Total Pageviews

Baka Nandito ang hinahanap mo ?

Popular Posts

Tuesday, May 21, 2024

R POINT - Tagalog Movie Recap Scripts

 Sisimulan natin ang kwento sa mga sundalo na pinadala sa Vietnam upang hanapin ang mga nawawalang sundalo na naunang ipinadala dito . 



Sakay ng bangka na tinatawag na tesla boat , ay matagumpay silang nakalapag sa Romeo Point or mas kilala sa tawag na R-Point . 


Bago sila mag umpisa sa kanilang misyon ay napagdesisyunan ng grupo na kumuha ng litrato . 



Matapos nito ay nagpatuloy muli ang koponan sa kanilang paglalakad, ngunit di pa man sila gaano nakakalayo ay nakatanggap sila ng sunod sunod na putok ng baril. 


Hindi man nila makita ang kalaban ay nagpapaputok din sila ng baril .


Malakas ang loob ni Choi na hanapin ang pinagmumulan ng atake . 

Dala ang bazooka ay nakita nya ang pinang gagalingan ng pagbaril .


Pinaputukan nya ito gamit ang bazooka at pagkatapos ay agad na natigil ang putukan sa magkabilang panig . 


Ng suriin nila ito ay nakita nilang isang babae lang pala ang may kagagawan ng pag atake . 

Inutusan ng assistant commander ang mga sundalo na tapusin na ang buhay nito , ngunit wala ni isa ang nagkaroon ng lakas ng loob na patayin ang babae . 


Napag desisyunan ni Choi na hayaan nalang nila ito dahil panigurado namang mamamatay ito dahil sa tinamong sugat sa katawan . 



Sa paglaon ay narating ng koponan ang R-point perimeter,

Nakakita sila ng mga salitang nakaukit sa isang bato , isa sa kanilang team member ang may kakayahang makabasa ng chinese , at labis itong nanginlabot sa kanyang mga nabasa ,

Sinabi naman ng ibang mga sundalo na hindi ito totoo at  mag move on na ito sa mga nakakatakot na kwento . 



Gabi , habang ang tatlong sundalo ay nagpo popo ay naisipan ng isa na tanungin ang kanyang dalawang kasama kung ano ang mga dati nitong trabaho bago sila naging sundalo , okay naman ang lahat nung una ngunit ang kanilang kwentuhan ay nauwi sa usapang multo ,

Tila , pinagti tripan sya ng dalawa at matapos syang takutin ay iniwan syang hindi pa natatapos kung kaya laking gulat nya ng biglang may lumitaw na kasamahan sa kanyang likuran. 



Kinabukasan , nagising ang lahat sa pagkagulat ng makitang may isang abandonadong gusali sa kanilang harapan . 


Maingat nila itong pinasok at sa kabutihang palad ay wala namang naging balakid o anumang kaaway dito . 



Ginawa nila itong hide out. 



Matapos makapagpahinga ay agad nilang ginalugad ang gubat upang hanapin ang mga sundalong nawawala , isa sa mga kasamahan nila na nag ngangalang Manok na pula ay nahiwalay sa grupo. 



Nagsimula itong magpanic ngunit matapos ng ilang palinga linga ay nakita nya ang mga kasamahan .

Tinatawag nya ito ngunit hindi ito sumasagot , sa pagtago nito sa talahiban ay nagtago rin ang manok na pula , ngunit ng mapansin nyang napakatagal ng pagtago ay hinanap nya ito at napag tantong isang halucinattion lamang ang kanyang nakita. 




Samantala , nalaman ni Choi na nawawala ang isa nilang kasamahan , 

Kaya inutusan nya ang dalawang grupo na muling hanapin sya. 


Sumunod naman ang mga sundalo hanggang sa makarating sila sa isang lugar na tila ginawang mga banal na bato . napag alaman nilang hindi lang sila ang namumuhay dito dahil sa insensong nakasindi sa batong buddha. 



Di nagtagal ay nakita rin nila ang nawawalang kasamahan na nagtatago sa yungib at tila takot na takot . 



Sa kanilang pagbabalik sa base ay kinutya nila ang naligaw nilang kasamahan , ngunit sa halip na mapikon ay nakitaan ito ng pagkaparanoid , sinasabi nitong nakakita sya ng mga multo ng panahon na naliligaw sya . 



Sinabi pa nito na nakakita sya ng isang sundalo na may suot na helmet na may nakasulat na pangalan ng girlfriend nito . 


Nainis ang isa nilang kasamahan na si Grumpy, dahil ang pangalan na binabanggit nito na nakasulat sa helmet ay ang kanyang kasintahan . 



Malapit ng bugbugin ni Grumpy si Manok na pula ng makarinig sila ng isang chopper sa itaas .


