Total Pageviews

Baka Nandito ang hinahanap mo ?

Popular Posts

Saturday, July 30, 2011

Simple at Mabisang paraan para maiwasan ang pagbubuntis

Natural na Paraan ng Pagpaplano ng Pamilya

May 3 paraan para maiwasan ang pagbubuntis na hindi kailangan ng anumang gamit o kemikal (tulad ng panghadlang na kontraseptibo) o gamot (tulad ng hormonal na kontraseptibo). Ito ang:
  • pagpapasuso sa unang 6 na buwan
  • mucus method
  • rhythm method
MAHALAGA Hindi nagpoprotekta ang natural na paraan laban sa mga INP, kasama na ang HIV/AIDS. Kung gagamitin mo ang anuman sa natural na paraan dito, kailangan mo pa ring pag- isipan ang pagprotekta sa sarili mula sa mga INP.

Pagpapasuso sa unang anim na buwan

(lactational amenorrhea method, LAM)
Sa ilang mga kondisyon, ang pagpapasuso ay pumipigil sa obaryo na maglabas ng itlog. Walang gastos ang paraang ito, pero pinakaepektibo lang sa unang 6 na buwan pagkatapos magsilang.

Paano gamitin ang pagpapasuso para pigilan ang pagbubuntis:

Hindi mabisang paraan ng pagpaplano ng pamilya ang pagpapasuso maliban kung totoo ang tatlong kondisyong ito:
  1. Wala pang 6 na buwan ang sanggol mo.
  2. Hindi ka pa niregla mula nang manganak.
  3. Gatas mula sa suso lang ang pinapakain mo sa sanggol, at pinapasuso mo ito tuwing magugutom sa araw at gabi—na hindi lalampas sa 6 na oras ang pagitan ng bawat pagpapasuso. Hindi nakakatulog nang buong gabi ang sanggol mo na hindi sumususo.
Gumamit ka ng ibang paraan ng kontrasepsyon na ligtas isabay sa pagpapasuso kapag nangyari ang alinman sa mga bagay na ito:
  • Lampas na sa 6 na buwan ang sanggol mo, o
  • Nagsimula na ang pagregla mo, o
  • Nagsimula nang uminom ng ibang gatas o kumain ng ibang pagkain ang sanggol mo, o matulog nang lampas sa 6 na oras sa gabi, o
  • Kailangan mong malayo sa sanggol nang lampas sa 6 na oras at hindi mo kayang maglabas ng gatas mula sa iyong suso sa panahong iyon.

Ang mucus method at ang rhythm method

Nangangailangan ang lahat ng mga paraang ito ng kooperasyon ng lalaki, kung hindi’y papalya ito.
Para magamit ang alinman sa mga paraang ito, kailangang maintindihan mo kung kailan ka puwedeng mabuntis (fertile) sa buwanang siklo. Tinatawag din itong ‘fertility awareness’. Tapos, para maiwasan ang pagbubuntis, dapat hindi kayo magtalik ng kapartner mo, o gumamit ng panghadlang na kontraseptibo sa mga araw na puwede kang mabuntis.
Dahil walang gastos o side effects, puwede itong gamitin ng babaeng hindi kaya o ayaw gamitin ang ibang paraan, o kung walang ibang paraan na makukuha.
Para mas epektibong magawa ang paraang ito, kailangang bumisita kayong magpartner sa isang health worker na may ispesyal na pagsasanay para matuto tungkol sa katawan at pertilidad. Madalas ay kailangan ng 3–6 na buwan ng praktis para matuto sa mga paraang ito.
Sawa na ‘ko sa kahihintay!

Hindi mabisa ang mga natural na paraan kung:

  • maliit ang kontrol mo kung kailan makikipagtalik. Sa mga panahong puwedeng mabuntis, dapat handa ang partner mo na maghintay at hindi makipagtalik, o gumamit ng condom o iba pang panghadlang na kontraseptibo.
  • pabagu-bago bawat buwan ang mga palatandaan mo na puwedeng mabuntis. Hindi mo malalaman kung kailan ka fertile.
  • bago ka lang nanganak o nakunan. Mahirap malaman sa mga panahong ito kung kailan ka puwedeng mabuntis.

