Total Pageviews

Baka Nandito ang hinahanap mo ?

Popular Posts

Thursday, January 5, 2023

DInukot ng isang troll ang prinsesa at sapilitang ipakasal sa kanya

Sa lalim ng kabundukan ng Scandinavian, sinasabi ng alamat na, ang isang nakakatakot na troll na kilala bilang Mountain King ay natutulog. ang tanging bagay na maaaring makapag pagising sa halimaw ay ang isang babaeng hindi pa kasal ang pupukaw sa kanya. Dahil sa kwentong ito, desperado si Haring Erik na makahanap ng asawa para sa kanyang anak na babae na si Prinsesa Kristin bago pa man ito maging disi otso anyos. Isang araw, nagpakita si Prinsipe Frederik para hingin ang kamay ni Kristin . pinahanga niya ang lahat sa bokabularyong ginagamit niya at lahat ng kuwento tungkol sa kanyang mga pakikipagsapalaran. Nagpasya si Erik na pakasalan ni Kristin si Frederik kahit na ayaw ng kanyang anak sa lalaki. Gayunpaman , tumanggi pa rin si Kristin na gawin ang sinabi ng hari at tumakas mula sa kastilyo sa kalagitnaan ng gabi . Samantala, si Espen ay naglalakbay sa kagubatan nang bigla siyang mabangga ng kabayo ni Kristin at itinapon sa ilog. Nang mapagtanto ni Kristin   na may natamaan siya, lumakad din siya sa tubig  at ginamit ni Espen ang pagkakataong hilahin siya pababa kasama niya. Nabighani si Espen  sa kakulitan ni Kristin at sinubukan niyang kaibiganin siya, ngunit hindi nakayanan ni Kristin ang daldal ni Espen at hindi siya pinansin hanggang sa mag-alok siyang ibahagi ang pagkain sa kanyang bag. Dahil matagal na siyang hindi kumakain ay agad nya itong kinain at inubos. Makalipas ang ilang sandali, bumalik si Espen sa sakahan ng kanyang pamilya, sa pagbabalik sa kanilang sakahan ay ipinaalam sa kanila ng kanilang ama na ang lahat ng kanilang mga pananim ay nasira dahil sa isang buwitre na bumagsak dahil hindi inilagay ni Espen ang panakot, at dahil ibinigay ni Espen ang lahat ng mga bagay na nakuha niya sa palengke kay Kristin ay wala sila ngayong makakain . pinagalitan sya ng kanyang ama dahil sa ginawa nito . Maghapong nag -iisa si Espen sa bahay sa pag-aalaga ng apoy, at sa gabi, nakarinig siya ng malalakas na kalabog at ungol na nagmumula sa kagubatan. Ipinapalagay ni Espen na isa itong troll at sinimulan niyang gamitin ang fire poker bilang isang espada habang iniisip niya ang kanyang sarili bilang isang bayani. habang patuloy sya sa ginagawa ay natapunan ng ilang karbon ng apoy ang bahay na naging dahilan para magsimula ang sunog . sinubukan ni espen na iapuhap ito gamit ang tubig , ngunit mabilis na kumalat ang apoy at wala siyang magagawa kundi ang manood. Sa kagubatan, nagpatuloy si Kristin palabas ng kaharian nang biglang marinig niya rin ang mga ingay: ang Hari ng Bundok, na sa wakas ay dumating para sa kanya. Sinubukan ni Kristin na tumakas ngunit hindi sapat ang kanyang bilis at hindi nagtagal ay nahuli siya. Kinaumagahan, umuwi sina Per, Pal, at ang kanilang tatay upang matuklasan na nasunog ang farmhouse kasama ang nag-iisang larawan ng kanilang ina. Sinusubukang ipaliwanag ni Espen na nakarinig siya ng troll, ngunit hindi sila naniniwala sa kanya, at tinawag  siya ng kanyang ama na "Ash Lad." Ang kanilang kalungkutan ay biglang naputol sa pagdating ni Frederik at ng kanyang mga tauhan, na gustong malaman kung may nakakita kay Kristin. Nagdadalawang- isip si Espen   nang sabihin niyang hindi at inatake siya ni Frederik para igiit ang katotohanan, kaya ang ama ay lumapit at ipinagtanggol ang kanyang anak at ipinaliwanag