nagsimula ang pelikula sa isang magandang babae
na nagngangalang
nak ,
ang babae ay sumisigaw sa sakit dahil siya ay buntis at malapit ng
manganganak .
sumisigaw siya para humingi ng tulong
ngunit wala ni isang tumulong sa kanya .
ang kanyang asawa naman na si mak ay nasa malayo
at nakikipaglaban sa digmaan .
ang lalaki ay nasugatan
habang nakikipaglaban.
dahil dito ay dinala siya ng medic sa tent .
doon niya nakilala ang mga kasama niyang sundalon sina ,ter
pak
shin
at nuning .
sa gitna ng kanilang pakikipag digma ay nawawalan na sila ng pag asa at iniisip na malapit na silang mamatay.
ngunit determinado si mak na mabuhay , kung kaya pinalakas nito ang kanilang moral sa pakikipag laban.
sinimulan nilang kunin ang kanilang mga espada at muli silang nagtungo sa larangan ng digmaan
at humarap sa kalaban na may gamit na baril .
isa isang namamatay ang mga kasamahan nilang sundalo , kaya nagtago si mac at ang kanyang mga kaibigan at nagsisikap na manatiling buhay .
nangako si mac na mabubuhay
dahil nag aalala siya sa kanyang asawa na buntis .
kahit na labis na nasasaktan si mac .
siya at ang kanyang mga kaibigan
ay nagsimulang mag march sa laban.
nagagawa nilang manatiling buhay
at kalaunan
ay sumakay sila ng bangka pabalik sa kanilang sariling bayan.
habang nasa paglalakbay ay makikitang nahihirapan pa rin si Mak sa kanyang mga tinamong sugat.
samantala
sinisigaw ni Nak ang pangalan ni mac
habang hawak ang kanilang baby .
ang kanyang boses
ay dinig na dinig sa buong bayan at ang mga residente
ay tila natatakot na lumabas ng kanilang tahanan .
gabi na ng makauwi si mac at ang kanyang mga kaibigan sa bahay ni mac .
doon ay maluha luhang nakasamang muli ni mac si
Nak at sa wakas
ay nakita niya ang kanilang bagong silang na sanggol .
sinabi niya na ang kanilang matabang sanggol
ay ipinangalan sa paboritong pangalan ni mac .
pagkatapos nito
ipinakilala siya ni mac sa kanyang mga kaibigan
na labis na humanga sa kanyang kagandahan .
pagkatapos ay inalok sila ni mac na manatili sa kanyang
tahanan
hanggang sa matapos ang digmaan .
pumayag naman sila sa sinabi niya .
ng magkaroon ng pribadong oras ang dalawa ay
pabirong sinabi sa kanya ni Nak
na may multo
at agad na natakot si mac
at nagtago sa kanyang likod .
kinuha nya ang kanyang proteksyon
na anting anting para sa exorcism
pero sinabihan siya ni nak na isuot ito mamaya
dahil kailangan niya muna itong linisin .
pagkatapos nito
bumalik siya para kumanta ng cocomelon songs
para pakalmahin ang kanilang baby .
tila nakakapag taka , na sa kabila ng pagiging malayo nila sa lungsod , ay tila naririnig sa buong kabayanan ang lahat ng kanilang mga boses.
ito ay nagpatakot sa mga tao doon .
kinaumagahan
nagising si mac at ang kanyang mga kaibigan at nakita nila ang isang bangka na dumadaan sa ilog .
sinabi ng driver ng bangka na dala nito ang mga bangkay
ng mga taong namatay sa digmaan .
pagkatapos nito , pumunta si mac at ang kanyang mga kaibigan sa palengke .
gustong bumili ni mac ng pagkain
sa isang tindera sa palengke
gayon pa man
kinakain niya ang lahat ng kanyang mga produkto
na sinasabing siya ay isang palpak na tindera
ngunit isang mahusay sa paligsahan sa pagkain .
pagkatapos ay sinabi niya na wala na siyang
tinda at mabilis na tumakbo palayo sa kanila .
