Total Pageviews

Baka Nandito ang hinahanap mo ?

Popular Posts

Thursday, December 1, 2022

Venom let the be carnage - tagalog movie scripts

California , year 1996 . makikitang nag uusap ang magkasintahang sina Kleytus at Frances, sila pala ay nakapiit sa isang bahay kulungan . naging sapat na sa kanila na magkalapit ang kanilang kwarto kahit hindi sila nagkakahawak ng pisikal , subalit maging ito ay nawala sa kanila , Sa St. Estes ay pumasok ang mga kalalakihan sa kwarto ni Frances at kinuha ito . nagwawala naman sa galit si Kleytus ngunit wala itong nagawa hanggang sa tuluyang maisakay si Frances sa Van. ang dahilan kung bakit kinuha nila si Frances ay dahil sa taglay nitong kapangyarihan na kayang magpakawala ng Sonic waves. ng nasa Van na ay ginamit ni Frances ang kapangyarihan nito , binaril ni Molian ang babae at kinapa ang nagdurugo nitong tenga. nagising ang babae sa isang Glass prison na naka bondage ang mata , nalalaman pa rin ni Frances ang mga nagaganap at balita sa kanyang nobyo dahil binibigyan sya ng nurse ng mga dyaryo na nag uulat patungkol kay Kleytus, nalaman nitong hinatulan ang nobyo ng death sentence dahil sa pagiging serial killer nito na hanggang ngayon ay patuloy na pinaghahanap pa ng pulis ang katawan ng mga biktima nito. sa presinto ay kinausap si Brak ni Moligan at humingi ito ng tulong sa lalaki para malutas ang kaso ni Kleytus , ninanais ng pulis na ma solve nila ang kaso at alam nyang malaki ang magiging ambag ni Brak dito. naarugantehan naman si Venom sa lalaki kung kaya kakainin nya na sana ito ngunit pinigilan sya ni Brak at nagpambuno silang dalawa sa CR. sa paglabas ni Brak ng banyo ay muli itong nakipag usap sa pulis at sinabing pumapayag syang makipagtulungan sa lalaki. naging panatag naman si Kleytus kay Brak , sinabi nitong sa lahat ng nakakausap nya ay si kleytus lamang palagay ang kanyang loob . sinabi ni Kleytus na tutulungan nyang mas maging sikat si Brak . ikukuwento nya dito ang buong buhay nya at maaaring sabihin nya rin ang ibang clue kung nasaan ang mga bangkay ng mga pinatay nya sa isang kundisyon , dapat ay iparating ni Brak kay Frances ang kanyang mensahe. tinupad naman ito ni Brak kinalaunan at nabasa nga ito ni Frances. minsan habang binibisita ni Brak si Kleytus ay napapansin nya ang mga drawing ni Kleytus sa mga pader . nadidismaya naman si Moligan kay Brak dahil hindi pa rin sila nakakakuha ng clue kung nasaan ang mga bangkay ng biktima ni Kleytus. sinabi nitong walang kwenta si Brak at sinasayang lang nito ang oras at panahon, sa tulong ni Venom ay binigyan nya ng visualization si Brak mula sa mga nakita nilang drawing ni Kleytus sa pader . dito ay natuklasan ni Brak na ang mga naka drawing sa kulungan ni Kleytus ay mga hints kung nasaan nya itinago ang mga bangkay. sa tulong nina Brak at Venom ay natuklasan ng mga pulis kung nasaan itinago ni Kleytus ang mga bangkay na katulad nga ng ipinangako ni Kleytus ay mas lalong sumikat si Brak at mas lalong nagkaroon ng outbreak ang career nito. ikinainis naman ito ni Moligan dahil pakiramdam nya ay inagawan sya ni Brak ng spotlight na dapat ay sa kanya. dumating ang panahon na ipapataw na kay Kleytus ang kanyang kamatayan , nagwala naman si Frances ngunit dahil salamin ang kanyang kulungan ay hindi nya magamit ang kanyang