na si Espen ay isang airhead lang. sinabi ni Frederik sa kanila na , nangako ang hari na sinuman ang makakahanap sa prinsesa ay makakakuha sa kanya at kalahati ng kaharian. Pagkaalis ni Frederik at ng kanyang mga tauhan, ibinigay ng ama kina Per at Pal ang huling pera at hiniling sa kanila na hanapin ang prinsesa para makuha ang gantimpala. Nais ding tumulong ni Espen ngunit walang ibinigay ang kanyang ama at pinalayas siya at hinihiling na huwag nang bumalik. Nagpasya si Espen na sundan pa rin ang kanyang   mga kapatid, at sa tuwing may makikita siyang sa kalsada tulad ng sirang salamin o lumang helmet ay dinadampot niya iyon kahit na iniisip ng kanyang mga kapatid na  sinasayang niya lang ang kanyang oras . Pagkatapos ng ilang oras na paglalakad, nakarinig si espen ng mga sigaw na humihingi ng tulong , ang magkapatid na per ay hindi ito pinansin datapwat si Espen , dahil sa pagiging likas nitong mabuti at matulungin ay nagpasyang puntahan ito at suriin . Nahanap niya ang isang druid na na- stuck sa isang log, kaya ginamit ni Espen ang kanyang hatchet para basagin ang kahoy at palayain siya. Sinabi rin ng druid na siya ay nagugutom pagkatapos na manatili doon nang matagal, at ibinahagi ni Espen ang kanyang huling patatas bago ikwento na hinahanap niya ang prinsesa. Ipinaalam sa kanya ng druid na nahuli na siya ng Mountain King at ang tanging paraan para patayin siya ay makuha ang maalamat na espada na Tvay-geer, na huling nakita sa isang napakadelikadong latian. Gusto ni Espen na kunin ito, kaya niregaluhan siya ng druid ng mapa sa latian. sa unang tingin ay tila wala itong laman datapwat magalang pa rin si espen na tinanggap ito. Nagsimulang sundan ni Espen   ang mapa upang tumawid sa kagubatan at nahanap ang brotse ni Kirstin sa lupa na nagpapahiwatig   na patungo siya sa tamang direksyon, bagama’t hindi niya napansin na nakatayo siya sa bakas ng paa na naiwan ng troll. sa pag sapit ng gabi ay nag-iisa siyang gumagawa ng kampo at ginagamit ang helmet na nahanap niya upang pakuluan ang ilang halaman. Samantala, labis na nalulugmok sa kalungkutan si Erik sa pagkawala ng kanyang anak na babae. Biglang dumating ang isang messenger at ibinalita sa kanya na nahanap na nila ang kabayo ni Kristin sa kakahuyan   sa tabi ng isang higanteng ngipin, na nagpapatunay na kinuha siya ng troll. Kinaumagahan, nagising si Kristin na nasa loob na ng kweba ng troll . Ang labasannito ay nahaharangan ng isang mabigat na bato na hindi niya kayang maigalaw, dahilan ito para hindi sya makatakas sa lugar . Bumalik sa kalsada,  sina Per at Pal ay nakatagpo ng isang basket na puno ng gintong mansanas. Nagpasya silang kumuha ng isa para sa bawat isa sa kanila . Sa sandaling iyon, dumating ang isang grupo ng mga babae at hiniling na sumama sa kanila, sinundan sila nina Per at Pal nang hindi nila nalalaman na sila ay mga wood nymph. Sa malapit, sinusundan ni Espen ang mapa ng makita nya ang kanyang dalawang kapatid ay dinadala ng mga wood nymp sa isang lugar . kung kaya nagpasya syang sundan ang mga ito. nakakita rin sya ng gintong mansanas at kinagat nya ito na naging dahilan para magkaroon din sya ng access sa pugad ng mga nimpa. nakita niya ang kanyang mga kapatid na kumakain at nagsasaya kasama ang mga babae, ngunit nang umupo na rin si Espen para kumain, mayroon siyang kakaibang mga pangitain na ang pagkain ay talagang mukhang bulok at ang mga nimpa ay mukhang masasama. Gusto ng isang nymph na kumain siya