pagkatapos ay pumunta si mac upang bumili ng isda
mula sa isang vendor .
ngunit itinapon ng nagtitinda ang isda sa basket
at sinabing hindi niya ito ibinibenta .
hindi nagtagal ,
tinatakbuhan din ng
vendor ang kanyang binebenta at
tila sa puntong ito ay
sinusubukan ng mga nagtitinda sa palengke
naiwasan ang pakikitungo kay mac .
pagkatapos nito
pumunta si mac sa isang lasing na nagbebenta ng alak
para mag
apply ng trabaho .
sinabi ng nagbebenta ng alak
na si Miss Vodka , na hindi sila naghahanap ng bagong aplikante .
nakilala niya si mac at bigla siyang nabalisa .
sinabi pa niya sa kanya na kailangan niyang
tumingin sa pagitan ng kanyang mga binti
sinusubukan niyang banggitin sa ganoong paraan
para makita ni mac na si nak
at ang kanilang sanggol ay mga multo .
ngunit pinigilan siya ng anak ni ms vodka
na magsalita ,
nalilito si mac
at ang kanyang mga kaibigan sa mga sitwasyong yon .
nang maglaon
habang umiinom ang kaibigan ni mac sa tabi ng ilog ,
ipinaalam sa kanila ni shinna na
ayon sa alamat ang pagtingin sa pagitan ng mga binti
ay isang paraan upang makumpirma kung ang isang tao ay multo .
tinatawanan tuloy siya ng iba
dahil masyado raw maganda si nak para maging multo .
sa tingin nila
si miss vodka
ay nagsasalita ng walang kapararakan
dahil siya ay lasing .
maya maya ay nakatulog si shin
at nanaginip na si nak ay isang multo .
nagising siya
at sinabihan siya ng iba na
tawagan si mac mula sa kanilang bahay .
pagdating niya doon
ay nakita niya ang isang magulo na eksena ,
kusang gumagalaw ang kunan ng mag isa
at biglang humaba ang kamay ni nak
para kunin ang isang pirasong prutas .
tumakbo siya pabalik sa kanyang kaibigan sa takot
at sinabi sa kanya
na si nak ay isang multo .
ngunit hindi sila naniniwala sa kanyang kalokohan
pagkatapos nito patuloy na sumasayaw ang
grupo sa kanilang
marching song .
samantala
ang bangkay ni ms
vodka
ay lumulutang sa ilog
at ang amoy ng vodka
ay pumupuno sa hangin .
kinabukasan
ng pumunta si terr sa damuhan para tumae at umutot ay
laking gulat niya ng makita ang isang bangkay
na may pulang singsing na nakabaon doon .
nagmamadali siyang bumalik sa
grupo ng hindi pinupunasan ang kanyang mabahong puwitan
at sinusundan ng mga bubuyog ang kanyang amoy
upang kagatin ang kanyang pangit na mukha
ngunit hindi ang kanyang mabahong puwet .
pagkatapos ay nakita niya si nak
na nakasuot ng parehong pulang singsing
kaya naisip niya
na pag aari niya ang bangkay at isa na itong multo .
pero dahil masakit ang bibig niya
hindi niya ito masabi sa kanyang kaibigan .
kaya kumuha siya ng lapis at papel
isinulat niya ito at ipinakita sa kanyang mga kaibigan
sinabi sa kanila na si nak ay isang multo .
nakita ni mak na binabasa nila ang papel
kaya nagpumilit din siyang basahin ito
pero dahil sa tubig ulan
nabasa niya ito
bilang si Nak ay mahalay .
pagkatapos ay sumugod siya sa kanya
at sinabi sa kanya na kahit na siya ay mahalay
tinatanggap pa rin siya nito .
samantala ,
ipinaliwanag ni
tere kay noname
na nakasuot si nak ng kaparehong singsing ng bangkay .
gusto nilang umalis agad para makaiwas kay nak
ngunit iginiit ni
tere na dapat nilang alalahanin ang kaligtasan ni mak .