Agad silang lumabas at dito ay nakita nila ang grupo ng mga sundalong amerikano , 

Kinausap ito ni Captain Choi at malugod naman silang binati ng lider ng mga amerikano ,

Sinabi nitong hahayaan nila ang koponan nina Choi na manatili sa kanilang kampo ngunit pinaalalahanan sila nito na wag gagalawin ang mga gamit sa second floor ng building . 


Bilang pag galang ay sinunod naman ito ng koponan ng ating bida . 


Pinaalalahanan din sila ng amerikano na nanganganib ang kanilang buhay sa lugar na ito .



Pagkaalis ng mga amerikano , nalaman ni Captain Choi na nakarecieve sila ng isang radio transmission  na tila bino broadcast ng mga sundalong french . 


Nagkakasayahan ang grupo ng biglang napalitan ang musika ng isang mga nakakatakot na sigaw na nairecord sa isang cassette tape , 


Dahil dito ay nakaramdam ng takot at pagkabalisa ang mga sundalo , ngunit si Captain Choi ay matapang na paulit ulit itong pinakinggan at nagbabakasaling makakuha ng clue sa kung ano nga ba ang talagang nangyayari dito . 



Lumabas si Choi saglit at nakakita sya ng isang multo ng babae. Sa halip na matakot ay buong tapang nya itong sinundan hanggang sa makarating sa isang lugar na makikitang marami ang mga nakalibing . 



Kinabuksan ay muling nagkaroon ng nawawalang sundalo .


Inutusan ni Captain choi sina park upang sila ang maghanap dito . habang nagpapahinga sila saglit ay biglang nabuhusan sya ng dugo ng tao na nagmumula sa itaas . sa kanilang pagtingala ay nakita nila ang nawawalang sundalo na nakabitin sa itaas at wala na itong buhay . 



Itinawag naman ito ni Choi sa kanyang heneral ngunit sa halip na makakuha sila ng tulong ay tinawag sya nitong baliw at nasisira na ang ulo . 

Ipinaliwanag nito na ang iniri report ni Captain Choi na sundalo ay kasama sa mga nawawalang sundalo at hindi nila kasama . 


Nanindig ang balahibo ng bawat isa sa koponan dahil alam nilang ang sundalo ay kasama nila sa simula pa lamang ,sa katunayan ay kasama pa nila ito sa litrato bago sila sumuong sa gubat . 




Sa labis na takot ay nasiraan ng bait si Grumpy at tumakbo ito papalayo , dahil sa pagka tuliro nito ay naapakan nito ang booby trap na para dapat sa kalaban .  dahil sa lakas ng pagsabog ay naalarma nito sina captain choi , agad nilang pinutahan ang pinangyarihan at doon ay nakita nila si Grumpy na sugatan , dahil sa laki ng tinamong sugat ay hindi na ito kinaya ng sundalo at binawian ito ng buhay . 



Dahil sa magkakasunod na pangyayari ay nagkaroon ng teyorya ang mga sundalo na ang R-point ay pinamumugaran ng mga multo . 



Nagalit si Captain Choi sa naririnig at sinabing ayaw nya ng may marinig muli na patungkol sa mga multo . 




Pagkatapos ay sinabihan sya ng kanyang assistant na kailangang hatiin sa dalawa ang team upang mas mapabilis ang paghahanap sa mga nawawalang sundalo . 



Ganun nga ang ginawa nila . hinati nila ang team sa dalawa , ang isa ay sa pamumuno ni Captain Choi at ang isa ay sa pamumuno ng kanyang assistant . 



Ang grupo na pinamumunuan ng assistant ay naglakbay sa parehong lugar kung saan natagpuan ni Choi ang sementeryo , sa kanilang paglalakbay ay nakahanap ang mga sundalo ng dog tag ng mga nawawala ngunit ang mas masama ay nakakita rin sila ng isang batong may ukit na may mensaheng “Hindi na kayo muling makababalik “nagdulot ito ng pagkataranta sa assistant at biglang may nakita syang isang bagay sa kagubatan , agad itong tumakbo at iniwan ang kanyang mga tauhan . 



Sa kabilang banda , ang grupo ni Captain Choi ay nakakita ng mga bangkay ng sundalo , nakilala nila ito bilang mga amerikanong sundalo na nakausap nila ng nagdaang gabi ngunit ang nakakapagtaka ang bangkay na nakita nila ay nagpapakita na matagal na itong patay . dito ay napagtanto nga nilang ang lugar na ito ay pinamumugaran ng mga multo at ang amerikanong nakausap nila ay hindi mga totoong tao . 




