Total Pageviews

Baka Nandito ang hinahanap mo ?

Popular Posts

Tuesday, May 21, 2024

GREEN INFERNO [ Tagalog Movie Recap Scripts ]

 Sa simula ng pelikula,

makikita ang isang kumpanya na nagpapatuloy sa pagdevelop ng kalikasan ng Amazon,

 

ngunit sa likod nito, 


ang mga tahanan ng mga katutubong tribo ay nawawasak .



. Sa ibang eksena, 


sumulpot si Justine, isang bagong estudyante ng kolehiyo, 


Naging ka schoolmate nya dito si Alejandro, ang kanyang kababata. 


Nagpadala si Alejandro ng mensahe sa kaibigan niya, 


inimbitahan siya sa isang mahalagang pagtitipon sa gabi at sinundan ito ng isang pamphlet. 



Lumipat ang eksena kina  Justine kasama ang kanyang ama habang kumakain. 



Gabi, napag pasyahan ni Justine na dumalo sa pagpupulong nina Alejandro. 


Ang pangunahing paksa ng pagtitipon ay ang kaligtasan ng kagubatan sa Amazon. 



Ipinaalam ni Alejandro sa mga naroroon na may isang malaking  kumpanyan na sumisira at naghahatak ng petrolyo mula sa kagubatan,



Sa kasamaang palad , nagri resulta ito sa pagkawasak ng mga tahanan ng mga katutubong tribo. 



Walang takot na sinabi ni Justine,



 "Dapat ba tayong mag ayuno upang iligtas ang kanilang mga tirahan?" Malaki ang naging epekto ng kanyang mga salita kay Alejandro. 


Nakaramdam ito ng pagka insulto  , kung kaya pina alis nito si Justine . 



kinabukasan, 



Muling nakiusap si Justine kay Alejandro na isama sya sa grupo , humingi sya ng pasensya sa mga nasabi nya kagabi. 



Malugod naman itong tinanggap muli ni Alejandro . 




Kasama ang iba pang kaibigan, binuo nila ang isang plano upang ipagtanggol ang kagubatan. 


Muli , sa pagpupulong ay nakita nila ang risk ng kanilang gagawin . pinaalalahanan sila ni Alejandro na delikado ang gagawin nilang ito .  ang minahan ay binabantayan ng mga armadong militar at higit sa lahat ay walang signal dito , 



kaya't batay sa kasalukuyang sitwasyon, nagplanong sila nang husto. Ang kanilang nakalatag na plano ay bibisitahin ang lugar isang araw bago ang aktuwal na pagkilos. Kinakailangan nila ng ilegal na pag-access sa signal at pagkatapos, nagpasya silang ipalabas ang live na balita. 



Sa paraang ito, ang kanilang video ay magiging viral at matatangkilik ng madaming tao. 



Magiging dahilan ito upang mapipilitan ang kumpanya na ihinto ang kanilang nakasisirang gawain.



Pagkatapos nito ay tumuloy na sila sa airport upang makasakay sa eroplanong magdadala sa kanila sa Amazon. 



Sinalubong naman sila ng isang mayamang binata ,na sinasabing pinaka financer nila sa misyong ito . 



. Sa ibang salita, ito ang responsible for collecting funds at nag-aasikaso ng kanilang gastusin. 




Nabigla si Justine at nagtanong sa kanyang sarili kung bakit siya lang ang nagtataguyod ng gastusin ng lahat. 


Nagdududa si Justine na di kaya ay isang itong miyembro ng cartel or anumang sindikato . 



Pagkatapos ay sumakay sila sa kanilang maliit na eroplano at nagpalipad papunta sa kanilang hotel. 



Kinabukasan ay matagumpay na rin silang nakarating sa gubat. 



Pagdating nila roon, 


sila'y nagbihis ng uniporme na ibinigay ng kaibigan ni Alejandro at ibinigay sa bawat isa ang mga kadena o kandado na gagamitin nila upang i-lock ang kanilang sarili sa mga bulldozer at puno.



 Gayunman, 



ang kandado ni Justin ay hindi gumana at hindi na-lock. Lahat sila'y nabahala at nagprotesa habang nakasuot pa rin ng mga maskara. 