at bilang kanyang mga kaibigan
hindi nila maaaring iwan si mak ng mag isa
para harapin ang isang nakakatakot na multo .
isang seksing multo.
sa gabi
ang anak ni miss vodka
ay pumupunta doon
nag uulat kay noname at pak na si miss vodka
ay namatay .
naniniwala siya na pinatay ni nak ang kanyang ina
dahil sa pag uulat na si nak ay isang multo .
kaya ipinaalam ng dalawa kina
thor at shin ang lahat ng kanilang nalaman .
takot na takot sila at gustong umalis agad ,
sa kasamaang palad ,
iniimbitahan sila ni nak na maghapunan kasama sila .
naghahanda siya ng mga tuyong dahon at at mga sanga ng puno .
tumanggi silang kainin ito noong una
ngunit binigyan niya sila ng masamang tingin kung kaya napilitan silang kainin ito .
pagkatapos noon
ay sumenyas sila sa isat isa na umalis na .
nakita sila ni mac
kaya inalok niya silang maglaro ng charades .
sa panahon ng laro
itinuro ni ter si Nak .
nag u-udyok kay shin na bigkasin ang salitang patay .
natakot sila kay Nak
kaya tumakbo sila pabalik sa bangka
at nagtampisaw ng mabilis .
dahil sa takot
nagtampisaw na lang sila ng paikot ikot
at hindi makalayo .
sa huli
nagawa nilang makatakas .
maya maya
hinarap sila ni mac .
nagalit sa kanila si Mak at sinabing ,
pareho daw sila ng mga taga na yun at ang lasingero
na anak ni miss vodka
ang nagkakalat ng tsismis.
sinabi ni Mak na dapat hindi nila pinapaniwalaan ang anak ni Miss Vodka sa mga paratang nito dahil gumagawa lang ito ng kwento dahil hindi sya sinagot ni Nak nung nililigawan nya ito .
sa kabila nito ,
kumbinsido pa rin ang mga kaibigan ni mac na sabihin
sa kanya ang totoo .
bumalik si mac kay Nak
at sinubukang aliwin ito gamit ang kanyang mga kamay.
pagkatapos
magkasama silang pumunta sa karneval para sa isang
romantic date .
doon nagsuot si Nak ng multo na maskara para itago ang kanyang mukha .
gusto nilang sumakay sa ferris wheel
ngunit maraming tao
kaya ipinakita ni nak ang kanyang mukha sa mga tao
na tinatakot sila para magsipag alis .
sa lugar na yon
tinanong siya ni nak
kung kaya ba niyang mabuhay ng wala siya .
sinabi niya sa kanya ng ating bida na hindi niya ito kakayanin at hindi niya kayang mabuhay ng wala siya .
pagkatapos nito pumunta sila sa isang haunted house .
plano ng kaibigan ni mac na agawin si mac palayo
kay Nak.
nagdala si
ter ng holy rice bilang
defense weapon .
naglalakad sina mac at nagpatuloy sa isang
haunted house .
doon lahat ay natatakot sa kanya
kaya kailangan nilang makaalis doon ng mabilis .
maya maya
habang naglalakad sila
itinali siya ng kaibigan ni mac
at dinukot siya palayo kay Nak.
sa kasamaang palad
hindi sila makaalis dahil nakalock ang pinto
itinago nila si mac
at nagpanggap silang multo
sa haunted house .
dumating si Nak
upang hanapin si mac
ngunit hindi niya nakilala ang mga ito .
pagkadaan ni Nak. agad na umalis sila kasama si mac .
biglang sumulpot si Nac sa likod nila
at dahil sa pagkabigla ay nagsipagtakbuhan sila patungo sa kakahuyan.
pinalaya nila si mac doon
at sinubukan siyang kumbinsihin na si Nak
ay isang multo .
ngunit sinasabi niya na siya ay
tumingin na sa pagitan ng kanyang mga binti
at si Nak
ay hindi lumilitaw bilang isang multo .
