hindi ko ito sinulat upang kunsinstihin ang mga taong may ganitong mga klaseng nararamdaman o matinding paninibugho , ang tanging layunin ko lamang ay ang ipaalam na tulad nyo ay katulad din kita , halos araw araw ng aking buhay ay may mga alalahanin din , na kung tutuusin sa 360 days ng aking buhay ay nasa 40 days lang nito ang totoong naging masaya ako , pero heto ako , kinakaya ko at patuloy pa rin akong lumalaban sa buhay , inaasa ko nalang sa Diyos ang lahat , dahil alam ko kung sarili ko lang ako aaasa, malamang hindi na sana ako nakapag sulat ng ganito ngayon , sa sobrang hirap ng aking dinaranas,
di nga naman masama ang magmahal ang mali lang ay ang magbigay ng sobrang pagmamahal sa isang tao gayong alam mo na may sarili syang isip , puso at pagde desisyon ,. kumbaga napakasakit para sa atin na ibigay ang lahat lahat sa isang tao tapos sa huli ay mababale-wala lang dahil hindi naman natin kontrolado ang buhay , puso , at pag iisip nya.sa mga katulad kong seloso dyan , sabay sabay nating sikapin na magtiwala ng lubos sa ating mga kapareha,
iasa natin sa Panginoong Hesu-Kristo ang hirap ang sakit tuwing may nakikita tayong kausap nila , tuwing may mga nababalitaan tayo na hindi maganda , tuwing habang hirap na hirap ka ay parang wala lang sa kanya..
T_T