Sa panahong iyon, lumapit ang mga tauhan ng seguridad ng kumpanya at kinunan ni Alejandro ang pangyayari bilang live na balita. 




Sinubukan ng mga tauhan ng seguridad na hulihin sila subalit paano sila mahuhuli kung sila'y naka-lock? 



Ngunit nahuli ang pansin ni Justine ng isang tauhan ng seguridad dahil sa hindi gumagana niyang kandado,




 kaya , tinutukan sya ng baril nito, tinanggal ang maskara at akma ng papuputukan ng baril , ngunit sinabi ni Alejandro na abogado sa United States ang ama ni Justin kung kaya malalagay sila sa mas masamang sitwasyon kung hindi nito ibababa ang sandata. 





Wala nang nagawa si Justine at inaresto siya ng sundalo. 


Bigla nalang naka receive ng tawag ang lider , mula ito sa kanilang amo , kinu kumpirma ang live broadcast ng grupo . inutusan nito ang mga tauhan na ibaba ang mga baril nito kungdi ay malalagay sa alanganin ang grupo at ang kanilang proyekto . 



 Dahil sa tawag na iyon, nailigtas ang lahat at malaya silang nakalabas.



 Habang pabalik na sa eroplano, inaresto sila ng pulisya subalit binayaran ng lider ng grupo ang kanilang multa .




Naging dahilan ito upang makasakay sila sa isang pribadong jet imbis na sa helicopter ng mga militar. 



. Habang nasa eroplano, ang kanilang saya ay hindi mapigil.



Ngayon ay sikat na sikat na sila dahil sa ang kanilang ginawa ay nag viral sa buong mundo . 


, sila ang sentro ng bansa at sila ang pangunahing balita sa social media.




 Ngunit nalulungkot si Justine dahil tila sya ay  ginamit lang  para sa kanilang pang  sariling interes. 


Nilapitan sya ni Alejandro at sinabing , sa una palang ay binalaan nya na ang lahat ng kasapi sa panganib . at ang nangyari kay Justine ay isa lamang sa mga pweding mangyari . 





Hindi nagtagal , nagkaroon ng malfunction ang eroplano , sumabog ang ibang parte nito at bumagsak ito sa lupa ,





 maraming tao ang nawalan ng buhay dahil sa aksidenteng ito. Kasama sa mga nasawi ang piloto ng eroplano at maging ang kanilang financer . 



Halos kalahati ng kanilang bilang ang nawala mula sa paunang pagbagsak nila .




Agad na nagsilabasan ang mga survivors sa eroplano , 

Ang girlfriend ni alejandro ay nag panic ng mapag tanto nitong na stock ang katawan nya sa isang upuan , kalaunan naman ay matagumpay itong nakalabas . 

Isang survivor ang tila lutang at wala pa rin sa wisyo ang biglang tumakbo ngunit tila hindi nito nakita ang umiikot na elesi kung kaya nasapol sya nito na kanyang ikinasawi . 




Dala ng hilkabot sa pangyayari ay natataranta ang bawat isa , ngunit pinakalma sila ni Alejandro , inipon at nagsalita ng mga magagandang bagay upang mapakalma ang kanyang mga kasama . 




Nakarinig at nakakita ang girlfriend ni Alejandro ng mga tao , sinabi nya ito sa grupo .

Nilalapitan na ito ng babae ng pigilan sya ng mga kasama ngunit huli na ang lahat . 


Pinana ang babae sa leeg . 


Nilaitan ito at niyakap ni Alejandro , sinabing makakaya pa nitong mabuhay , ngunit papano pa ito ngayon mabubuhay kung sinundan pa ito ng isa pang pana sa ulo . 




Nagkagulo sila at hiwa hiwalay na tumakbo , ngunit isa isa silang pinana ng may halong lason na nagpabagsak sa kanila sa pagkatulog . 




Dinala sila ng tribu sa kuta nito . 



Dito ay nanghilakbot ang mga bihag ng makita nilang may mga kinatay na katulad nila . 