Ano ang dapat mong malaman tungkol sa siklo ng pertilidad ng babae:

  • Naglalabas ang babae ng isang itlog bawat buwan.
  • Nilalabas ang itlog mula sa obaryo mga 14 na araw bago ang susunod na pagregla.
  • Nabubuhay ang itlog ng mga 24 oras (1 araw at 1 gabi) matapos makalabas mula sa obaryo.
  • Maaaring mabuhay ang semilya ng lalaki ng hanggang 2 araw sa loob ng katawan ng babae.

Para maging mas epektibo ang lahat ng natural na paraan ng pagpaplano ng pamilya:

  • Makipagtalik lamang sa mga araw sa pagitan ng dulo ng panahong puwede kang mabuntis at sa iyong susunod na pagregla.
  • Gamitin nang sabay ang mucus method at rhythm method.
  • Gumamit ng condom kapag hindi ka sigurado kung puwede kang mabuntis o hindi, o kaya’y huwag makipagtalik.

Mucus Method

Para magamit ang mucus method, kailangan bigyan ng matamang pansin ang mucus (pamamasa) sa loob ng puwerta. Gumagawa ng basang mucus ang katawan sa panahon na puwedeng mabuntis para matulungan ang semilya na makapasok sa matris. Kaya kung susuriin ang mucus araw-araw, malalaman kung kailan nagiging fertile o puwedeng mabuntis, at puwedeng umiwas sa pakikipagtalik sa panahong iyon.

Paano malaman kung puwede kang mabuntis:

  1. Ipahid ang daliri o piraso ng tela sa labas ng puwerta.
  2. Kung may mucus, maglagay sa pagitan ng dalawang daliri. Ano’ng katangian nito? Basa ba at madulas? Tuyo ba at madikit?

Paano gamitin ang mucus method:

  • Huwag makipagtalik anumang araw na nakikita o nararamdaman ang pamamasa o mucus. O kung gustong makipagtalik sa mga araw na iyon, gumamit ng condom o diaphragm na walang spermicide (ito lang ang mga paraan na hindi bumabago sa mucus).
  • Huwag makipagtalik hanggang 4 na araw matapos ang huling araw ng malinaw at madulas na mucus.
  • Huwag makipagtalik habang may regla. May maliit na posibilidad na puwede kang mabuntis pero hindi mo kayang alamin.
  • Huwag banlawan o hugasan ang loob ng puwerta (douche) anumang panahon.
  • Kung nahihirapang malaman kung kailan puwedeng mabuntis, o kung may impeksyon sa ari, gumamit ng ibang paraan.

Rhythm Method

Tinuturo ng rhythm method kung paano malaman kung kailan puwedeng mabuntis sa pamamagitan ng pagbilang ng mga araw sa buwanang siklo. HINDI maaasahan ang rhythm method kapag:
  • nagpapasuso at hindi pa bumabalik ang regla.
  • kapapanganak at hindi pa regular ang regla.

Paano gamitin ang rhythm method:

  • Bilangin kung ilang araw tumatagal ang bawat buwanang siklo sa loob ng 6 na buwan, mula sa unang araw ng pagregla hanggang sa unang araw ng susunod na pagregla.
  • Piliin ang pinakamahaba at pinakamaikling siklo.
  • Bawasan ng 20 araw ang pinakamaikling siklo, at 10 araw ang pinakamahaba. Sa pagitan ng 2 araw na ito ang panahong puwede kang mabuntis (panahong mabunga).
  • Kahit maaaring makipagtalik anumang araw bago at pagkatapos ng panahon na puwedeng mabuntis, ang pinakaligtas na mga araw ay yung sa pagitan ng dulo ng panahong mabunga at simula ng susunod na pagregla.
Halimbawa: Sinubaybayan ni Julia ang kanayang buwanang pagregla sa loob ng 6 na buwan. Ang pinakamaikli niyang siklo ay 26 araw at 34 naman ang pinakamahaba.




CHECK MO TO :




SIGURO NAMAN NAPAPANSIN MO NA ANG WEBSITE NA ITO AY SUPPORTECD OR POWERED BY ADFLY ,

KASI, PARA MAKAPAG SURVIVE ANG SITE NA TO ( Richardbelenworld.com )
KELANGAN KO NG INCOME PARA PAMBAYAD SA NAME NITO.