ng mas maraming mansanas at napagtanto ni Espen na iyon ang naglagay sa kanyang mga kapatid sa ilalim ng impluwensya, dahil hindi naging gahaman si Espen sa pagkagat ng mansanas kanina ay kahit papano ay nasa tamang ulirat pa rin sya at nakikita nya pa rin ang mga totoong hitsura at anyo ng mga nimpa. Pagkatapos magpanggap na kumain ng marami para maalis ang nimpa sa kanyang likuran, inilayo ni Espen ang kanyang mga kapatid mula sa mesa at pinaghahampas sila para matauhan ang mga ito. Ngayon ay nakikita na rin nina Per at Pal ang katotohanan at nang tawagin sila pabalik ng mga mukhang nimpa, nagsimulang tumakas ang mga lalaki. hinabol sila ng mga ito at sinisikap na isara ang daanan upang muli silang mabitag, ngunit ang magkapatid ay tumalon sa labas ng pugad sa oras bago ito magsara. Ngayon ay magkasama silang naglalakbay muli, at nagsimulang magtalo ang magkapatid . Samantala sa kweba, nag-iisip si Kristin kung makakaakyat ba siya roon nang biglang bumukas ang malaking bato sa pasukan. Ang troll, ang naghulog ng isang grupo ng mga buto ng hayop para pakainin siya. upang hindi magalit ang troll aynagkunwari si Kristin na kinakain ang mga ibinigay nito sa kanya . Bumalik sa mga lalaki, si Espen  ay kumukuha ng isang bola ng sinulid habang natuklasan ni Pal na ang kalsadang ito ay malapit sa isang bayan, kaya napagpasyahan nilang magpahinga. Pumunta sila sa pinakamalapit na taberna para busogin   ang kanilang mga tiyan, at sa isa pang mesa ang waitress ay pinaglilingkuran din si Frederik at ang kanyang mga tauhan na binabastos ang waitress . Ipinakita ni Espen sa kanyang mga kapatid ang mapa, at nakita ito ng mga tauhan ni Frederik, dahilan upang agad na puntahan sila ng prinsipe sa kanilang mesa . Humingi si Frederik ng impormasyon tungkol sa prinsesa dahil mahal na mahal niya ito at kailangan nilang magpakasal, nangako ito ng gantimpala sa magkakapatid kung makikipagtulungan ito sa kanya. Interesado sina Per at Pal na ibenta ang mapa dahil gusto lang nila ang pera para itayo muli ang sakahan, ngunit bago nila ibigay ang mapa ay nagtanong si espen sa prinsipe at sinabing , kung totoong nagmamahalan kayo ng prinsesa ay bakit nito sinubukang takasan sya ? dahil dito ay nakaramdam ng galit ang prinsipe , natakot naman ang magkapatid na Per at pal at ninais nitong ibigay nalang ang mapa para walang gulong maganap. Tumanggi si Espen, at nang dalhin ng waitress ang kanilang pagkain, ibinato ni Espen ang mangkok ng mainit na nilaga sa mukha ni Frederik. Isang galit na galit na Frederik ang nag-utos sa kanyang mga sundalo na hulihin ang magkakapatid, na nag-udyok ng   away sa bar na sinalihan ng lahat ng tao sa tavern. Habang ang iba't ibang lalaki ay nagpapalitan ng suntok sa buong lugar, hinabol ni Frederik si Espen gamit ang kanyang espada, nagawa namang ipagtanggol ni espen ang kanyang sarili gamit ang rolling pin na ibinigay sa kanya ng waitress. Tinamaan pa rin siya ni Frederik  at pinabagsak niya ang pin, at nang subukan ni Espen na kumuha ng kutsara sa halip, dinaig siya ni Frederik sa ibabaw ng isang mesa. Habang papalapit siya, humakbang si Frederik sa isang plato ng pagkain na pag- aari ng isang matipuno at galit na galit na lalaki na humawak kay Frederik at itinapon. Sinasamantala ng magkapatid ang pagkakataong ito para tumakas patungo sa kakahuyan, ngunit sinundan sila ni Frederik at ng kanyang mga tauhan hanggang sa makorner sila sa gilid ng isang bangin. Si Espen ay nagkunwaring