Total Pageviews

Baka Nandito ang hinahanap mo ?

Popular Posts

Saturday, July 30, 2011

Simple at Mabisang paraan para maiwasan ang pagbubuntis

Natural na Paraan ng Pagpaplano ng Pamilya

May 3 paraan para maiwasan ang pagbubuntis na hindi kailangan ng anumang gamit o kemikal (tulad ng panghadlang na kontraseptibo) o gamot (tulad ng hormonal na kontraseptibo). Ito ang:
  • pagpapasuso sa unang 6 na buwan
  • mucus method
  • rhythm method
MAHALAGA Hindi nagpoprotekta ang natural na paraan laban sa mga INP, kasama na ang HIV/AIDS. Kung gagamitin mo ang anuman sa natural na paraan dito, kailangan mo pa ring pag- isipan ang pagprotekta sa sarili mula sa mga INP.

Pagpapasuso sa unang anim na buwan

(lactational amenorrhea method, LAM)
Sa ilang mga kondisyon, ang pagpapasuso ay pumipigil sa obaryo na maglabas ng itlog. Walang gastos ang paraang ito, pero pinakaepektibo lang sa unang 6 na buwan pagkatapos magsilang.

Paano gamitin ang pagpapasuso para pigilan ang pagbubuntis:

Hindi mabisang paraan ng pagpaplano ng pamilya ang pagpapasuso maliban kung totoo ang tatlong kondisyong ito:
  1. Wala pang 6 na buwan ang sanggol mo.
  2. Hindi ka pa niregla mula nang manganak.
  3. Gatas mula sa suso lang ang pinapakain mo sa sanggol, at pinapasuso mo ito tuwing magugutom sa araw at gabi—na hindi lalampas sa 6 na oras ang pagitan ng bawat pagpapasuso. Hindi nakakatulog nang buong gabi ang sanggol mo na hindi sumususo.
Gumamit ka ng ibang paraan ng kontrasepsyon na ligtas isabay sa pagpapasuso kapag nangyari ang alinman sa mga bagay na ito:
  • Lampas na sa 6 na buwan ang sanggol mo, o
  • Nagsimula na ang pagregla mo, o
  • Nagsimula nang uminom ng ibang gatas o kumain ng ibang pagkain ang sanggol mo, o matulog nang lampas sa 6 na oras sa gabi, o
  • Kailangan mong malayo sa sanggol nang lampas sa 6 na oras at hindi mo kayang maglabas ng gatas mula sa iyong suso sa panahong iyon.

Ang mucus method at ang rhythm method

Nangangailangan ang lahat ng mga paraang ito ng kooperasyon ng lalaki, kung hindi’y papalya ito.
Para magamit ang alinman sa mga paraang ito, kailangang maintindihan mo kung kailan ka puwedeng mabuntis (fertile) sa buwanang siklo. Tinatawag din itong ‘fertility awareness’. Tapos, para maiwasan ang pagbubuntis, dapat hindi kayo magtalik ng kapartner mo, o gumamit ng panghadlang na kontraseptibo sa mga araw na puwede kang mabuntis.
Dahil walang gastos o side effects, puwede itong gamitin ng babaeng hindi kaya o ayaw gamitin ang ibang paraan, o kung walang ibang paraan na makukuha.
Para mas epektibong magawa ang paraang ito, kailangang bumisita kayong magpartner sa isang health worker na may ispesyal na pagsasanay para matuto tungkol sa katawan at pertilidad. Madalas ay kailangan ng 3–6 na buwan ng praktis para matuto sa mga paraang ito.
Sawa na ‘ko sa kahihintay!

Hindi mabisa ang mga natural na paraan kung:

  • maliit ang kontrol mo kung kailan makikipagtalik. Sa mga panahong puwedeng mabuntis, dapat handa ang partner mo na maghintay at hindi makipagtalik, o gumamit ng condom o iba pang panghadlang na kontraseptibo.
  • pabagu-bago bawat buwan ang mga palatandaan mo na puwedeng mabuntis. Hindi mo malalaman kung kailan ka fertile.
  • bago ka lang nanganak o nakunan. Mahirap malaman sa mga panahong ito kung kailan ka puwedeng mabuntis.

Ano ang dapat mong malaman tungkol sa siklo ng pertilidad ng babae:

  • Naglalabas ang babae ng isang itlog bawat buwan.
  • Nilalabas ang itlog mula sa obaryo mga 14 na araw bago ang susunod na pagregla.
  • Nabubuhay ang itlog ng mga 24 oras (1 araw at 1 gabi) matapos makalabas mula sa obaryo.
  • Maaaring mabuhay ang semilya ng lalaki ng hanggang 2 araw sa loob ng katawan ng babae.

Para maging mas epektibo ang lahat ng natural na paraan ng pagpaplano ng pamilya:

  • Makipagtalik lamang sa mga araw sa pagitan ng dulo ng panahong puwede kang mabuntis at sa iyong susunod na pagregla.
  • Gamitin nang sabay ang mucus method at rhythm method.
  • Gumamit ng condom kapag hindi ka sigurado kung puwede kang mabuntis o hindi, o kaya’y huwag makipagtalik.

Mucus Method

Para magamit ang mucus method, kailangan bigyan ng matamang pansin ang mucus (pamamasa) sa loob ng puwerta. Gumagawa ng basang mucus ang katawan sa panahon na puwedeng mabuntis para matulungan ang semilya na makapasok sa matris. Kaya kung susuriin ang mucus araw-araw, malalaman kung kailan nagiging fertile o puwedeng mabuntis, at puwedeng umiwas sa pakikipagtalik sa panahong iyon.

