Total Pageviews

Baka Nandito ang hinahanap mo ?

Popular Posts

Saturday, November 26, 2022

Blitz Tagalog Movie Recap

simulan natin ang kwento sa isang lalaki na natutulog sa sofa na nagngangalang tom , isang police office , nagising sya sa isang ingay , sumilip sya sa bintana at nakita nya dito ang grupo ng mga kabataan na nagnanakaw sa isang kotse. binaba ito ni Tom at binalaan ang mga binatilyo na sasaktan nya ito kung itutuloy pa rin nito ang pagnanakaw. ngunit binastos sya ng mga binata kung kaya binugbug nya ang mga ito . kinabukan ay nasa headline na ng Dyaryo si Tom , nagkaroon ito ng negative impact sa departamento ng kapulisan kung kaya ipinatawag ng superior ni tom ang pulis, binastos din ni Tom ang kanyang superior at ng magalit ito ay sinabi ni Tom na , ngayon ay alam mo na kung ano ang pakiramdam ng binabastos , nagsilata ito ng hindi maganda kay Tom kung kaya nagalit ang pulis at sinabi sa superior na kahit ito ay kayang bugbugin ni Tom sa mga oras na iyon. sumunod na eksena ay makikita si Elizabeth na nagri report kay Tom , inireport nito ang mga kaganapan sa mahabang panahon na pagtatrabaho nito bilang secret agent . inamin nitong nahihirapan na sya sa misyon , na kung ang intensyon nya lang dati kung bakit sya nagdo droga ay upang makakuha ng impormasyon , ngayon ay pakiramdam nya ay isa na sya sa mga gumon sa ipinagbabawal na gamot, sinubukan ni tom na i comfort ang kaibigan ngunit tila napaka lalim ng depression na pinagdadaanan nito, sumunod na eksena ay pinuntahan naman ni Tom si Inspector Robert upang makiramay sa pagkamatay ng asawa nito, matapos ay niyaya ni tom si Bruce sa bar at sinubukan ni Tom na i comfort ang kaibigan at dito ay mejo nagtagumpay ang ating bida. sa isang kalsada ay may isang babaeng pulis ang naglalakad , di pa sya gaanong nakakalayo ng may lumapit sa kanyang isang lalaking naka hood , at pinaputukan ito ng baril , nabalitaan ito ni Tom kung kaya pinuntahan nya agad ang pinangyarihan ng krimen , tinanong sya ng iba pang mga police officer kung bakit hindi nya kasama si Inspector Bruce Robert, sinagot naman sila ni Tom na kamamatay lang ng asawa ng inspector kung kaya hindi muna ito makakapag trabaho. gayunpaman ang pagpatay sa pulis ay hindi isang bagay na dapat nilang balewalain kung kaya tumawag sila ng isa pang inspector para humalili sa pulis. ang pangalan ng lalaki ay si Porter Nash , ngunit ang ibang mga pulis ay hindi nila ito gusto dahil sa pagigign bakla nito, gayunpaman ay nilinaw ng mga senior officers nila na kailangan nilang magpasakop sa ilalim ni Nash kung hindi ay sususpindehin sila sa serbisyo, na surpresa si Porter ng makilala nya si Tom , isang matapang at mainitin ang ulo na pulis , na maraming records ng mga mararahas na gawain . sa pagpapatuloy ng imbestigasyun ay binisita si elisabeth ng isang batang miyembro ng gang na nag ngangalang metal , inireport nito sa babaeng pulis na , nakapatay ng isang tao ang kanilang gang , pinagalitan ito ni Elizabeth at sinabing ito na ang huling tulong na ibibigay nya sa binatilyo , pagkatapos ay pinuntahan nya si Tom at ikwinento ang problema ng bata , nangako naman si Tom na tutulungan nya ito , sinabi ni TOm na kailangan din nila ang tulong ni Craig sa kasong ito , kung kaya pinuntahan din ito ni Elizabeth , si Craig ay may gusto kay Elisabeth . sinabi nitong tutulungan nya ang babae kung makikipag date ito sa kanya. sa sumunod na eksena ay makikita ang isang reporter na may kausap sa telepono ,nagpakilala ito bilang si Barry at sinabing sya ang pumatay sa pulis , at sinabi nito sa reporter na lagi syang antabayan nito dahil hindi dito natatapos ang kanyang trabaho dahil marami pa syang isusunod na papataying pulis. habang nagsasalita sya ay pumunta sya sa isang pulis na nasa sasakyan at walang sabi sabing binaril nya ito. pagkatapos ay muli itong tumawag sa reporter at sinabing mayroon pa syang walang papaslangin na nasa kanyang listahan. kumalat ang balita at hindi lang ito naging headline kungdi nagbigay din ng pressure at kaba sa mga kapulisan , sinadyang makipag usap ni Nash kay Tom upang hingin ang tulong nito , alam ni Nash na higit sa kaninuman ay si Tom ang pinaka asset sa kanilang departamento , nagkapalagaya naman ang loob ng dalawa at sa maikling panahon ay nagawa nilang makapag trabaho ng may team work . ginamit nila ang kani kanilang mga contact at espiya upang maalarma sila sa mga impormasyon na maaaring magturo sa kanila kung sino ang pumapatay, si Ragnor isa sa pinaka magaling