Total Pageviews

Baka Nandito ang hinahanap mo ?

Popular Posts

Monday, November 28, 2022

Sang-Chi and the Ten Rings - Tagalog Movie Scripts

Isang Makapangyarihang Sandata ang nadiskubre ng isang mandirigma na si Suwwenho na kinalaunan ay naging Imortal na kagaya ng isang dios, ginagamit nya ito sa pagsakop ng maraming kaharian , ng dahil dito ay naging matagumpay itong lider ng mga hukbo at kinilala sa maraming bansa. dahil sa ang sandatang ginagamit nya ay sampung mga rings kung kaya ang hukbong itinatag nya ay ipinangalan nya dito . upang hindi sya mahalata na hindi sya tumatanda at namamtay ay nagpapalipat lipat sya ng tirahan at ang hukbo na kanyang itinatag ay ikinukubli nya sa sangkatauhan. sa kabila ng mga tagumpay na nararanasan ni Suwenho ay naghahanap pa ito ng mas higit na kapangyarihan , may nabasa syang isang libro na kung saan ay nakalahad na may isang tagong lugar na kung saan ay may mga kakaibang hayop at ang mga naninirahan dito ay may angking abilidad sa pakikipaglaban na biyaya sa kanila ng dios ng martial arts. kasama ang kanyang mga kasalukuyang tauhan ay pinuntahan nila ang nasabing gubat na pinapaniwalaang portal sa talos. ng marating na nila ang gubat ay napasin nilang gumagalaw ang mga puno sa kagubatan, inatake sila nito na naging dahilan para mahulog ang sinasakyan nila , nakaligtas naman si Wenhu at matagumpay itong nakatalon . muli nyang pinasok ang mahiwagang gubat at dito ay nakita nya ang isang babaeng karatesta na si Ying Li, tinanong ni Wenhu ang babae kung nasaan ang daan patungo sa lugar na talos ngunit sinagot sya ni Ying Li na bawal pumasok doon ang lalaki . ngunit nagpumilit ang lalaki kung kaya napilita si Ying Li na atakehin ito , nagkaroon ng maromantikong paglalaban mula sa pagitan ng dalawa , alam nila pareho na gusto nila ang isat isa. nagpakawala ng isang malakas na pag atake si Wenhu gamit ang kapangyarihan ng Ten Rings, ngunit matagumpay naman itong nailagan ng babae. at kalaunan ay nagawa din ni Ying Li na kontrolin ang Ten Rings at ang atakeng ipinakawala ng lalaki ay ibinalik sa kanya ng babae . sa pagkasapul ni Wenhu ay tumilapon ito . bakas naman sa mukha ni Wenhu na attracted ito sa babae. nagkagustuhan ang dalawa hanggang sa magkaroon ito ng supling na pinangalanan nilang Shang Chi, makalipas ang maraming taon ay naitanong ng batang si Sang Chi ang kanyang ina kung papano nito natalo ang kanyang tatay samantalang malakas ito at taglay ang kapangyarihan ng ten rings, sinagot ito ng ina na ang ibinigay na kapangyarihan ng dios ng talos ay higit kaysa kapangyarihan ng ten rings ni Wenhu ngunit iniwanan nya na raw ito sa talos dahil mas pinili ng ina ang kanyang pamilya kumpara sa duty nito sa talos. binigyan ni Ying Li si Sang Chi ng Kwintas at sinabing ito ang magdadala sa bata sa tahanan nila pagdumating ang panahon na kailangan nitong bumalik sa talos, kaibigan kumusta ? muli ako si Richard Belen and welcome sa ating channel na tagalog pinoy movie recap , at kung ngayon lang tayo nagkatagpo sa pamamagitan ng video na ito ay please lang , wag kalimutang mag like , mag subscribe at pakipindot na rin ang bell , simulan na agad natin. Kasalukuyang panahon si Sang Chi na ngayon ay may bago ng pangalan bilang si Shaun ay nakatanggap ng isang post card mula sa kapatid na may address sa likod. si Shaun ay namuhay na malayo sa kanyang kinagisnan , itinago nito ang totoo nyang pagkakilanlan at nagtatrabaho bilang