supersonic wave upang makatakas. si Venom naman ay nagsasawa na sa mga pagkain na ipinapakain sa kanya ni Brak . nagnanais na ito ng utak ng tao at hindi utak ng mga hayop. pinangakuan nalang ni Brak si Venom na bibigyan nalang nya ito ng chocolate na halos katumbas lang din naman ng utak ng tao . pagdating nila sa convenient store ni Mrs. Chen ay napag alaman nilang naubusan na pala sila ng tsokolate . si Mrs. Chen ay alam ang patungkol kay Venom ngunit mapagkakatiwalaan ito at inilihim din ang patungkol kina Brak. dahil dito ay pinagtsagaan nalang ni Venom ang pagkain ng manok na mula sa kapitbahay , habang kasalukuyang naghahanap ng iba pang manok si Venom ay nakita nyang hinoholdap sa isang kalye ang isang babae. tinulungan nila ito at ng akma ng kakainin ni Venom ang holdaper ay pinigilan sya ni Brak. muntik muntikan pa silang mahulog ng habang dumadaan sila sa bubungan ay biglang tumunog ang cellphone ni Brak . napag alaman nilang si ann ito at ninanais ng babae na makipag kita sa kanya , sa isang restaurant sila nagkita at dito ay napag alaman ni Brak na ikakasal na ang babae sa bago nitong nobyo . nasaktan si Venom para kay Brak at gustong gusto na nitong kainin ng buhay si Dan. dahil broken hearted si Brak ay ginawa ni Venom ang lahat ng kanyang makakaya upang ma comfort ang kaibigan , ginawa nya lahat ng chores o gawaing bahay para kay Brak , bagamat sablay ang karamihan sa lahat ng ito. habang kumakain naman si Brak ay nakatanggap ito ng sulat mula kay Kleytus at sinasabing sana ay panoorin ni Brak ang gaganaping pagpatay sa kanya tutal di umano ay si Brak naman ang dahilan kung bakit sya nakulong at nasentensyahan ng kamatayan. muling binisita ni Brak si Kleytus sa bilanguan nito. naabutan ng magkaibigan ang kriminal na kumakain ng last supper nito . inasar nito si Brak at si Venom na ikinagalit naman ng ating bida . inatake ito ni Venom , ngunit kinagat naman sya ni Kleytus. sa kanilang pag uwi ay muling nagkaroon ng pagtatalo mula kina Brak at Venom , hindi kasi nagustuhan ni Brak ang ginawa ni Venom kay Kleytus , sinumbatan naman sya ni Venom na kaya nya lang iyun ginawa ay para hindi magmukhang katawa tawa si Brak sa pang iinsulto ni Kleytus. ngunit hindi pa rin ito tinanggap ng ating bida , pinagsisira ni Venom ang lahat ng kagamitan ni Brak at umalis ng apartment. samantala sa bilanguan ni Kleytus ay inumpisahan ng turukan ang kriminal ng lethal injection , ngunit bago tuluyang masawi si Kleytus ay nagsimula na itong mag transform bilang si Carnage na nabuhay dahil nai infuse sa dugo ni Kleytus ang dugo ni Venom. inatake nya ang mga crew assistant at pulis sa bilanguan. pinakawalan nya rin ang iba pang mga preso at hindi kinalimutan ang warden na sobrang kinapopootan nya. sa apartment naman ay muling inayos ni Brak ang mga gulong ginawa ni Venom , maging ang mga manok na alaga nya na ipinapakain nya kay Venom ay pinagdesisyunan nya ng pakawalan. habang nagpapahinga sya at nanonood ng tv ay nagulat sya sa balita ng mapag alamang nakatakas ng bilanguan si Kleytus. pinuntahan din sya ni Moligan at ipinarinig sa kanya ang recorded voice ni Kleytus at binalaan syang mag ingat dahil pupuntiryahin sya ng kriminal. si Venom naman ay naging masaya at nagpapalipat lipat ng host , inakala pa nga ng iba na naka costume lang