Dahil Summer kaya naman sari saring sakit na naman ang maaring dumapo sa atin , pangalawa sa pinakapangunahing sakit ( sumunod sa rashes ) ngayong tag init ay ang SORE EYES o viral conjunctivitis, ay pamamaga o impeksyon ng mata na sanhi ng virus. Ito’y maaaring maka-apekto sa mga tao ng anumang edad. Ito’y nahahawa sa pamamagitan ng paghawak sa iyong mata kung ang mata mo’y nakahawak sa isang tao na may sore eyes. pangunahing sintomas nito ay ang pamumula ng mata (hyperemia), pagtutubig at pagluluha (epiphora), pagiging makati o mahapdi ng mata (pruritis or pain) ay isang sa mga pangunahing sintomas ng viral conjunctivitis o sore eyes. Maaari ring magkaroon ng kulane (lymph nodes) sa may tainga. (Ito’y hindi dapat mapagkamalan na bacterial conjunctivitis kung saan nagnanana ang mata at maaaring may kasamang lagnat.)
Sa sore eyes, hindi lumalabo, nagdidilim, o nagkakaroon ng anumang pagbabago sa paningin. Ito’y kadalasang nag-uumpisa sa isang mata ngunit maaaring mahawa rin ang kabilang mata.
Ang mga sumusunod ay ang dapat nating gawin ngayong summer habang wala pang sore eyes o habang hindi pa tayo dinadapuan nito ;
1. Kumain ng pagkaing mabuti sa mata. Ang maberdeng gulay tulad ng kangkong, broccoli, camote tops (talbos) at spinach, ay nagpapalinaw ng ating paningin. Siyempre ang mapupulang karot, kalabasa at kamatis (3 K’s) ay may taglay na vitamin A para sa mata. Ang dilaw na pakwan ay may sangkap na lutein na kailangan din ng mata. Ang pagkain ng matatabang isda tulad ng tuna, tamban at tanigi (3 T’s) ay mahalaga din.
2. Magsuot ng sunglass. Bukod sa pagiging sosyal at “in,” pinoprotektahan ng sunglass ang ating mata laban sa masasamang ultraviolet rays ng araw. Ang ultraviolet rays (UV rays) ay puwedeng “makasunog” sa looban ng ating mata (ang retina). Bumili ng sunglass na may markang UV-A at UV-B protection.
3. Mag-ehersisyo. Alam ba ninyo na ang 30 minutos na ehersisyo ay puwedeng magpababa ng pressure ng mata? Ang paghinga ng malalim at pag-relaks ay maka-tutulong din sa sakit na glaucoma, kung saan mataas ang pressure ng mata.
4. Mag-ingat sa sports. Puwedeng magsuot ng espesyal na protection eyeglasses, na nabibili sa mga sports shops. Gawa ito sa polycarbonate, isang uri ng matigas na plastic. Nakita mo ba ang mga NBA players na may suot ng salamin? Ito’y para protektahan ang kanilang mata.
5. Maghugas maigi ng kamay. Para makaiwas sa sore eyes, maghugas palagi ng kamay. Huwag ding basta-bastang magkamot o punasan ang mata. Gumamit ng panyo o tissue.
6. Ipahinga ang mata. Puwede mong ipikit ang mata habang ika’y nakasakay sa kotse o kaya ay may kinaka-usap sa telepono. Matulog din ng 7-8 oras.
7. Maghugas ng mata sa paggising at bago matulog. Gumamit lang ng malinis na tubig.
Total Pageviews
Baka Nandito ang hinahanap mo ?
Popular Posts
-
When you're feeling so grow and tears overflow when there's nothing your hear and things are unclear When you can't seem to sta...
Popular Posts
-
di naman ang ibig kung sabihin dyan ay yung laging panalo yung cards mo . ang tinutukoy ko ay imposible kang umuwi ng luhaan o kaya naman a...
-
When you're feeling so grow and tears overflow when there's nothing your hear and things are unclear When you can't seem to sta...
-
MT. ARAYAT Major jump off: Arayat National Park, Brgy. Bano, Arayat BACKGROUND The legendary Mt. Arayat rises like a solitary giant over t...
-
Ano ang an-an? Ang an-an o whitespots ay isang sakit sa balat na dulot ng isang fungal infection . Ito’y karaniwan sa mga bata at matatand...
-
Sabi dun sa isang artikulo na nabasa ko .( nakalimutan ko na yung title iih ) Ang pag tunog daw ng ngipin kapag natutulog ay isang uri ng s...
-
Ano na ? puro nalang ba talaga kayo ganyan ? siga sigaan . angas angasan. tatambay sa labas , mag iikot ikot kunwari , mag i strol gamit ang...
-
aiyt!! dito po ako nagtapos ng high school hay naku kakamiss nga iih dami ko kasi mga happy memory dito amm,.. musta na kaya mga classma...
-
nagsimula ang pelikula sa isang magandang babae na nagngangalang nak , ang babae ay sumisigaw sa sakit dahil siya ay buntis at malapit ng...
-
Marami na rin kasi yung mga kumakalat na mga news sa internet, media at maging sa mga kanto kanto lang . na baka nga si Binoy na talaga yung...
-
Nakalimutan ko na nga sa haba din kasi ng panahon na di ako umuuwi sa amin , di ko na sya naalala . pero kanina . habang nanonood ako ng Yo...