Total Pageviews

Baka Nandito ang hinahanap mo ?

Popular Posts

Friday, January 6, 2012

Ma-swerte ka na , iniisip mo lang na mas may higit pa kaysa sa kanya

Magandang araw po ,
kanina habang papasok ako sa trabaho ay may nakasabay akong tatlong babae , mga nagtatrabaho din office works din yun malamang, tiningnan ko sila ng pasimple , syempre kakahiya kapag nahuli nila ako na nakatingin sa kanila, baka lumaki pa mga ulo nun sabihin ang ganda nila . di naman sila mga kagandahan , sa totoo lang mga halatadong mga jonanay na nga eh , wahahahaha,. kumbaga kaya lang naman natuon dun ang atensyon ko ay dahil sa kanilang usapan , yung isang babae na katabi ko , dinig na dinig ko ang bunganga dahil nga sa katabi ko lang , kaya kahit nakapikit ako ay naiintindihan ko ang kanilang mga pinag uusapan , habang nag uusap sila ay para akong mangiyak ngiyak sa kinauupuan ko , naalala ko kasi ang asawa ko , kung ako sobrang nahihirapan minsan sa mga away namin , at minsan ay iniisip ko na sana ay magkahiwalay nalang kami dahil puro sakit at sama ng loob nalang naman ang ibinibigay nya sa akin ay taliwas naman yun sa nararamdaman ko ngayon , inisip ko kasi , pasalamat pa rin pala ako dahil kahit papano ay mas matino at di hamak na mas matiyaga ang asawa ko sa akin kaysa sa mga babaeng ito na nasa tabi at harap ko ,
tunay nga na sa pagsasama ng mag asawa hindi maiiwasan ang mag away, magkatampuhan at minsan ay nagkakasakitan pa ng pisikal , iyon ay dahil ang dalawang mag asawa ay literal na dalawa pa rin , ibig sabihin ,  hindi porke mag asawa na kayo ay magiging iisa nalang lahat ng inyong mga plano sa buhay , mga pangarap , mga iniisip at mga kagustuhan , sa kadahilanang ito , natural lamang na magkaroon ng mga mga di pagkakaunawaan lalo pa't kung mayroon ng isa sa inyo na gustong masunod at ayaw magpasakop,

Kanina habang nasa sasakyan ako at naririnig ko sila , masuwerte pa rin pala talaga ako dahil ,tulad ko , ang asawa ko ay may buong pagmamahal para sa akin , iyon bang kahit na kunti ay di nya magawang mag taksil sa akin , at gayundin naman ako , na kahit anong tukso ang dumating sa akin ay naisasantabi ko ito ng dahil sa pagmamahal ko sa kanya, at tulad ko din pala ang asawa ko ay handang magtiis at tiisin lahat ng hirap magkasama lang kami , paminsan minsan ngalang syempre kapag nag aaway na kami ay nahanduon na yung minsan sinasabi nya sa na naawa na sya sa sarili nya dahil lahat ng pagtitiis ginagawa nya sa akin , pero dahil narin sa galit ko ay di ko yun pinapansin bagkus ay sinasabi ko rin sa kanya na ako man ay naawa na sa sarili ko dahil nagpapakatanga ako para sa kanya pero ang katotohanan ay ako lang naman ang nagsasabi nun sa kanya at wala naman syang ginagawang mali pa para sa akin , ang tanging ikinasasama lang lagi ng loob ko ay ang pagiging seloso ko, and thankful naman ako dahil sa ngayon ay tinutulungan nya ako sa pagiging seloso ko, ewan ko ba kasi kung bakit ang hirap mawala ng paninibugho sa aking sarili , Oo aminado naman ako na mali talaga ako dun iiih , pero ano nga naman magagawa ko , di naman ako yung tipo na walang ginagawa , katunayan ay nagpapatulong din ako mismo sa asawa ko na mabawasan ang pagiging seloso ko , open ako sa asawa ko at sinasabi ko kung kailan ako nagsi selos at kung kailan naman ako hindi , kaya nagkakasundo kami sa ganuong bagay , ang mahirap ngalang kapag nag aaway na kami dahil alam nyang weakness ko yun ay lalo nya naman ako inuulol sa pag sabi ng kung ano ano na ikasasama ng loob ko ,. hay naku ang buhay may asawa nga naman , sadyang magulo pero ito ang kumukumpleto ng pang araw araw ko , mula pag gising , pagpasok, pag uwi at hanggang sa pagtulog.

Popular Posts

Pages

Pages