SO PARA MABAYARAN KO TO. TULAD NG GOOGLE, FACEBOOK, YOUTUBE, AT KAHIT MGA RADIO STATIONS OR TV STATIONS, NEED NAMIN NG SPONSORS. AT ANG ADFLY NA ITO ANG ISA SA MGA SOURCE OF INCOME KO , 

MARAMI AKONG SOURCE OF INCOME ONLINE, FREELANCE WRITTING, ADVERTISING , PTC, GRAPHIC DESIGN, VIDEO EDITTING, PERO ISA ANG ADFLY SA PINAKA GUSTO KO , 

BAKIT KAMO ?


KASI ANG ADFLY LANG ANG FOREVER SOURCE KO NA KAHIT WALA AKONG GAWIN IH TULOY TULOY LANG SA PAGPAPADALA SA AKIN NG MGA EARNINGS KO ,


GUSTO KO , MAGING PART KA DIN NG ADFLY,


KUNG MAY TIME KA, MAG SULAT, MAG BLOG , MAG POST NG COMMENT, MAG UPLOAD NG YOUTUBE, E BAGAY SAYO TO.


BIRUIN MO BAWAT VISITOR MO SA BLOG MO AY MAGKAKAROON KA NG EARNINGS,

WAG MO HAYAAN NA TANGING MGA MAY ARI LANG NG FACEBOOK or YOUTUBE ANG KUMIKITA.

DAPAT KUMITA KA RIN , ANG DAPAT MO LANG GAWIN AY ANG MAGSULAT, MAG POST , AT MAG COMMENT SA MGA SOCIAL NETWORKING SITE NA DATI MO NAMAN O REGULAR NA GINAGAWA .

SIMULAN MO SA PAG GAWA NG ACCOUNT


REGISTER HERE


KUNG KINAKAILANGAN MO PA NG MAS MARAMING IMPORMASYON PATUNGKOL DITO ,

PWEDI MONG BISITAHIN ANG AKING BLOG. 

VISIT MY BLOG NOW



IBA PANG SOURCE OF INCOME ONLINE :



BUKOD SA ADFLY ADVERTISING , MARAMI KA PANG PWEDING MAGAWA ONLINE , PARA KUMITA.


MERUN PA TAYO NG TINATAWAG NA PTC OR YUNG PAID THROUGH CLICK, MAG IINGAT NGALANG SA MGA PTC SITES NA NAGSISILABASAN KASI SA SOBRANG DAMI NA NILA , BAKA SA MALI KA PA MAPUNTA AT MASAYANG LANG LAHAT NG PAGOD MO .


2007  AKO NUNG MAG UMPISANG MAG PTC, AT DALAWANG PTC SITES LANG ANG
PINAGKAKATIWALAAN KO NA MULA PA NOON AY HINDI PA SILA PUMAPALYA SA PAGPAPADALA NG MGA ONLINE EARNINGS KO ,

CLIX AND NEO .



SEE MY PROOF OF INCOME BELOW.


CREATE YOUR ACCOUNT NOW 




Masama ba ang Kape sa isang Buntis ?

Ipinapayo ng mga doctor na hindi dapat lalampas sa anim na tasa ng kape ang iinumin sa isang araw. Sa katulad mong buntis, dapat ay isang tasa lang ng kape (kung ground coffee) at dalawang tasa naman kung instant coffee.

Mayroong caffeine ang kape at ito ay naaabsorb ng fetus kaya nararapat na limitahan ang pag-inom ng kape. Ipinapayo rin sa mga nagpapasuso (breastfeed) na limitahan ang pag-inom ng kape.

Ipinapayo rin naman sa mga babaing wala pang anak na bawasan din ang sobrang pag-inom ng kape sapagkat batay sa isang pag-aaral, ang heavy caffeine consumption ay nagiging dahilan para mahirapang magdalantao. Dahil din ang kape ay isang deuretic, nagdadagdag ito ng rate of excretion ng calcium na nagiging dahilan para magkaroon ng osteoporosis. Ang osteoporosis ay ang paghina o paglutong ng buto.

Ang isang magandang katangian ng kape, dahil may mataas itong caffeine, ay nakatutulong na mag-enhance ng mental performance. Pinasisigla ang isip. Bukod dito, nakatutulong din sa pagtunaw ng pagkain ang pag-inom ng kape.