isang attendant sa isang hotel at nagkaroon ng isang matalik na kaibigan na si Katy. naging sobrang close ng dalawa na ako man ay inakala kong magka love team ang dalawa , habag nakasakay ng tren ang dalawa ay may isang lalaki na nagtangka na kuhanin ang kwintas ni Shaun. iniwasan ito ni Shaun ngunit may dalawa pang humawak sa mga braso at kamay ni Shaun , nag alala naman si Katy sa pambubulabog ng mga kalalakihan sa kanyang kaibigan kung kaya sinigawan ito ni Katy. napikon sa kanya ang lalaki kung kaya sinaktan nito ang babae, dito na nagsimulang kalabanin ni Shaun ang mga lalaki, laking gulat naman ni Katy dahil sa ngayon nya lang nalaman na napaka galing pala ni Shaun sa Martial Arts. samantala may isang vlogger naman na ginawan ng content ang pakikipaglaban nito sa mga estranghero, matagumpay namang natalo ni Shaun ang mga lalaki. ngunit sa isang saglit ay may tumayong isang lalaki , hinubad nito ang kasuotan at nakita niyang isa pala itong half android na tinatawag na razor fists. nagkaroon ng masibsibang labanan sa pagitan ng dalawa , hanggang sa isang pag atake ni Razor Fists ang nagpawala sa preno ng sinasakyan nilang Bus. nauntog ang driver at nawalan ito ng malay , sinubukan ni Shaun na imaneho ang Bus habang nakikipag laban kay Razor Fists ngunit sobrang napakahirap nito sa kalagayan nya , ti tinulungan naman sya ni Katy at ito na ang nagmaneho, muing nagkaroon ng malay at nakabawi ng lakas ang mga lalaking napatumba ni Shaun Kanina , ngunit dahil nakakagalaw na muli ng maayos si Shaun ay isa isa nya itong natalo at napatalsik pa ang iba palabas ng Bus. malapit ng matagpas si Shaun ng magbigay ng signal si Shaun kay Katy na iliko nya ng bigla at malakas ang sasakyan upang makawala ang lalaki . bago tuluyang maputol ang Bus ay nasipa ni Shaun si Razor Fists at tuluyan silang nakatakas mula sa mga lalaki . napansin ni Shaun na wala na ang kwintas nya na bigay ng kanyang ina at matagumpay itong nakuha ng kalaban , agad bumalik si Shaun sa Aprtment nya at sinabi kay Katy na hindi nya maipapaliwanag ang lahat at sinabi rin nito sa kaibigan na kailangan nyang pumunta sa Macau at pupuntahan nya ang kapatid , nagdesisyun naman ang kaibigan na sasama sya kay Shaun at doon nya ipaliwanag ang lahat ng nasaksihan ng kaibigan, sa eroplano ay ikwinento ni Shaun ang kanyang pagkatao , kung papano naging napakahusay nyang karatesta, sinabi nya ditong hinasa sya ng kanyang ama na maging asssassin ngunit sa unang misyon palang nito ay binigo na agad ni Shaun ang kanyang amang si Wenhu at tumakas , pagdating nila sa Macau ay agad pinuntahan ni Shang Chi ang kapatid upang balaan ito na baka ito na ang isunod ng mga kalaban dahil taglay taglay din nito ang isa pang kwintas na interesado ang mga kalaban, sinalubong naman sila ni Jonjon at galak na galak ito na pumirma si Shang Chi na nagpapatunay na lalaban si Sang Chi sa Battle Club , ngunit ipinaliwanag ni Sang Chi na hindi sila pumunta rito para makipaglaban kungdi para makipagkita sa kapatid. makikita sa palabas na nakikipag battle si Wong laban sa dating kalaban ni Hulk na si Abdomination, iginiit ni Jon Jon na hindi na maaaring tumanggi si Sang Chi dahil naka pirma na ito sa kontrata kanina , kung kaya napilitan si Sang Chi na sumalang sa arena, dito ay nakita ni Sang Chi na ang makakalaban nya ay ang kanyang kapatid Xu Xialing, galit na inatake sya ng babae ngunit si Shaun ay ayaw syang kalabanin, nag flash back naman ang