nag-aabot ng mapa, ngunit sa huling segundo ay tumalikod siya at tumalon kasama ang kanyang mga kapatid sa tubig. Matapos lumangoy ng ilang sandali, nakarating ang magkapatid sa dalampasigan, at sinimulan ni Per na pagsabihan si Espen dahil sa hindi pagkuha ng pera at paggawa ng kaaway sa isang mapanganib na prinsipe. Iniisip din ni Per na magiging mas masaya ang kanilang pamilya   kung wala si Espen, at tumugon si Espen  sa pamamagitan ng pagsisimula ng away. Agad na pinaghiwalay sila ni Pal, at kinuha ni Per ang mapa bago bumalik sa kalsada. sa kabila ng mga pang iinsulto na natanggap ni espen sa kapatid ay patuloy na sinusundan sila ni espen , huminto lamang ito upang kunin ang balat ng oso. Samantala, dumating na ang oras para sa pagpapakasal ni Kristin sa Troll . Sinusubukan ni Kristin na ipagtanggol ang kanyang sarili gamit ang isang piraso ng buto, ngunit wala itong magawa , kung kaya sinubukan nalang ng prinsesa na linlangin at patagalin ang oras upang hindi makaisip pa sya ng ibang paraan. sinabi nitong hindi sya maaaring magpakasal sa troll dahil wala syang magandang damit na kinakailangan sa pagpapakasal. nagtagumpay si Kristin , ibinaba sya ng troll at umalis . Sa kalaunan ay nakarating ang magkapatid sa latian, kung saan napapalibutan sila ng makapal na ulap. Naipit ni Espen ang kanyang boot sa putik, ngunit hindi ito nakita nina Per at Pal at nagpatuloy sila hanggang sa mawala sila. samantala takot na takot naman ang mga tauhan ng prinsipe sa kanilang mga naririnig . nagkita sina Frederick at ang mga kapatid ni Espen , hinanap ng prinsipe ang kanilang kapatid ngunit sinabi ni Per na patay na siya upang maprotektahan ito. samantala , patuloy na gumagala si Espen hanggang sa marating niya ang lawa na nakita niya sa mapa. Tumalon siya sa tubig nang hindi napapansin ang  mga nilalang na lumot na lumalangoy din, mabilis na nahanap ni Espen ang maalamat na espada. Inaatake siya ng mga nilalang sa sandaling mahawakan niya ito, ngunit pagkatapos ng ilang paghihirap sa ilalim ng tubig, muling bumangon si Espen na matagumpay na nakuha ang espda. Makalipas ang ilang oras, sa kabilang banda ay umalis na ang grupo nina Frederick at iniwan sina Per at Pal matapos makuha ang mapa, sa kagubatan. Nagpasya si Per na subukang tumakas at ibinato ang ilang dumi sa guwardiya upang makaabala sa kanya, pagkatapos ay tumakbo siya para kumuha ng kabayo, ngunit hindi siya sinunod ng kabayo  at nahuli muli si Per. umalis na rin si Espen sa latian matapos ang pakikipag tungali sa mga halimaw na lumot , na curious sya sa espada kung kaya sinubukan nya ito sa isang puno upang maalaman kung gaano ito katalas. gumawa siya ng plano na iligtas ang kanyang mga kapatid. Nagsimulang sumigaw si Frederik at  karamihan sa kanyang mga tauhan nang biglang makakita sila ng oso na humahabol sa kanila . napansin ito ng isang matipunong kawal na hindi ito totoong oso kung kaya inatake nya ito at bandang huli ay napagtanto nilang , si espen lamang ito na nagbabalatkayo bilang oso. matagumpay ang prinsipe na mabihag si espen , kinuha rin nito ang espada , sa kabila ng galit nito ay hindi nito pinaslang si espen , plano nyang gawin itong pain sa troll sa oras na makaharap na nila ito . ang grupo ng prinsipe ay patuloy na naglalakabay , humihinto lamang ang mga ito pag sumasapit ang gabi. itinali ang magkakapatid sa isang puno , humiling si Pal ng pagkain ngunit itinatapon ng mga lalaki ang pagkain sa hindi nila maaabot