Total Pageviews

Baka Nandito ang hinahanap mo ?

Popular Posts

Friday, January 6, 2012

Ang Buhay ng Isang Tambay

Di lang kasi maunawaan ng ibang tao ang ganitong usapin iih , bakit ka nga naman magagalit sa tambay ? porke ba tambay eh tamad  na ? o kaya naman porke ba tamad sa gawaing bahay iih tamad na nga talagang maituturing ?

Naalala ko ang time noong nasa murang edad palang ako hanggang sa makatapos ako ng kolehiyo , matatawag mo din ako that time na tamad, tambay, at palikero pero kung titingnan mo ngayon ang estado ko sa buhay at kung anong uri ng pamumuhay ang iniikutan ng mundo ko ngayon , siguro magbabago bigla ang pananaw mo sa mga tambay,

Hindi ko ito sinulat para ipagmayabang ang kung ano ako ngayon , at mas lalong hindi ko ito sinusulat para kunsintihin nyo ang mga tambay na kasama sa loob ng bahay nyo. ang tanging gusto ko lang ay kahit naman siguro paminsan minsan intindihin naman natin ang mga naiiwan natin sa ating mga tahanan. sumang ayon man kayo o hindi alam natin o ng kahit na sinumang tao na sobrang nakakabagot sa bahay , lalo na kung mag isa ka lang o kung may kasama ka naman ay hindi mo naman kasundo , ano nga naman ang gagawin mo maghapon magdamag sa loob ng isang bahay ? Malamang ang isasagot mo ang dami daming pweding gawin sa loob ng bahay , maglinis , magligpit, o kaya naman ay maghanap ng trabaho ,
Oo tama ka dun , ang dami nga , ang dami ngang pweding gawin pero ang tanong , inalam mo ba kung ano ang gusto ng katawan nyang gawin ? sigurado ka ba na ang mga sinasabi mong ang daming gawain ay gusto rin ng taong maiiwan na gawin yun ? dapat maging totoo tayo sa ating mga sarili , dapat aminin natin sa ating mga puso na ang bawat tao ay may kanya kanyang hilig, may kanya kanya mga katawan na magkakaiba ng kailangan , may mga katawan na madaling mapagod , may mga katawan na kahit ang gawaing sinasabi mo ay kinababagutan nya,. dapat kinukunsidera natin yun , dapat kasi bago tayo magsalita sa kanya ay kinakausap natin yung tao , dapat tinatanong natin kung ano ba ang gusto nyang gawin para hindi sya mainip, gusto nya na ba mag work , o kung ayaw nya naman ipaunawa mo sa kanya na kailangan mong tulong nya pero ang gusto mo ay kung ano lang din ang gusto nyang itulong sayo , tandaan mo po na walang tao na gusto maging tambay habang buhay,.

Popular Posts

Pages

Pages