Friday, July 29, 2011

Paano Kumita ng Pera sa Internet kahit walang Puhunan ?

Kumita ng Pera On-line ng walang puhunan! OPO! Libre po ito! at kayo pa ang babayaran!
Napakadaling gawin, sundin lang ang mga steps sa ibaba....
ang kelangan nyo lang po ay ang mapaglalagyan ng perang kikitain nyo sa internet.. kelangan nyo po ng paypal account.. ^_^..
sa pag register po dyan kelangan po na may credit card kayo. pero kung wala sa ngayon pwedi rin naman .. tsaka mo nalang i verify yung paypal mo pag umabot na ng malaking halaga ang ipon mo .. kelangan mo lang naman kasi i verify yun para i withdraw yung kinita mo .. pero kung pwedi mo na po syang magamit bilang online wallet nyo kahit di verify .. dyan nyo po ipapadala o ipang ka cash out nyo  sa kikitain nyo .. pag halimbawa umabot na ng $500 Dollars ang kinita nyo .. edi malaki laki na yun .. tsaka nyo nalng asikasuhin yan .. pero pwedi na kayo mag register ngayon palang .. click nyo lang po yung banner.. sa baba.. ^_^ 


Proseso kung paano mo makukuha ang iyong mga KINITA.

Mula sa iyong PTC website (Clixsense) Papunta sa iyong  AlertPay or PayPal  Account
Papunta sa iyong Bank Account (BDO, UNION BANK, etc.).


Step by step procedure kung paano mag register sa CLIXSENSE:
1. I-click mo itong banner sa ibaba or just CLICK HERE
2. Tapos makikita mo sa bandang ibaba sa kaliwang parte ng page ang MEMBERS, I-click mo ang SIGN UP NOW
3. Then, fillup mo lahat ng hinihinging detalye sa mga sumusunod
Personal Details - your full name, address, valid email, etc...
User Agreement and Privacy Policy - importente ma-click mo ang first box pero ok lang din kahit i-click mo na lahat ng boxes
                                                              base sa gusto mong privacy policy.
Payment Details - Piliin mo ang AlertPay or PayPal Method kung may account ka na dito o pwede ring piliin ang
                               Check (International)
                               kung wala ka alinman sa dalawa, pero mas maganda kapag may PayPal ka or AlertPay kasi
                               kapag nakapag nag earn ka na ng 10$ pwede mo na yun i withdraw para may pera ka na kaagad,
                               di gaya ng International Check kailangan mo muna makabuo ng 100$ earnings.
Login Details - maglagay ka ng kahit anong username at password na madali mong matatandaan at hindi mo malilimutan
Password Recovery - Pili ka ng isang Security Question tapos lagay mo ang sagot sa tapat ng Secret Answer
Security Measure - may makikita kang mga numbers na gumagalaw sa ibaba type mo lang sa katabing box
                                ang mga numbers na nakikita mo nagalaw sa kaliwa
4. Click mo na ang CREATE ACCOUNT sa ibaba, tapos may ipadadalang email sayo para i-confirm mo ang iyong account
sign in mo ang email mo then check mo ang email na pinadala sayo tapos i-click mo yung link... ayun na! may account ka na!
        Automatic po yun ididirect ka sa clixsense account mo tapos sundan mo na ang mga step sa ibaba para sa mga paraan kung    
        paano ka kikita ng dollars!
Paraan kung paano kumita sa pag Click ng mga ADS:
1. Sign-in mo ang account mo
2. Click mo ang VIEW ADS
3. Tapos mag click ka ng isang AD, then wait mo mag load ang page, tapos ipag match mo lang ang picture na nasa kaliwa sa kanan then automatic yun may lalabas na confirmation na nadagdag sa account mo ang halagang 0.001$.
4. Kung may 5 available ads ka na ready for click, wag mong sabay sabayin dahil mag eerror lang, sayang lang ang oras mo, dapat isa isa lang ang pag click.
5. Ganun lang palagi ang gagawin mo everyday isasabay mo lang habang nakikipag chat ka sa facebook, nakikinig ng mp3 music or habang nag lalaro ka ng City Ville.
Paraan kung Paano Kumita ng MALAKI sa CLIXSENSE:
Simpleng simple lang,
1. Click mo ang "My Account" tapos
2. Click mo ang "Account Summary"
3. Makikita mo sa parteng ibaba ang "My Affiliate Link", kopyahin mo yung kulay RED na link then
      4. Post mo sa Facebook Wall mo or sa Wall ng lahat ng FRIENDS mo or I-PM mo lahat ng naka-online sa
          mga FRIENDS mo then paste mo ang link mo para kapag nag register sila gamit ang Affiliate Link mo     
          magiging referral mo sila.
5. Mas marami kang referral, mas malaki ang KIKITAIN mo!