para lang makita silang nahihirapan. Biglang isang malalim na ungol ang maririnig mula sa kakahuyan: ito ay ang troll. Tumakas si Frederik at ang kanyang mga tauhan ngunit naiwan ang mga kapatid. Sa kabutihang palad, may isang bato malapit sa kanila na nakuha nila at ginagamit upang putulin ang mga lubid bago mapunit ng troll ang puno. Agad na tumakas sina Espen at Per, ngunit huminto muna si Pal upang kunin ang pagkain. Nakahanap silang tatlo ng lugar na mapagtataguan, ngunit nang matuklasan ni Per na dala ni Pal ang pagkain, itinapon niya ito para pigilan ang troll na makita sila sa pamamagitan ng amoy. Tumalbog ang pagkain sa isang bungkos ng mga puno at bato at nahuhulog pa rin sa tabi nila. Inutusan ni Frederik ang dalawa sa kanyang mga tauhan na labanan ang troll habang siya ay tumatakas, ngunit saglitan lang itong napatay ng halimaw . Nagtago ang prinsipe sa pamamagitan ng pag-akyat sa tuktok ng isang puno, at nang subukan ng mga tauhan nito na sumama sa kanilang prinsipe ay itinulak ito ng prinsipe palayo upang sila ang kainin ng halimaw na troll. ang mga nakain ng halimaw na tauhan ni fredirik ay hindi naging sapat sa troll kung kaya niyugyog pa rin nito ang puno na naging dahilan para mahuli nya ang prinsipe . Makalipas ang ilang minuto, katahimikan lang ang naririnig ng magkapatid at iniisip kung makakalabas na sila ngayon. Gayunpaman, dahil sa amoy ng pagkain ay nahanap nito si Pal. Nang bumalik ang troll sa kanyang kweba, itinapon niya sina Pal at Frederik kasama si Kristin, Sinubukan ni Frederik na sabihin sa kanya na ito ay bahagi ng kanyang plano, ngunit itinuro ni Pal na narinig niyang sinabi niyang papatayin niya si Kristin kung kinakailangan. Galit na galit si kristin sa narinig at inatake nito si Frederik gamit ang buto. at ng akma ng aatakehin nya si Pal ay ipinaliwanag nitong hindi nya kasamahan ang prinsipe at isa lamang syang magsasaka . ng marinig ng babae ang pangalan ni Espen na tumutulong din sa paghahanap sa kanya ay nagkaroon ng pag asa sa puso ni Kristin. samantala , nagsimulang umiyak si Espen dahil sa tingin niya ay kasalanan niya ang pagkawala ni Pal. Dumating si Per at sa wakas ay inamin niya na kahit marami siyang reklamo tungkol kay Espen, kaya rin niya ang mga hindi pangkaraniwang bagay na hindi kayang gawin ng iba at hindi siya dapat tumigil sa pangangarap. Pagkatapos, nagpatuloy ang magkapatid sa paglalakad at habang nasa daan sila ay nakita nila ang maalamat na espada at bag ni Espen. Mayroon ding kumpol ng alitaptap sa paligid, kaya hinuhuli nila ang mga ito sa isang garapon  na may pulot. Pagkatapos ay umalis sina Per at Espen sa kagubatan upang tuluyang makapunta sa lungga ng Mountain King , gamit ang mga alitaptap sa banga bilang kanilang ilaw . Ang lugar ay puno ng mga buto ng tao at hugis halos tulad ng isang labirint, kaya't inilabas ni Espen ang sinulid na kinuha niya kanina at ginamit ito upang markahan ang daan sa kanilang paglakad. Pagkatapos ng ilang paggalugad, nalusot si espen sa isang butas , mabuti na lamang at hindi sya tuluyang nahulog dahil nakakapit ang espada dito , dito ay natuklasan din nya na ang butas ay konektado sa bilanguan nina Pal at Kristin. Gamit ang isang lubid, hinila nina Per at Espen sina Pal, Kristin, at maging si Frederik palabas ng kweba, ngunit sa kanilang paglabas, nakita nila ang troll na nakaharang sa daan habang umiidlip gamit ang damit-pangkasal. Para makatakas nang ligtas kailangan nilang tumalon sa