Total Pageviews

Baka Nandito ang hinahanap mo ?

Popular Posts

Monday, December 12, 2011

Ano Ang Tunay na Diwa Ng Pasko ?

Ano nga ba ang tunay na diwa ng pasko? Alam natin sa tradisyon, na ang pasko ay ang pagpapalitan ng regalo. Ang pangangaroling o pagkanta ng mga himig pamasko sa ating mga kapit-bahay. Inaabangan natin ang pagdating ni Santa Claus. Ngunit, ano nga ba ang tunay na diwa ng Pasko?

Sa mga kabataan tulad namin, masaya kapag pasko. Ito ang panahon kung kalian tayo lumalapit sa ating mga ninang at ninong upang humingi ng Aguinaldo. Tayo din ay nagbabahay-bahay upang mamasko. Pero hindi natin alam ang tunay na diwa ng pasko.

Ang tunay na diwa ng pasko para sa akin, ay hindi sa pagpapalitaan ng regalo. Hindi ito panghihingi sa mga ninang at ninong ng pamasko. Ito dapat ang panahon kung kalian tayo magmahalan sa isa’t isa. Kaya nga nabanggit sa isang kanta na “Give Love on Christmas Day”. Dapat magmahalan tayo.

At siyempre, ang tunay na star sa pasko ay hindi si Santa Claus. Kundi, si Hesus ang tunay na bida. Siya ang dahilan kung bakit tayo may pasko. Naging panata ko na at ng maraming tao ang pagsimba sa Simbang gabi. Dito, napapasalamatan natin ang Diyos dahil inihandog niya ang Kanyang Anak para sa atin.

Iba iba ang experience ng mga kabataan. Tiyak ko lang, lahat sila ay masaya.

Popular Posts

Pages

Pages