Tuesday, July 19, 2011

Napakamiserable ng Buhay mo Richard Belen

July 20, 2011,
isa na namang kalbaryo sa buhay ko ang araw na ito , bakit nga ba kasi ako patuloy na nagmamahal ., alam ko na ang dapat kong gawin pero bakit di ko magawa.. alam kung ang nararapat na gawin ay iwanan na sya pero bakit di ko magawa.?? hirap na hirap na ako .. napaka miserable na ng buhay ko ng dahil sa kanya pero bakit patuloy akong nagmamahal ? T_T

dito nagsimula ang lahat.. T_T:






nakauwi ako ng bahay ng walang sumundo sa akin.. T_T,
nagmamalaki kasi sya .. lagi nyang sinasabi na may paa naman ako .. at ang masakit pa nun .. gustong gusto nya na umaakyat sya sa taas na kunwari ay susunduin ako pero ang totoo pala nalaman ko sa kaibigan ko na nakikipag ngitian sa mga tambay dun.. T_T, naawa na ako sa sarili ko ,, wala akong maisip na dahilan para payagan ng Diyos na ganituhin ako ng asawa ko.. T_T

Sunday, July 17, 2011

Gamot sa Sore Eyes


Kali-kaliwa ang mga taong nagkakaroon ng sore-eyes. Taon-taon na lang.
Asahan na natin na tuwing summer ay ordinaryo na ang sakit na ito kaya dapat prevention na ang ginagawa at hindi ang aantayin mong tamaan ka pa. Except lang kung talagang gusto ka niyang hawaan dahil sa pang-aasar mo at pinahiran ka niya ng muta sa mata mo o kaya ay sa kamay mo dahil alam niyang tuwing gumigising ka ay nagkukusot ka ng mata at di ka agad naghihilamos.
Ang sore eyes ay inflammation ng cover ng eyeball at inner eyelid dahil sa virus o viral infection.
Nakakahawa ang sore eyes alam natin yun. Pero di lang yun nakukuha sa pagpunas ng muta sa mata ng kagalit mo. Pwede rin kasi makuha yun sa droplets tulad ng pagbahing at pag-ubo. Kaya mas mabilis kumalat ang virus ng sore eyes pag meron kang ubo.
Kaya dapat maghugas lagi ng kamay bago humipo sa mata pag meron kayong kasama sa bahay na may sore eyes. Tingnan niyo yung mga doctor kahit 100 pasyenteng may sore eyes ang pumunta sa kanila ay hindi sila nahahawa dahil maya’t maya ay hugas sila ng hugas ng kamay.