ito. nakarating si Venom sa isang Disco Bar at inagawa ang mic ng perfromer sa stage at nagbigay ng napaka gandang talumpati , ikinatuwa naman ito ng mga naroroon. pumunta si Brak sa Saint Estes at doon ay nakita nya ang isang ukit sa puno na nakita nya ring inukit ni Kleytus sa kanyang selda. tinawagan nya si Moligan at ipinaalam kung nasaan sya at tinanong kung sino si Frances at sinabi ni Brak na siguradong pupuntahan ito ni Kleytus , ngunit sinabi ni Moligan na matagal ng patay si Frances dahil sya mismo ang bumaril dito . hindi kasi alam ni Moligan na si Frances ay buhay pa at nasa institute . ipinaalam naman ng matandang head ng institute kay Frances na nakatakas si Kleytus , laking gulat nito ng makitang nasa loob na rin ng glass si Kleytus at bago pa man sya makalikha ng ingay ay pinaslang na sya nito. pinakawalan nina Carnage at Kleytus ang kasintahan at lahat ng nagtangkang pumigil sa kanila ay walang awang pinagpapaslang nito. nagdatingan ang mga pulis pero pinaghahampas lang sila ni Carnage maging ang mga patrol cars , pinaulanan naman sila ng mga bala ng mga alagad ng batas ngunit ginamit ni Frances ang kapangyarihan nitong sonic wave , dito ay natuklasan nila na nakakasakit kay Carnage ang kapangyarihan ni Frances. inatake ni Kleytus ang helicopter na sumusunod sa kanila. samantala ay na over used na venom ang katawan ng sinaniban nyang host. pumunta ito sa tindahan ni Mrs. Chen at humingi ng saklolo, nalaman ni Moligan ang ginawang pang gugulo ni Kleytus sa Institute at ipinatawag nito si Brak upang makausap , pinagdududahan ng pulis na kasabwat o may kinalaman si Brak sa pagkakatakas ni Kleytus sa bilanguan nito. sinabi din nito kay Brak na natuklasan ng mga pulisya na nagkaroon ng mutation si Kleytus , mula sa pagiging tao ay naging isa itong mabangis na halimaw . nag flash back sa isip ni Brak ang eksena kung saan ay nakagat sya ni Kleytus . napagtanto ni Brak ito ngunit inilingid nya sa mga alagad ng batas. upang makalabas ng kulungan ay nagpatulong si Brak sa dating nobya na si Ann na isang abogado. sinabi ni Brak kay Ann na nasa panganib ang lagay nila at kinakailangan nila ang tulong ni Venom , pinuntahan ni Ann si Mrs. Chen at nagbakasali na nanduon si Venom , ngunit mariin ang pagsasalita ni Mrs. Chen na wala doon ang hinahanap nila, dahil kilala nila ang ugali ni Mrs. Chen at ni Venom ay madali lang napagtanto ni Ann na si Venom ay nasa loob ni Mrs. Chen. nilambing ito ni Ann at sinabing kinakailangan ni Brak ang tulong ni Venom at handa ng humingi ng patawad si Brak sa pagkakamali nito . itinakas ni Venom si Brak sa police station at ginamit ang katawan ni Ann para maging host upang makapasok ng tuluyan sa presinto. kahit na tinulungan ni Venom si Brak na makalabas ay galit pa rin ito kung kaya sinabi ni Ann na kailangang mag sorry ni Brak sa kanyang kaibigan upang matulungan sila nito. si moligan naman ay matagumpay na nahanap si Kleytus , datapwat nag transform ang kriminal bilang si Carnage kaya kahit pagbabarilin ito ni Moligan ay hindi ito tinatablan. si Frances naman ay pinuntahan ang apartment ni Brak ngunit hindi nya ito nakita , nakasalubong nya si Ann at ito ang ginawa nyang hostage upang mapuntahan sila ni Brak at Venom. nangkidnap din sila ng pari at dinala sa abandunadong simbahan at pwersahang