kanyang buntot, at matagumpay itong nagawa ni Kristin at ng   magkapatid, ngunit ng si frederik na ay nadapa ito na naging dahilan para magising ang troll. Agad na nagsimulang tumakbo palabas ng kweba ang grupo at pinag-isipan nilang bumaba ng bundok, ngunit sinabi ni kristin na mas magiging mabilis ang troll sa paghabol sa kanila dahil pababa ito , kung kaya iminungkahi nitong paakyat ang gawin nila dahil mahihirapan ang troll na makita sila dahil sa sikat ng araw. Sinimulan silang habulin ng Mountain King   at muntik nang mahulog si Frederik, ngunit hindi mapigilan ni Espen na maging mabait at tinulungan siya. sa halip na makipag tulungan si frederik ay pinili nitong magtago sa butas sa bato . Naabutan sila ng troll sa tuktok ng bundok, kaya inilabas ni Espen ang kanyang espada para harapin siya. hindi nya magawang mapatamaan ang troll hanggang sa maitulak sya nito papalayo na naging dahilan para mabitawan ni espen ang espada. tumulong naman si per sa pamamagitan ng pagbato nito sa halimaw , ngunit sinaktan din siya ng troll at natumba siya. Iniyakan ni Pal ang katawan ng kanyang kapatid at humingi ng paghihiganti kay Espen, napansin ni Espen na malapit nang lumubog ang araw at sinabihan si Kristin na gambalain ang troll. Hinahabol ni Kristin ang troll habang tinitingnan ni Espen ang kanyang bag at nakita ang sirang salamin, na mabilis niyang itinaas para tumama ang sikat ng araw dito at masunog ang troll. Ang katawan ng Mountain King  ay agad na nagyelo habang nagiging bato ang kanyang katawan. Pagkatapos ay tiningnan nina Espen at Pal si Per, na biglang nagising dahil buhay pa siya. Habang nagdiwang ang magkapatid, tinamaan ni Kristin ang katawan ng troll, dahilan upang gumuho ito. Si Frederik ay bumababa ng bundok mag-isa at narating ang kagubatan, kung saan siya napunta sa druid at tinawag siyang pangit. Bilang paghihiganti, binibigyan siya ng druid ng mga maling direksyon upang pumunta sa bayan. Maya-maya, nagulat si Erik nang matanggap ang pagbisita ng tatlong magkakapatid, at kasama nila,  ang kanilang anak na babae. Pagkatapos ng muling pagsasama-sama ng pamilya, nag-alinlangan si Erik dahil alam niyang ipinangako niya ang kamay ni Kristin sa kanyang tagapagligtas, ngunit ayaw niyang magalit muli sa kanya. Iniligtas siya ni Espen sa pamamagitan ng pagpapaliwanag na pera lang ang gusto nila para muling itayo ang kanilang sakahan na agad inaprubahan ng hari. pagkatapos ay ipinaalam niya kay Kristin na maaari siyang magpakasal kung kailan niya gusto at kung sino ang gusto niya. Pagkatapos, umuwi ang magkapatid . Niyakap ng ama sina Per at Pal habang  si Espen ay nananatili, sa pag-aakalang hindi siya welcome, pero niyakap din siya ng kanyang ama at silang dalawa  ay humingi ng paumanhin sa isa’t isa. Ibinigay sa kanya ni Espen ang pera at ipinaliwanag ni Per na nakuha nila ito ng dahil sa tulong at galing ni espen , kaya sinabi sa kanya ng ama na ipagmamalaki siya ng kanyang ina. Humihingi din siya ng paumanhin sa pagtawag kay Espen na "Ash Lad" ngunit nagpasya si Espen na ito ang gamitin nyang nickname . Pagkalipas ng ilang linggo, unti-unting sumagana ang bukirin ng magkakapatid . si kristin naman ay nawili sa pagbisita sa magkakapatid at madalas silang umaalis para makipag-date kay espen . Samantala sa kagubatan, tuluyan na trap si Frederik at naadik din ito sa pagkagat ng mga mansanas na naging dahilan para di na sya makalabas sa pugad ng mga nimpas.

Popular Posts

Pages

Pages