ala ala kung saan ay mga bata pa sila , si Shang Chi ay iniwanan si Xu Xialing noong mga bata pa sila upang tumakas sa San Franciso at hindi na binalikan ang kapatid , dahil dito ay nakaramdam ng galit ang kapatid na babae sa mahabang panahon sa kanyang kuya , naging dahilan iyon para magtraining ito ng mas higit kaysa sa lalaki kung kaya sa arena ay saglitan lang nitong natalo ang kapatid , sinabi Xu na sya ang may ari ng figthing arena na iyon , binalaan naman ni Sang Chi ang kapatid na maaaring sya ang susunod na aatekehin ng mga kalaban na sa palagay ni Sang Chi ay mga alagad ng kanilang ama, sumagot ang nakababatang kapatid na matapos syang iwan ng kuya nya ay hindi nya na kinailangan pa ang tulong nito sa buhay nya. sinagot naman ito ni Shang Chi na . Kung ganun ay bakit mo ako pinadalhan ng post card ? nagulat naman si Xu at sinabing hindi sya ang nagpadala nito sa kapatid, dahil sa nalaman ay naalarma sina Sang Chi at Xu , kasabay nito ay nag activate ang alarm sa buong gusali , nagpakita sa kanila ang grupo ng ten rings, binasag nina Shaun ang bintana upang makalabas sila ni Katy ng gusali , ngunit maging doon ay sinundan pa rin sila ng mga alagad ni Wenhu at inatake sila, dahil hindi naman bihasa sa pakikipag alaban si Katy ay nahulog ito sa gusali mabuti na lamang at nailigtas ito ni Xu. magkatulong na nilabanan ng magkuya ang team ten rings ngunit sa kasamaang palad ay nakuha nito ang kwintas ng babae. sinundan ito ni Shaun at ng malapit na itong makasakay ng helicopter ay naabutan ito ni Sang Chi at nagkaroon ng masibsibang labanan sa pagitan ng dalawa , natalo ito ni Shaun at akma nya na itong papatayin ng isang makapangyarihang kidlat ang pumigil sa kanya , ito ay nagmula sa kanilang amang si Wenhu na ngayon ay bihag na sina Katy at Xu, dinala sila ng kanilang ama sa dati nilang tirahan na Ten Rings Head Quarters. ipinaliwanag ng ama na wala siyang planong masama sa dalawa sa halip ay kinakailangan nito ang tulong ng magkapatid , sinabi nitong ang pagmamahal bilang ama ni Wenhu sa mga anak ay hindi pa rin nawawala at lalong lalo na sa kanilang namayapang ina , sinabi ni Wenhu na gamit ang natitirang kapangyarihan ng ina nila ay nagagawa nitong makuntak ang ama mula sa Talon ng Talos . sinasabi ng ama nila na nakakulong ang kaluluwa ng kanilang ina sa mystic falls ng talos dahil pinarusahan umano ito ng dios ng ina nila dahil sa pagtalikod nito at pinili silang pamilya. natuklasan din ng ama nila na nag iwan ang kanilang ina ng mapa upang mapuntahan nila ang talos dahil alam nitong darating ang panahon na gagawin ito ng mga lokal na mga mamamayan ng talos sa kanya. gamit ang pinagsamahang dyamante ng kwintas ng magkapatid ay na access nila ang mapa gamit ang magical na tubig. agad na inihanda ni Wenhu ang kanyang mga tauhan sa paglusob na kanilang gagawin , ng marinig na Sang Chi na susunugin nila ang Talos matapos mailigtas ang ina ay hindi ito pumayag , nagalit ang ama nila sa mga sinabi ng anak na lalaki kung kaya binalibag nya ito at inutusan ang mga tauhan na ikulong silang lahat. habang naka kulong naman ang tatlo ay sinabi ni Shaun na kailangang maunahan nila ang kanilang ama at mabalaan ang mga taga talos . isang saglit ay may narinig na ingay sina sang chi , hinanap nila ang pinang gagalingan ng tunog at doon ay nakita nila si Trevor, isang aktor na ginamit dati ng mga terorista para magpanggap na lider ng ten rings, ng mabalitaan ito ng