lumayo siya
at nakita siya ng kanyang mga kaibigan
na nagdurusa sa sakit
dahil sa kanyang mga sugat .
biglang napagtanto ni
ter na ang katawan na may pulang singsing
ay maaaring kay Mak at hindi kay Nak .
pagkatapos ay
tinanggal nila ang benda ni mac
upang makita kung nakasuot ito ng pulang singsing .
ngunit ang singsing ay nasa leeg pala ni Mak .
agad na ibinato ni ter ang banal na bigas kay Mak
kaya napasigaw ito sa sakit .
tinatakbuhan siya ng mga kaibigan sa paniniwalang isa siyang multo .
dahil malayo sila sa kanya
nagdududa sila sa kanilang alaala kay nak
at naniniwala sila na siya ay buhay
dahil napakaseksi niya para maging multo .
kaya plano nilang iligtas ang seksing si nak kay mak.
lumapit sila kay Nak at humingi ng paumanhin
sa hindi pagkakaunawaan .
takot pa rin sa kanya si shin
kaya hinayaan nilang hawakan siya
para isipin niyang buhay pa ito .
pagkatapos nito
dinala nila si nak at ang kanyang mabigat na sanggol
sa boat
at nagpaddle sila sa tabi ng ilog .
biglang lumubog ang kanilang bangka
dahil sa bigat
kaya itinapon nila ang kanilang mga gamit maging ang sagwan .
napagtanto nila ang kapalpakang nagawa nila at sinabing hindi sila makakaabante ng walang paddle .
sa sandaling yon
dumating si mak at lumangoy patungo sa kanilang bangka
natakot silang lahat
at ipinaliwanag nila kay nak
na namatay si mac sa digmaan .
at ngayon ay isa na siyang purong multo
ngunit hindi siya naniniwala sa kanila .
biglang namuscle cramp si Mak
at nagsimulang sumigaw para humingi ng tulong .
napagtanto ng kanyang mga kaibigan
na hindi multo si Mak
dahil ang mga multo ay hindi maaaring malunod .
kaya nagpasya silang tulungan siya .
ipinaliwanag niya na siya ay sumisigaw sa sakit
dahil ang banal na bigas
ay nakapasok sa kanyang mga sugat .
tinanong ni ter kung sino ang totoong multo
kung hindi si mac .
nang biglang nalaglag ang pulang singsing ninoname .
iniisip nila na siya ang multo
kaya itinapon nila siya sa bangka .
pagkatapos
ginagamit lamang nila ang kanilang mga kamay
upang magtampisaw .
binigyan sila ni Nak ng sagwan
para mabilis nilang maigalaw ang bangka .
sa oras na yon
nalilito si
ter kung paano nakuha ni nak ang sagwan mula sa malayo .
dahil dito
nagsimula siyang maghinala na si Nak nga ang multo .
kaya tumingin siya sa pagitan ng kanyang mga binti
at kinumpirma
na si nak ang multo
dahil hawak niya si mac
gamit ang kanyang pahabang kamay .
si mac at ang kanyang mga kaibigan ay sumisid sa ilog
at lumangoy
palayo ngunit tumanggi si mac na iwan siya
kaya pinalo ni pac ang kanyang ulo
na nagpatulog sa kanya.
nang maglaon
dinala nila si mac sa templo ng mga budista ,
ang maskulado ngunit kalbo na monghe na may palayaw na mont baldi ay nagpahayag sa kanila na huwag umalis sa magic thread upang sila ay maging ligtas laban kay nak .
biglang naramdaman ni pac ang pagtulo ng tubig mula sa kisame .
inakala nyang presensya ito ni Nak , ngunit pinaliwanag ng monghe na walang nagdonate
para ayusin ito .
nakarating si nak sa templo
at gusto siyang tulungan ni mac
ngunit pinigilan siya ng kanyang mga kaibigan .
si monk baldi ay humihingi ng holy water
ngunit natapon nila ito .
kaya hiniling ni kalbo ang banal na bigas
ngunit ipinakain ito ni shin sa mga ibon kanina .
