Total Pageviews

Baka Nandito ang hinahanap mo ?

Popular Posts

Saturday, October 1, 2011

Tama Bang Umasa Na Habang Buhay Kayong Magsasama ng Asawa Mo ?

Kung ang pagbabasehan natin ay ang katanungan na nasa titulo ay simple ang kasagutan pero ang hirap tangapin. Alam mo kung bakit ? dahil ang tamang sagot sa tanong na yan ay " Hindi tamang umasa ka na habang buhay kayong magsasama ng asawa mo? alam mo kung bakit ? dahil bawat tao ay may kanya kanyang nararamdaman ,. isip, mga pangarap at higit sa lahat ambisyon sa buhay.

May mga tao na kapag hindi nila na ri reach ang isang bagay na inaambisyon nila ay nagri rebelde ito sa buhay na kung saan ikasisira ng relasyon nyo . merun din naman na dahil sa mga ambisyon nya ay magagawa nyang iwan lahat kasama ka na. dapat sa buhay matuto tayo makisabay at makibagay hindi lamang sa nangyayari sa ngayon kung hindi maging sa mga mangyayari bukas. dahil ang tao nilikha hindi para kontrolin ang hinaharap nya. at tao ay binigyan lamang na kontrolin ang sa ngayon o ' present ' sa ingles. wala tayong kapangyarihan o abra cadabra para malaman natin at makontrol natin kung ano ang mangyayari bukas o sa mga susunod na araw.

Oo, napakasakit talagang isipin na hindi naman pala talaga kayo magtatagal o hindi naman pala kayo magsasama habang buhay at sadya ngang isipin mo palang ito ay nakaka depress na . kaya nga ipinapayo ko na wag nyo masyadong isipin ito kung hindi nyo kaya. tsaka wala naman kayo dapat na ipag alala dahil mga 40 percent lang ng populasyon dito sa pilipinas ang nakakaranas ng ganitong sitwasyon ng pagsasama. at lahat ng yun ay may mga nangyayaring pagka depress. oo mahal natin ang isang tao kaya tayo na di depress pero kung patuloy lang tayong papakain sa depression dahil sa sakit ay talagang mawawalan na tayo ng gana sa buhay.

tulad ng karamihan ako din ay may asawa na at ipinagmalaki ko sa buong mundo kung sino sya. Jessica lang naman ang pangalan ng pinakamamahal kong asawa. at pareho kaming nagmamahalan pero pareho kaming hindi umaasa na kami hanggang sa mamatay kami .. oo nga't pareho namin mahal ang isa't isa pero mas mabuti na yung handa. madalas kapag napag uusapan namin to pareho kami umiiyak at pareho namin sinasabi sa isa't isa na " hindi ako yung magbabago sa pagmamahalan natin" hehehe.. syempre sino ba naman ang magsasabi na " malamang ako yun" edi dedo na .. pero to be honest . ako man ay sobrang nasasaktan sa tuwing iispin ko palang na hindi kami ang magkakasama habang buhay . mahal namin ang isa't isa at walang duda yun. inihahanda lang naman namin ang sarili namin para kung sakali . pero hinding hindi namin iiwan ang isa't isa. lalo na't malapit ng lumabas ang panganay namin... ^_^ excited na nga ako iih.. ^_^

para sa mga nagtatanong kung tama ba ang umasa o hindi . ang sagot ko ay ..
"Huwag umasa dahil lahat ng bagay ay nagbabago , pero wag din lagi isipin na maghihiwalay nga kayo ikaw din baka maparanoid ka at imbis na hindi kayo maghihiwalay ng dahil sa kakaisip mo ay matuluyan nga." hahahhahaha.,..

balance dapat lagi!! ^_^

Good Luck...


http://www.richardbelenworld.com

Popular Posts

Pages

Pages