Samantala, sa kabila na wala na ang kanilang lider ay nagpatuloy pa rin ang mga sundalo na maglakbay pabalik ng kampo , tumawid sila sa ilog at dito ay nakita nila ang mga sundalong hinahanap nila na nasa ilalim ng tubig at naaagnas na ang mga ito . nahintakutan ang mga sundalo sa kanilang nakita . si Chicken Boy o manok na pula dahil sa takot , ng makitang may ibang sundalo ay inakala nitong mga multo ito at pinaputukan nya ito ng baril . sa kasamaang palad , hindi ito mga multo kungdi ang koponan nina Captain Choi . 


Dahil sa pagkakabaril ay namatay ang isa nilang kasama. 




Kalaunan ay matagumpay na nakabalik ang grupo sa plantation house , sa paglaon ng gabi ,

Siniyasat ng mga sundalo ang second floor ng building ,

At dito ay nakita nilang wala namang mahahalagang bagay mula dito . 

Nagalit sila kay Captain Choi dahil sinisisi nila ito sa hindi maayos at matalinong pamumuno , 

Nagalit si Choi sa sinabi ng kanyang tauhan kung kaya sinampal nya ito . 


At sinabihan ang lahat na gawin nalang ng mga ito kung ano ang sasabihin nya ,

Muli nilang kinontak ang heneral at humiling ng Back up at Chopper ngunit sinabi ng heneral na hindi sila makakapagpadala ng chopper sa ganito kalalim na gabi . 

Magpapadala sila ngunit alas singko pa ng madaling araw . 

Dahil dito ay galit na galit si Choi sa head quarters habang ang ibang mga sundalo naman ay nagsimula na ring magpanic . 



Bigla silang nakarinig ng pagkatok , kaya nagmamadali silang pumunta sa pinto dala ang kanilang mga armas , sa una ay pinipgilan sila ni Choi ngunit napagtanto nilang ang nasa kabilang pinto ay ang assistant kung kaya pinapasok nila ito . 



Ang assistant ngayon ay may dalang bungo ng tao . 

Dahil dito ay pinaghihinalaan sya ni Choi na hindi ito ang Assistant kungdi isang possessed soldier. 

Tinanong nito ang pangalan ng assistant at ang ranggo nito . sinabi nitong kung hindi nya ito masasagot ay papaputukan nya ito ng baril . 




Nasagot naman ito ng assistant kung kaya ibinaba ni Choi ang baril , 

Ang natatarantang si Park ay lumapit sa assistant at nagmamakaawa ito na makabalik silang lahat ng buhay . ngunit ngumisi lang ang assistant at pinaslang nito ang sundalo , agad na sunod sunod na pinaputukan ito ni Choi .


Napagtanto ni Choi na sinusubukan ng isang multo na gawing baliw ang mga sundalo sa pamamagitan ng pagpapakita sa kanila ng mga ilusyon , at minamanipula silang patayin ang isat isa . upang mapanatili sa kanilang ulirat ang mga tauhan ay paulit ulit na tinatanong ni Captain Choi ang bawat isa ng kanilang mga pangalan at ranggo . 


Ngunit gumamit ang multo ng radyo upang gambalin at lahat at mauwi sa pagkataranta ang bawat isa . 



Nakapagbigay daan ito sa multo na makontrol ang isang sundalo , 


Nagpanic ito at nagpakawala ng granada , sa pagsabog nito ay isang newbie ang nawalan ng paningin . 



Humingi ito ng tulong at agad namang inalagaan ito ni Choi sa pamamagitan ng pagtatakip ng benda sa mga mata , pinangakuan ito ni Choi na makakauwi ito ng buhay basta’t sundin nya lang ang mga instruction ng kapitan . 



Samantala si Chicken Boy ay napossess na rin ng multo at pinagpapatay na nito ang mga kasamahan . 



Upang matigil ito ay pinaputukan din ito ni Choi na nagpatigil dito , ngayon ay dalawa nalang sila ng newbie na buhay . 



Nakahanap si Choi ng isang french picture at nakita nya ang babaeng multo sa litrato kasama ang mga sundalo , 

Napagtanto nya na ang babaeng multo ay ang dahilan ng pagkamatay ng lahat ng sundalo na napupunta sa R-Point , marahil ay naghihiganti ito sa kalupitan o pang aabuso na ginawa sa kanya ng mga sundalo noon . 


Muling nagpakita ito kay Choi , sinubukan ng kapitan na patayin ito ngunit ang pagtitig nito sa kanya ay nakapigil sa kanyang pag galaw upang atakehin ito , kung kaya gamit ang kanyang boses ay iginayd nya ang baril ng bulag na kakampi upang maisentro sa multo . 

Sa kasamaang palad ay hindi multo ang tinamaan kung hindi si Choi mismo . 






Sa pagtatapos ng kwento , ay matagumpay na narescue ang newbie na nabulag , ngunit ayon sa mga sundalong sumagip ay nasiraan ito ng bait. 










Popular Posts

Pages

Pages