kanilang ama ay kinuha sya ng ga totoong ten rings at ikinulong sa lugar na ito . lumabas naman ang kakaibang hayop na alaga nito na si morris , sinabi nitong naiintindihan nya ang mga sinasabi ng alaga at sinabi rin nito na si morris ay ang dating alaga ng kanilang inang si Xi Ling , ngunit ng makuha ito ni Wenhu ay ikinulong ito dito ssa mahabang panahon , sinabi rin ni morris na tutulungan sila nito na makarating ng mas mabilis sa talos , ginamit ni Xu ang kanyang lakas upang makagawa ng butas sa pader at makatakas sa kanilnag pagkakakulong , sumakay naman sila ng kotse para tumakas ngunit hinabol sila ng ibang mga miyembro ng ten rings , pinagtulungan ng magkapatid na atakehin ang mga humahabol sa kanila at napagtagumpayan naman nilang matalo ang mga ito . nakarating na sila sa maze ng kagubatan at sa tulong nina Morris at Trevor ay nakarating sila sa lugar ng talos , nakakita sila dito ng ibat ibang uri ng magical na hayop at sinalubong din sila ng mga lokal na mamamayan ng talos , kinausap naman sila ng Tiyahin nilang si Ying Nam , malugod sila nitong tinanggap . itinur sila ng kanilang tiya at binigyan ng brief history ng kanilang nayon. sinabi nitong dating mayamang lugar ang talos ngunit dumating ang isang Darkness Dweller at nagpakawala ng isang napakabangis na halimaw na tinatawag nilang Sould Eater at naging dahilan kung bakit itinago nila ang lugar na ito sa karamihan . ngunit kahit na inilingid na nila ito sa mga tao ay may natitirang mga leaked powers pa din ang Soul Eater na nakakulong sa Dark Gate . kino kontak nito ang mga taong may sapat na kapangyarihan gamit ang voice telepathy at inaakit upang mapunta sa lugar na ito . dito ay napag tagpi tagpi nina Sang Chi at Xu na isa ang kanilang ama sa kino kontak ng sould eater . maya maya ay pumunta sila sa isang templo kung nasaan ang puntod ng ina nilang si Xi Ling. binalaan nila ang kanilang tiyahin na parating na ang kanilang ama para atakehin at sunugin ang talos , naghanda ang mamamayan ng talos sa pag atake na ito at maging sina Sang Chi at Xu ay binigyan ng Dragon Scale Suit. kinabukasan ay nakarating na sina Wenhu at ang Pangkat nito sa Talos , sinabihan nya sina Sang Chi na padaanin sila papunta sa Dark Gate . ipinaliwanag naman ni Ying Nam na wala doon ang asawa nito kungdi ang dweller of darkness na ginagamit lang sya upang mabuksan ang Dark Gate . hindi ito pinaniwalaan ni Wenhu kung kaya nagkaroon ng marahas na paglalaban sa pagitan ng dalawang team . habang abala ang lahat ay pumunta si Wenhu sa puntod ng asawa at nagtirik ng insenso , naabutan sya dito ni Sang Chi. at ilang saglit ay naglaban ang mag ama, nagpatuloy ang labanan nilang dalawa hanggang sa makalabas sila ng puntod ng namayapa niyang asawa. gamit ang kapangyarihan ng ten rings ay naging walang kalaban laban si Sang Chi sa ama, pagkatapos nito ay pinuntahan na ni Wenhu ang Dark Gate at sinimulan nya ng sirain ito . hindi nagtagal ay may nakalabas na isang soul eater dito , umatake ito sa isang assassin , pinagtulungan namang atakehin ng mga ten rings assassins ang hayop ngunit mabilis itong mag regenerate at tila hindi tinatablan ng kahit anung sandata, matagumpay nitong nakuha ang kaluluwa ng assassin at agad binawian ng buhay ang ninja. sunod na inatake nito ay si Razor Fists , malapit ng mapaslang ang assassin ng tulungan ito ni Ying Nam sa pamamagitan ng pag atake sa soul eater na may dragon scale . nag deklara si Razor