ipakasal ang kanilang mga sarili. nanduon din sina Moligan at Ann na bihag bihag ng dalawa. sa pagdating nina Venom ay nagulat ang ating bida kung kaya nabahag ang buntot nito at ayaw makipaglaban kay Carnage. kung kaya sinabi ni Brak na maaaring kainin ni Venom ang magkasintahan kung matatalo nila ito . dahil dito kahit alam ni Venom na mas malakas sa kanya ang kalaban ay sinubukan pa rin nyang makipag buno dito. sinubukan ni Frances na tulungan ang kasintahan ngunit maging si Carnage ay naaapektuhan ng sonic wave ni frances kung kaya sinuntok nya ito . nagkaroon ng maribdibang labanan mula sa pagitan nina Venom at Carnage habang si Frances naman ay pinuntahan si Moligan , akma nya ng gagamitin sa pulis ang sonic wave nito ngunit pinigilan sya ni Carnage . sinamantala ni Moligan ang pagkakataong ito at tumakbo para makatakas , agad naman itong hinabol ng babae , si Carnage naman ay naisipang kainin ang ulo ng pari na syang ikinalakas pa lalo ng symbio. nagtatawag na ng back up si Moligan ng maabutan ito ni Frances , sinaksak sya nito at ginantihan din sa pamamagitan ng pagtanggal ng isang mata sa pulis. dumating naman si Dan at tinulungan si Venom , gamit ang gas at lighter ay inatake nya ang symbio ngunit hindi rin ito nagtagal dahil mabilis na naubos ang gas . tumakbo ito ng mabilis ngunit naabutan pa rin sya ni Carnage , malapit ng makain ang ulo ni Dan ng saktong pagdating at sagip ni Venom. nasagi ang kampana at sa tunog nito ay nanghina ang magkaparehong symbio, tumayo si Kleytus at inatake si Brak . pag walang tunog ay ginagamit ng dalawa ang kani kanilang mga symbio upang makipaglaban , upang maiwasan ang pagkakaka connect nila sa kanilang mga host ay sinira ni Carnage ang kampana at muli nyang binugbog si Venom. naging abala naman si Frances sa pag torture kay Moligan , iginapos nya ito , sinasakal at pinagsisipa. kinuha ni Carnage si Ann at iniakyat sa pinaka mataas na bahagi upang doon ito kainin. nakaramdam naman ng selos si Frances kung kaya pinigilan nito si Carnage ngunit maging sya ay tinangkang patayin ng symbio ng kanyang kasintahan. sinusubukang pigilan ni Kleyto si Carnage ngunit hindi sya nito sinusunod. muling nakabangon si Venom at nagawa nilang maatake ang kalaban , matagumpay naman nilang nailigtas si Ann ngunit nagkaroon ng tsansa si Carnage na pag sasaksakin sa likod si Venom. dahil sa natamong sunod sunod na pagkakasaksak ay nakaramdam na ng panghihina ang ating bida. sa kabila ng kalagayang ito ni Venom ay pinilit nya pa ring maibaba ng ligtas si Ann , ng matagumpay nya ng mailigtas si Ann ay muli nyang hinarap si Carnage , muli ay naging walang kalaban laban ang ating bida , inatake ni Venom si Frances , tumalsik ito at napasigaw sakto naman na tumama ito sa kampana kung kaya mas lalong naamplipay ng kampana ang super sonic wave nito. naging dahilan ito para mawasak ang gusali at mahiwalay ang mga symbio sa kani-kanilang host , bago tuluyang bumagsak si Brak ay matagumpay itong nailigtas ni Venom . sa huli ay kinain ni Venom si Carnage at maging ang host nitong si Kleytus. at dyan nagtatapos ang ating kwento mga kaibigan , sana ay nagustuhan nyo ang ating istorya na may titulong , Venom Let there be carnage , hanggang sa muli kaibigan , ako si Richard Belen , Ba bye.

Popular Posts

Pages

Pages