sinimulan nilang pagalitan si shin
at hindi sinasadyang nasipa ang maskuladong kalbo
palabas ng magic thread .
dahil sa takot
iniwan sila ng monghe .
pagkatapos nito ,
pinagsama sama ng magic thread ang lahat sa grupo .
dahan dahang lumapit si nak
kaya tumakbo sila palabas sa kabilang pinto .
nang makita nila doon si noname
tumakbo sila pabalik sa loob dahil sa tingin nila
ay multo din siya .
napagtanto ni ter na si pak ay nabasa ng holy water .
kaya nagpasya silang itulak ang kanilang sarili
patungo kay noname .
ito ay hindi sinasadyang naging sanhi
ng paghalik ni pak kay noname.
pagkatapos nito , ay napatunayan nilang si Noname ay hindi isang multo .
ipinaliwanag nito na nasa kanya pa rin ang singsing dahil ninakaw nya ito sa bangkay para maibenta .
napagtanto nila na naroon pa rin si nak
nakatingin sa kanila .
tinangka nilang tumakas
ngunit biglang sumara ang lahat ng pinto at bintana .
nawala si nak
at nakita nalang nila ito na nasa itaas nila .
nakatalikod siya sa kisame at
nakatingin sa kanila .
tinanong niya ang mga ito kung bakit nila inilalayo
si mak sa kanya .
sinabi ni ter na isa siyang masamang multo .
dahil pinatay niya si miss vodka .
ipinaliwanag ni Nak na hindi niya pinatay si miss vodka .
na nalunod talaga si miss vodka
sa ilog dahil sa kalasingan nito.
sinabi niya sa kanila
na gusto lang niyang makasama si mac
at nagsimulang umiyak .
pagkatapos
dahan dahang iniunat ang kamay niya para hawakan si mac .
nagtakbuhan ang mga kaibigan niya dahil sa takot
ngunit nagpasya siyang dahan dahang lapitan
ang kamay ni nak .
nagsimula siyang umiyak
at pinunasan ni nak ang kanyang mga mata
pagkatapos ay humingi siya ng paumanhin sa kanya
sa hindi pagsasabi ng totoo .
ibinunyag sa kanya ni mac
na sa simula pa lang ay alam na niyang multo si Nak.
kinumpirma ito ni mac
sa pamamagitan ng pagtingin sa kanya
sa pagitan ng kanyang mga hita .
hinanap niya ang katawan nito at niyakap ito
pagkatapos ay sinabi niya na gusto niya itong makasama
kahit na siya ay patay na .
siya ay tumugon na ito ay
imposible
dahil ang buhay ay hindi mabubuhay kasama ng mga patay .
ngunit sabi niya
maaari silang magpanggap at magpatuloy na mamuhay
ng normal
sinabi niya na maging sya ay halos mamatay na rin sa digmaan
ngunit ang kanyang pagmamahal para sa kanya
ay nagbibigay sa kanya ng kagustuhang mabuhay.
pagkatapos ay ipinahayag ni Nak na siya ay namatay ng
siya ay manganganak
at siya ay muling nabuhay
dahil sa kanyang kagustuhang makasama si mak .
pagkatapos
ay ipinahayag niya
na walang mali sa kanilang pagmamahalan
para patuloy silang mamuhay sa isat isa .
habang nasasaksihan ng kanyang mga kaibigan
ang kanilang pag uusap
nagsimula silang maiyak
at sinabing handa silang manirahan ng normal kasama ng mag asawa.
sa kalaunan ,
pumunta si nak upang tumulong sa pag aayos ng templo gamit ang kanyang makamulto na kapangyarihan .
sa huli
si nak at mak
kasama ang kanilang sanggol
ay masayang namumuhay kasama ang kanilang mga kaibigan .
maraming maraming salamat kaibigan sa patuloy na pag tangkilik at pag suporta .
muli ako si Richard Belen,
at wag kalimutang suportahan ang ating channel .
mag like , mag subscribe at pakipindot na rin ang bell .
hanggang sa muli . good bye .