong talikuran ang nakaraan natin, handa tayong tanggapin ang mga bagay na posibleng mangyari, at handa tayo sa mga pag subok na darating sa ating buhay.
Handa tayong harapin ang magiging buhay natin at handa tayong tumayong maging mabuting magulang ng ating magiging mga anak. Kumbaga sa libro kapag pumasok tayo sa buhay may asawa, pumapasok na tayo sa pangalawang pahina ng ating buhay,
Kailangan handa na tayong ibigay ang ating buhay sa taong makakasama natin, sa pagpasok sa buhay pag-aasawa dito natin mararanasan ang maging magulang, ditto natin mararamdaman ang hirap ng ating ina at ama sa pagpapalaki sa atin. Para sa lahat mahalin natin ang ating magulang dahil sa kanila, kaya nandito tayo sa mundong ito, huwag natin sayangin ang panahon na sila'y ating mapaligaya at gawin natin ang mga bagay na makakapagpasaya sa kanila at wag natin palagpasin ang panahon na masabi natin sa kanila kung gaano natin sila kamahal..
Lagi nating iisipin lahat tayo ay darating sa buhay pag-aasawa, mararanasan natin ang buhay ng pagiging magulang… kailangan natin maging magandang ehemplo sa ating magiging mga anak. Kung handa kana sa mga bagay na yan pwede ka na mag-asawa.
Total Pageviews
Baka Nandito ang hinahanap mo ?
Popular Posts
-
di naman ang ibig kung sabihin dyan ay yung laging panalo yung cards mo . ang tinutukoy ko ay imposible kang umuwi ng luhaan o kaya naman a...
Monday, August 8, 2011
Popular Posts
-
di naman ang ibig kung sabihin dyan ay yung laging panalo yung cards mo . ang tinutukoy ko ay imposible kang umuwi ng luhaan o kaya naman a...
-
Di lang kasi maunawaan ng ibang tao ang ganitong usapin iih , bakit ka nga naman magagalit sa tambay ? porke ba tambay eh tamad na ? o kaya...
-
MT. ARAYAT Major jump off: Arayat National Park, Brgy. Bano, Arayat BACKGROUND The legendary Mt. Arayat rises like a solitary giant over t...
-
Sabi dun sa isang artikulo na nabasa ko .( nakalimutan ko na yung title iih ) Ang pag tunog daw ng ngipin kapag natutulog ay isang uri ng s...
-
I don't know kung tama ba na ang isa sa mga ini-idolo ko sa larangan ng musika ang ita topic ko sa blog ko na to ,hindi para purihin at...
-
it's not too hard to find out why it still happening and why it still occurs sa mga mag asawang mahal na mahal naman nila ang isa't ...
-
Naalala nyo pa ba ang ating bayaning si Dr. Jose Rizal ? Noong Ikalimang Siglo ( friday kasi ngayon habang sinusulat ko to kaya nasa ikali...
-
Mga Instrumentong Etniko Plauta - ito ay isang instrumento na tulad ng bilang ng isang kategorya woodwind. Plau...
-
masarap talaga magkarooon ng kabiyak sa buhay lalo na kung mahal na mahal ka rin ng taong mahal na mahal mo , at sa totoo lang maswerte ako ...