Excited at naghihiyawan ang mga tribulante dahil sa nakita nilang mga bagong bihag . 




Ang kaibigan ni Justine ay nagkaroon ng kapahingahan at kapanatagan ng ang kumuha sa kanya ay mga katandaang babae . 


Tila , inaalagaan sya nito at pinapainom ng tubig ,pinapahiga upang makapag pahinga . 



Kitang kita naman ito nina justine mula sa kulungan . 



Napapikit saglit ang lalaki at sa kanyang pagdilat ay nakita nya na wala na ang mga matatandang babae , kungdi isa namang grupo ng mga lalaking barbarong tribu ang kapalagid sa kanya . 



Dito ay kahindik hindik na tila baboy na drinagonfly ang lalaki . 




Sa pagsaksi sa sinapit ng kasama ay mas lalong nakaramdam ng takot at kawalan ng pag asa ang mga bihag , 


Upang mapanatag ay may inamin si Alejando. Sinabi nito na sa mga susunod na araw , ay darating ang isa pang wave ng mga minero at siguradong papaslangin ng mga ito ang katutubo . 

Nagtataka ang grupo dahil sa pagkakaalam nila ay naitaboy na nila ito . ngunit sinabi ni Alejandro na ang nagawa nila ay hindi maitaboy ang mga minero kungdi madelay lamang ito ng tatlong araw . 



Dahil sa narinig ay nakaramdam ng galit si Justine . na feeling nya ay nilagay lang nila ang kanilang sarili sa kung nasaan sila ngayon para lang sa walang ka kwenta kwentang bagay . 



Nais nyang atakehin si Alejandro , ngunit pinigilan sya ng mga kasama , 

Sinabi nitong isipin nalang nyang magandang balita ang sinabi ni Alejandro dahil kahit papano ay nagkakaroon sila ngayon ng tyansa na makaalis pa sa lugar na ito . 




Kinabuksan , kinuha ng mga katutubo ang tatlong babae . 


Gamit ang daliring kahoy ng babaeng katutubo ay sinuri nito ang mga bihag kung may birhen pa ba sa mga ito . 


Sa unang dalawang babae na kanyang sinuri ay wala silang reaksyon , ngunit ng mapag alaman nilang birhen pa si Justine ay nagka ingay at kasayahan ang mga katutubo sa nalaman .



Dinala nila si Justine sa isang kubol at pagkatapos ng ilang oras ay muli nila itong ibinalik sa kulungang kahoy na maraming pintura sa mukha . 



Samantala , sinubukan ni Michelle na tumakas , ngunit bago pa man ito makaakyat ay pinigilan ito ng lalaki at sinabing upang maging epektebo ang pagtakas nya ay tutulungan nya sila na madistract ang nagbabantay . pinatunog nito ang cellphone at itinapon sa malayo , agad itong hinabol,

Nagkaroon ng tsansa si Michele, nakaka thrilled man ang pagtakas ay matagumpay naman syang nakarating sa Bangka . 







Maya maya , may mga lumapit na bata sa kanila at binigyan sila ng pagkain , 


Agad naman itong kinain ni Alejandro , nandidiri naman si Justine dahil alam nya kung saan gawa ang karneng ibinibigay sa kanila . datapwat , sinabi ni Alejandro na kung nais nilang mabuhay at mahintay hanggang ang pagdating ng mga bulldozers ay kailangan nilang magkaroon ng lakas upang mapanatili nilang buhay sila . 


Dahil sa narinig ay kinain din ng iba pa nilang kasama ang ibinigay ng mga bata sa kanila . 



Si Rhea , ang nobya ni Michelle ay tila gutom na gutom din itong nilantakan hanggang sa maubos at masaid nya ang mangkok , ng sa kailaliman ay napansin nya ang tila tinta .


Nakita nyang ang tinta na ito ay tila ang tatoo ng kanyang nobya . 


Napagtagpi tagpi nya ang mga nangyayari sa paligid . dahil di nya matanggap na ang kinakain nya ay isang kapangyarihan ng dragon balls . binasag nya ang mangkok at ginawa itong fried chicken  sa leeg nya . 