Paano malaman kung puwede kang mabuntis:

  1. Ipahid ang daliri o piraso ng tela sa labas ng puwerta.
  2. Kung may mucus, maglagay sa pagitan ng dalawang daliri. Ano’ng katangian nito? Basa ba at madulas? Tuyo ba at madikit?

Paano gamitin ang mucus method:

  • Huwag makipagtalik anumang araw na nakikita o nararamdaman ang pamamasa o mucus. O kung gustong makipagtalik sa mga araw na iyon, gumamit ng condom o diaphragm na walang spermicide (ito lang ang mga paraan na hindi bumabago sa mucus).
  • Huwag makipagtalik hanggang 4 na araw matapos ang huling araw ng malinaw at madulas na mucus.
  • Huwag makipagtalik habang may regla. May maliit na posibilidad na puwede kang mabuntis pero hindi mo kayang alamin.
  • Huwag banlawan o hugasan ang loob ng puwerta (douche) anumang panahon.
  • Kung nahihirapang malaman kung kailan puwedeng mabuntis, o kung may impeksyon sa ari, gumamit ng ibang paraan.

Rhythm Method

Tinuturo ng rhythm method kung paano malaman kung kailan puwedeng mabuntis sa pamamagitan ng pagbilang ng mga araw sa buwanang siklo. HINDI maaasahan ang rhythm method kapag:
  • nagpapasuso at hindi pa bumabalik ang regla.
  • kapapanganak at hindi pa regular ang regla.

Paano gamitin ang rhythm method:

  • Bilangin kung ilang araw tumatagal ang bawat buwanang siklo sa loob ng 6 na buwan, mula sa unang araw ng pagregla hanggang sa unang araw ng susunod na pagregla.
  • Piliin ang pinakamahaba at pinakamaikling siklo.
  • Bawasan ng 20 araw ang pinakamaikling siklo, at 10 araw ang pinakamahaba. Sa pagitan ng 2 araw na ito ang panahong puwede kang mabuntis (panahong mabunga).
  • Kahit maaaring makipagtalik anumang araw bago at pagkatapos ng panahon na puwedeng mabuntis, ang pinakaligtas na mga araw ay yung sa pagitan ng dulo ng panahong mabunga at simula ng susunod na pagregla.
Halimbawa: Sinubaybayan ni Julia ang kanayang buwanang pagregla sa loob ng 6 na buwan. Ang pinakamaikli niyang siklo ay 26 araw at 34 naman ang pinakamahaba.




CHECK MO TO :




SIGURO NAMAN NAPAPANSIN MO NA ANG WEBSITE NA ITO AY SUPPORTECD OR POWERED BY ADFLY ,

KASI, PARA MAKAPAG SURVIVE ANG SITE NA TO ( Richardbelenworld.com )
KELANGAN KO NG INCOME PARA PAMBAYAD SA NAME NITO.

SO PARA MABAYARAN KO TO. TULAD NG GOOGLE, FACEBOOK, YOUTUBE, AT KAHIT MGA RADIO STATIONS OR TV STATIONS, NEED NAMIN NG SPONSORS. AT ANG ADFLY NA ITO ANG ISA SA MGA SOURCE OF INCOME KO , 

MARAMI AKONG SOURCE OF INCOME ONLINE, FREELANCE WRITTING, ADVERTISING , PTC, GRAPHIC DESIGN, VIDEO EDITTING, PERO ISA ANG ADFLY SA PINAKA GUSTO KO , 

BAKIT KAMO ?


KASI ANG ADFLY LANG ANG FOREVER SOURCE KO NA KAHIT WALA AKONG GAWIN IH TULOY TULOY LANG SA PAGPAPADALA SA AKIN NG MGA EARNINGS KO ,


GUSTO KO , MAGING PART KA DIN NG ADFLY,


KUNG MAY TIME KA, MAG SULAT, MAG BLOG , MAG POST NG COMMENT, MAG UPLOAD NG YOUTUBE, E BAGAY SAYO TO.


BIRUIN MO BAWAT VISITOR MO SA BLOG MO AY MAGKAKAROON KA NG EARNINGS,

WAG MO HAYAAN NA TANGING MGA MAY ARI LANG NG FACEBOOK or YOUTUBE ANG KUMIKITA.

DAPAT KUMITA KA RIN , ANG DAPAT MO LANG GAWIN AY ANG MAGSULAT, MAG POST , AT MAG COMMENT SA MGA SOCIAL NETWORKING SITE NA DATI MO NAMAN O REGULAR NA GINAGAWA .

SIMULAN MO SA PAG GAWA NG ACCOUNT


REGISTER HERE


KUNG KINAKAILANGAN MO PA NG MAS MARAMING IMPORMASYON PATUNGKOL DITO ,

PWEDI MONG BISITAHIN ANG AKING BLOG. 

VISIT MY BLOG NOW



IBA PANG SOURCE OF INCOME ONLINE :



BUKOD SA ADFLY ADVERTISING , MARAMI KA PANG PWEDING MAGAWA ONLINE , PARA KUMITA.


MERUN PA TAYO NG TINATAWAG NA PTC OR YUNG PAID THROUGH CLICK, MAG IINGAT NGALANG SA MGA PTC SITES NA NAGSISILABASAN KASI SA SOBRANG DAMI NA NILA , BAKA SA MALI KA PA MAPUNTA AT MASAYANG LANG LAHAT NG PAGOD MO .


2007  AKO NUNG MAG UMPISANG MAG PTC, AT DALAWANG PTC SITES LANG ANG
PINAGKAKATIWALAAN KO NA MULA PA NOON AY HINDI PA SILA PUMAPALYA SA PAGPAPADALA NG MGA ONLINE EARNINGS KO ,

CLIX AND NEO .



SEE MY PROOF OF INCOME BELOW.


CREATE YOUR ACCOUNT NOW 




Popular Posts

Pages

Pages