Total Pageviews

Baka Nandito ang hinahanap mo ?

Popular Posts

Thursday, September 15, 2011

Ang Alamat ng Medyas [ Comedy Version ]

Naalala nyo pa ba ang ating bayaning si Dr. Jose Rizal ?
Noong Ikalimang  Siglo ( friday kasi ngayon habang sinusulat ko to kaya nasa ikalimang siglo na naman tayo ) , ay may isa tao din na halos ang katangian ay di nalalayo kay Jose Rizal.
ito ay si Saydem. tulad ng ating Pambansang Bayani , si Saydem ay may angking talino at sari-saring kakayahan.
kaya nyang maging tagapamahayag at taga pag ulat sa lahat ng mga nangyayari sa kanilang bayan at maging sa mga karatig lugar nito.
Si Saydem ay isa din sa mga tinataguriang pinakamagaling na musikero at taga sulat ng tula.
sya din ay mayroong mga napakaraming chicks pero puro lang ito manok. hehehehe.

isang araw, ay may dumadaing sa kanyang isang kababayan dahil ang nabili daw nilang sapatos ay hindi tugma sa kanilang mga paa.kapag kasi ang sapatos na nabili mo ay medyo masikip , ang paa mo ay mananakit sa kakalakad lalo na kung balat ng hayop ang sapatos na nabili mo, at kapag maluwag naman ay halos lumalabas na ang hulihang sakong mo .

Kaya't bilang isang henyo sa kanyang panahon ay naisipang gumawa ni Saydem ng isang bagay na maaring makapagbigay solusyon sa problemang ng kanyang kababayan.

dalawa hanggang tatlong araw nyang pinag ukulan ng atensyon ang pag gawa at pag imbento ng bagay na ito. hanggang isang araw.

sadida :     Saydem balita namin ay natapos mo na ang solusyon sa mga problema namin ukol sa aming mga paa. " - saad ni Adidas este sadida kay Saydem.

Saydem  : Oo at  sinubukan ko na ito ng ilang ulit,. sigurado akong magugustuhan nyo ito at masasabi nyong  ito na nga ang solusyon sa mga problema natin..

Inilabas ni Saydem ang dalawang pares ng tela at ipinasuot ito sa mga magkakaibigang sina Sadida, Keni ,Shanata at Vona.

labis silang nabigla at nagulat dahil sa preskong dala nito sa kanilang mga paa.

subalit kasabay niyon ay biglang natisod si Vona , gumulong ito at tuluyang nahulog sa bangin . dahil sa pagkaka out balance ng dahil lang sa mali ang pagkakasuot nito ng naimbento ni Saydem.

Nagulat ang mga tao sa nangyari, gulat na gulat sila ang nakaramdam ng takot , subalit may isang binatilyo roon na sadyang matapang at  matipuno, lamang ay may diperensya ito sa pagsasalita.

"Naku Naku, nahulog hulog si Vona Vona" unang nasambit ng Binatilyo.
"pero wag kayo mag alala lala, sasagipin gipin ko sya ko sya"

at pinuntahan nga ng bintilyo si Vona , subalit patay na ito .
ng sabihin ito ng binatilyo sa mga tao ay nagsumiklab ang galit ng mga ito kay Sadem subalit hindi na nila ito nakita kailanman.

Isang araw pagkatapos ng aksidenteng naganap ay may isang taga ibang lugar ang dumayo sa kanilang lugar upang bilhin ang naimbentong bagay ni Saydem.,

tumutol ang mga tao at pilit na itinaboy ang dayuhan.
nag isip ng mabuti ang dayo kung papano nya makukuha o mabibili ang naimbentogn bagay na yaon .
kinabukasan ay bumalik sya sa lugar na yun subalit nagpanggap sya bilang isang matandang ale.
doon nya nakausap yung binatilyong sasagip sana kay Vona, at dahil sa depekto nito sa pagsasalita ay nagkakada baliktad ang mga pangalan na sinasabi nito. at habang nag ti take note sya sa mga kwento nito ay dahan dahan nyang dinudukot ang isang pares ng tela na  pinakita sa kanya ng binatilyo upang mapag gayahan nya. ito upang maibenta sa merkado. pagkatapos nyang makuha ang lahat ng impormasyon mula sa  binatilyo ay nagpaalam na sya dito dala ang isang piraso ng tela na kanyang kinuha.

makalipas ang ilang buwan ay nagulantang ang buong bayan ni Sadem dahil kumalat an sa buong bayan nila at pati sa mga karatig lugar nila ang naimbentong bagay ni Saydem at mga artikulo kung paano ito naibento.
nagtinginan ang lahat dahil pamilyar sa kanila ang mga pangalan ng nasa kwento ito ay mga pangalan nina Sadida, Shanata, Keni , kapag pinagbabalikatad ang mga pangalan ng binabanggit na karakter. at ang mas nakakagulat ay ang pangalan ng Produktong iyon ay hango sa Pangalan Ni Saydem. at
mula noon ay wala na silang nagawa kungdi tanggapin ang Bagay na yun na tinatawag ng lahat na 'MEDYAS!" !!..

Popular Posts

Pages

Pages