na espiya ni Tom ay nakipag kita sa kanya at sinabi nitong alam nya kung sino ang pumapatay , sinabi ni Ragnor na si Barry ang pumapatay ng mga pulis , pinuntahan nina Porter at Tom si Barry sa unit nito ngunit hindi nila ito madakip dahil may alam din ito sa batas at kulang sila sa ebidensya at papel para dakpin ito. namukhaan ni Tom si Barry , at naalala nito na ito ang lalaking binugbug nya sa bilyaran, isang taon na ang nakakalipas, pagka alis ng dalawang pulis ay agad nagligpit si Barry at lumabas para itago ang kanyang mga gamit , gayunpaman ay sinundan sya ng impormante ni Tom at nalaman ang lugar kung saan itinago ni Barry ang kanyang mga gamit, nagpasya si Ragnor na gumawa ng sarili nyang pag iimbestiga, at kalaunan ay napag alaman nyang ang mga itinago ni Barry sa kotse ay ang mga ebidensya na nagpapatunay na si Barry nga ang pumapatay ng mga pulis. sa sumunod na eksena ay makikita si Bruce sa isang grocery store na bumibili ng alak ngunit naisipan nitong wag ng inumin ang kanyang binili , kinabukasan ay nag report na si Bruce Robert sa departamento upang bumalik sa trabaho , sa kanyang pag uwi ay makikitang sinusundan sya ni Barry . kumatok si Barry sa pinto ng inspector at sa pagbukas ni Robert ng pinto ay agad syang inatake ng binata, nagawa naman ni Bruce na makapanlaban ngunit nahawakan ni Barry ang martilyo at paulit ulit na ginamit ito sa matandang pulis. hindi agad umalis si Barry sa bahay ni Robert , nagawa pa nitong manood ng tv at kumain habang nasa tabi nya ang bangkay ng matanda. kinuha nito ang uniforme ng pulis at lumabas ng unit ng inspector. tinawagan ulit ni Barry ang reporter at sinabing pinatay nya ang ikatlong pulis na si Bruce. sinabi rin ni Barry na gusto nya ng exposure sa press. at gusto nyang makilala sa pangalang Blitz. nakaramdam na ng galit at pikon si Tom sa pumapatay sa mga pulis dahil sa pagpaslang nito sa malapit nyang kaibigan na si Bruce Robert. muling nakita ni Ragnor si Barry na bumalik sa may kotse at may mga bagong nilagay na gamit , tinawagan nito si Tom at sinabing kumpirmado nya na na si Barry ang pumapatay at ang mga ebidensyang hinahanap ng mga pulis ay nasa kotse na sya namang itinuro nya.. tinawagan din nito ang reporter at sinabing alam nya ang patungkol sa mamamatay tao . nakipag deal si Ragnor sa reporter na ituturo nya ang mga ebidensya kapalit ng pera , pumayag naman ang reporter at agad ito pumunta sa parking lot kung saan naroroon ang mga gamit ni Barry. nakita naman ito ng binata kung kaya pagkaalis ng dalawa ay agad inalis ni Barry ang mga gamit nito sa kotse. sinundan nito ang reporter at si Ragnor , ng maka tyempo si Barry na nag cr ang impormante ay sinundan nya ito , nanginig naman sa takot si Ragnor ng makita si Barry , sinabi nitong hindi nya sinabi ang pangalan ni Barry kung kaya hindi sya marapat patayin ng binata . ngunit ang awa ay wala sa pagkatao ng lalaki kung kaya pinatay nya ang impormante at napunta rin sa kanya ang 50,000 na pera na bayad kay Ragnor. sa sumunod na eksena ay pinuntahan din nina Porter at Tom ang sasakyan sa parking lot ngunit nakita nilang walang laman ito . sa tulong ng kapwa pulis ni Tom ay napag alaman nyang ang lahat ng napapatay na pulis ay naka link sa mga kaso ni Barry. at malamang na si Elisabeth ang susunod na biktima. si Elisabeth na kakauwi lang matapos ang pakikipag date kay Craig ay inatake ni Barry ngunit iniligtas ni Metal na napatay naman sa pagliligtas nya sa babae. nagpasya sina Tom at Nash na ilabas ang litrato ni Barry sa media upang makilala sya na kalaunan matapos ang mahabang habulan upang dakpin ito ay nahuli nila ito , gayunpaman dahil sa kakulangan sa ebidensya , matapos ang 48 oras ay pinakawalan nila ito. hindi ito matanggap ni Tom kung kaya kasama si Nash ay plinano nilang paslangin nalang nila ito. sa libing ni Inspector Bruce ay nakipaglibing din si Barry suot suot ang uniforme ng pinatay nyang pulis . habang naglalakad si Tom ay sinundan ito ni Barry. alam ni Tom na sinusundan sya ni Barry kung kaya ay nakaplano na ang kanilang gagawin ni Nash , dinala nya ito sa tuktok ng isang building. at doon ay binugbog nila si Barry . kahit bugbog sarado na si Barry ay ngumingiti pa rin ito at sinabing kailanman ay hindi makakahanap ng ebidensya ang dalawang pulis para maikulong sya. ngunit sinabi ni Tom na wala naman silang planong ikulong si Barry . papatayin nila ito at papalabasing si Blitz ang pumatay sa binata dahil nakasuot ito ng uniforme ng pulis.

Popular Posts

Pages

Pages