Fists na makipagtulungan sa pag patay sa mga soul eaters , ipinag utos din nito na pakawalan ang mga lokal ng talos na nabihag nila , pinalitan ni Razor Fists ang armas nya ng armas ng mga taga talos upang mapaghandaan ang ngayon ay libo libong mga soul eaters na lumilipad papunta sa kanila. samantala si Sang Chi naman ay muling nagkaroon ng ulirat at nakita nya ang The Great Protector ng Talos , lumabas mula sa tubig ang Great Protector na nakasakay si Sang Chi , muling pinuntahan ni Shaun ang ama na patuloy pa ring pinapakawalan ang mga soul eaters , muling naglaban sina Shaun at Wenhu , muling nagpakawala ng isang malakas na kapangyarihan at atake ang ama sa anak ngunit nagawa ng maiwasan ito ni Sang Chi , gamit ang Ying Yang Style na itinuro ni Ying Nam sa pamangkin ay nagawang makontrol ni Sang Chi ang 5 rings ni Wenhu . ngayon ay magkapantay na ang kapangyarihan ng dalawa. datapwat ay mas bihasa pa rin sa pag gamit ng rings ang kanyang ama kung kaya ay palagi pa rin syang napapabagsak nito. habang patagal ng patagal ay nakukuha na rin ni Shaun kung papano kokontrolin ng tama ang lahat ng rings. nakuha nya ang kabuuang sampu at walang natira sa kanyang ama , naghahanda na si Sang Chi na magpakawala ng final blow sa ama ngunit nagbago ang isip nito at itinapon pabalik ang ten rings ni Wenhu. nakiusap nalang si Shang Chi sa ama na gumising na ito at maniwala sa mga sinasabi ni Ying Nam . na hindi totoong buhay pa ang kanilang ina at ang naririnig lang ni Wenhu ay ang boses ng Dark Dweller na pilit kumakawala sa pagkakakulong. dahil na rin sa kanina pa ni Wenhu inaatake ang Dark Gate ay nakalabas na dito ang Dark Dweller . inatake nito si Sang Chi ngunit iniligtas sya ng ama . imbis na kaluluwa ni Sang Chi ang mahigop ng dweller ay ang kaluluwa ng ama nya ang nakuha ng halimaw . bago man tuluyang mawala ang buhay ng ama ay inilipat nito sa anak ang kapangyarihan ng ten rings. naghahanda na si Sang Chi sa pagsugod ng Dark Dweller ng atakehin ito ng Great Protector na sakay si Xu Ling . lumipad ang halimaw papunta kina Ying Nam. si Sang Chi naman ay sinarado ang butas ng dark gate at sumakay sa Greta Protector. bago pa man makalapit ang halimaw sa mga taga nayon ay matagumpay namang napigilan ito ng great protector dragon, ilang saglit habang nasa tubig ay nakikitang natatalo na ito ng tagapagligtas ng talos , ngunit marami na ring naipong mga kaluluwa ang soul eaters nito na sya namang nagbigay ng karagdagang lakas sa Dark Dweller . nakabawi ito ng lakas at inatake nito ang great protector . tinangkang higupin ng dark dweller ang kaluluwa ng dragon , habang sina Sang Chi at Xu naman ay nakakaramdam ng hirap sa pagkakapulupot ng mga soul eater sa kanila. napigilan pansamantala ang pag atake ng halimaw ng asintahin at patamaan ni Katy ng palaso nito ang halimaw. umatras pansamantala ang great protector upang mag regenerate sa ilog . habang ginagawa ito ng great protector ay kinalaban nina Xu at Shaun ang Dweller of Darkness . kalaunan ay naging magaumpay ang magkapatid na matalo ang Dark Dweller sa pamamagitan ng sandata ng ten rings , maraming maraming salamat kaibigan , sana ay nagustuhan mo ang ating video ngayon na may pamagat na Sang Chi and the Ten Rings. kaibigan ha, baka di ka pa nakakapag subscribe , please lang wag kalimutang mag like , mag subscribe at pakipindot na rin ang bell . hangggang sa muli ako si Richard Belen , Ba Bye.

Popular Posts

Pages

Pages