Ninais man nilang iligtas ang babae ngunit huli na . 

Nakaisip ng ideya si Joseph , sinabi nitong pag nakita ng mga tribulante ang katawan ni Rhea ay siguradong isasalang din nila ito . kung kaya gamit ang natitirang mahiwagang damo ni Joseph ay ipinasok nila ito sa bibig ni Rhea upang ma high ang tribulante pag ginawa na nila iyon . 


Tulad ng kanilang plinano ay , ganuon nga ang nangyari . matapos nilang maisalang si Rhea , ay nawala na ang mga ito sa ulirat . 



Nagkaroon ng pagkakataon ang mga bihag na makatakas , datapwat . bago pa man maka akyat si Joseph ay tinusok ito ni Alejandro na syang nagpabagsak dito at nagpawala ng malay . 



Samantala , matagumpay na nakaalis sina Justine at Arnold . nakarating sila sa pinagbagsakan ng eroplano , hinanap nila ang cellphone na tumutunog , matagumpay naman nila itong nakuha ngunit kasabay nito ay muli na naman silang nabihag ng tribulante. 



Samantala , si Joseph ay nagising na pinaglalaruan ng dalawang tribulante . 


Sinubukan ni Joseph na i trick ang dalawa ngunit napasama lang ito at sya ang pinaglaruan. 



Matapos nito , iginapos si Arnold sa isang puno , pinaghahampas ang katawan nito at pagkatapos ay nilagyan ng dagta ang mga mukha nito , at pagkatapos ay pinagapangan ito ng mga hantik or yung mga itim na langgam na kapag nakakagat ay talagang mamamaga ang mukha ng tao . 


Samantalang si Justine naman ay iginapos na at tila may gagawing hindi maganda sa kanya . 


Malapit ng tusuking muli si Justine na biglang magkaroon ng kaguluhan , may dumating na isang bata dala ang kandila ng sundalo at tila may ipinapahayag sa mga kasama na nagpaalarma dito . 


Dahil dito naiwan si Justine at ang isang bantay . 



Sa isang pagkakataon , tinulungan si Justine ng isang bata na maka alpas sa pagkakagapos , ginamit ni Justine ang pagkakataon upang atakehin ang bantay . 


Matagumpya nya naman itong napabagsak . 



Tatakas na sana sya ng makita ang kaibigang si Arnold . sinubukan nya itong kalagan ngunit nakiusap ito sa kanya na , alisin nalang ang buhay nito at tumakas ng mag isa . 


Hindi pumayag si Justine , pero tila naiintindihan ng batang tribo ang hiling ng kaibigan kung kaya ito na mismo ang nagsindi ng kandila para dito. 




Agad silang tumakas palayo matapos nito . ngunit sa kanilang pagtakas ay nakita rin sila ng isang batang tribulante. 







Kasama ang ama nito ay hinabol nito ang babae . 



Kahit na may malaking hayop sa kabilang ilog , ay naglakas loob si Justine na tumawid . 


Mas gusto nya ng lapain ng hayop kaysa ng mga tribulante. 



Sa kabutihang palad ay hindi naman sya nito ginalaw . 



habang si Justine ay naglalakad pa,


natuklasan niyang pinapatay ng mga militar ang mga tribu , pinatigil nya ito at nagkunwari syang bino broadcast nyang muli ang mga ginagawa nito .  upang hindi na makita ng mga milirat na peke lang ang ginagawa nya ay binagsag nya ang telepono . 



Dahil sa walang kasiguraduhan kung na capture nga sila ay itinigil nila ang pagpapa putok at dinala si Justine sa helicopter. 




Dito ay itinanong din ng rescue team kung may iba pa bang kasama si Justine . 



Bagama’t alam ni Justine na naroroon pa rin si Alejandro ay sinabi nitong wala na . at tanging sya lang mag isa ang nakaligtas. 



Wakas . 



Maraming maraming salamat kaibigan sa patuloy na pagtangkilik at pag suporta sa ating channel na tagalog pinoy movie recap , 


Muli ako si Richard Belen . 



Good Bye.










Popular Posts

Pages

Pages