Ang sign na may sore eyes ka ay:
  • Pag-gising mo, isang mata lang ang kaya mong idilat. Ang isa mong mata ay nanlilimahid na sa mutang parang sipong natuyo.
  • Red eyes parang bangus na na red tide
Kung maagapan aabot lang ng 3 days pag hindi aabutin ng 14 days bago gumaling. Ang mahirap niyan ay pag di nalinis maige at na-impeksyon ay maaring magka-sugat ang mata at makaapekto sa paningin ng tao.
Maraming gamot sa sore eyes andyan ang tobrex, erythromycin, cellufresh, tobradex, chlorampenicol at maxitrol. Pero alam mo ba kung ano ang nararapat na gamot sayo? Hindi. Punta na kay doc at ihanda na ang 500 pesos para sa kanyang talent fee. Pero kung gusto mong sumugal, bahala ka.
Totoo bang nakakatanggal ng sore eyes ang gatas ng ina? Ewan. Pero medyo logical naman. Sabi kasi sa research, mas hindi raw nagkakasakit ang mga batang laki sa gatas ng ina kesa sa gatas ni yaya este sa powder na gatas. Ibig sabihin kontra bacteria pala ang gatas ng ina. Try niyo na rin. Wala namang masama at walang mawawala kung susubukan e. Basta patak lang ha.
Andyan na tayo, may sore eyes na. Ano na lang ang pwede nating gawin? Edi wag na hayaan pang kumalat.
  • Wag mag share ng tuwalya kung may Sore Eyes ka
  • Gumamit ng tissue sa pagtanggal ng muta o kung gagamit ng panyo, wag ng gamitin ulit
  • Umiwas din sa swimming pool na nilanguyan ng may sore eyes asahan mo na na mahahawa ka lalo na kung mas mataas na yung concentration ng urine kesa sa chlorine
  • Wag munang makipaglaro ng nanay tatay o sawsaw suka sa baby niyo
  • Mag hugas ng kamay maya’t maya bago humawak sa mata
  • Wag muna magsuot ng contact lens
  • Wag munang magmascara at maglagay ng eye shadow hangga’t di ka gumagalin
  • Wag ka munang pumasok sa trabaho dahil makakahawa ka lang
Sumasakit ba ang mata mo pag tumitingin ka sa mata ng taong may sore eyes? Akala mo kasi lumilipad na ang virus papunta sa mata mo.


Ito ang mabisang gamot sa sore eyes: Tumitig sa incandescent bulb ng nakahiga for 30 mins o 1 hour straight. Hilamos. Titig. hilamos. Titig.

Sunday, July 10, 2011

Sakit ng tyan ( Lunas at Uri )

Lintik na sakit ng tyan yan ..
ilang beses nga ba ako sakitan ng tyan sa trabaho .. wew hay naku
isang napakalaking perwisyo pa naman ng sakit na yan..
kung pwedi ngalang sana na tangalin nalang ang tyan iih para matangal din ang sakit hahahahhaa..
anyway .. sabi ng iba mabisang gamot daw talga sa sakit ng tyan iih kubeta .. ahahahaha
di rin siguro kasi sa pagkaka alam ko merun ng dalawang klase ng sakit ng tyan ..
kaya nga kapag tinatanong ako kung ano ba ang alam kong gamot sa sakit ng tyan
ang madalas ko na sinasagot iih ..
anong klaseng sakit ba ?
merun po kasi ng dalawang klase na dapat nating alam kung anong sakit ba ng tyan ang nararamdaman natin ..
una alamin po natin kung ito ba ay kabag.. bunga ng lamig o kaya hangin ..
hmmmfff.. kanina lang ay nalamigan ako .. kaya ayun
ahahahah.. habang sinusulat ko tong topic ko na to iih..
sobrang sakit ng tyan ko .. pero hindi ko na rin naman ipinunta sa comfort room dahil alam kung bunga lang ito ng lamig at hangin dahil nga sa may bagyo ngayon dito sa amin..
simple lang gamot dito .. inom ka lang ng mga maligamgam o kaya mainit na tubig then
after nyan .. kain ka ng mga may sabaw na pagkain ..
dun maiinitana ng sikmura mo at dun mo mararamdaman ang pag ginhawa pa unti unti ..
tandaan nyo po na kapag may kabag kayo o hangin ay wag na wag po kayong pupunta ng cr kung hindi
naku po .. magtatagal kayo dyan .. bakit kamo ??
kasi yung lamig sa loob ng katawan nyo ay sasama sa dumi ninyo ..
akala nyo okay yun pero ang totoo mas lalo nyo pa pong dinagdagan ang lamig na nararamdaman nyo
dahil nag si sink po yung lamig na galing sa bowl papunta po sa tyan nyo . so ano yung process ?
simple lang inilalabas nyo hindi yung lamig kundi yung popo lang .. sa madaling salita di nyo naman nalulunasan yung problema sa tyan nyo sa halip ay mas lalo nyo itong dinadagdagan.. katunayan nyan .. dahil sa pag po popo nyo para mawala yung lamig ay .. sumasakit ang labasan nyo na para bang may almuranas kayo , pero ang totoong dahilan nun ay wala ka ng ilalabas pipilit nyo lang na lumabas ang lamig sa maling paraan...
Pangalawa ay yung Sakit ng Tyan ng dahil sa Nakain..
ito po yung mga nalulunasan ng mga Gamot tulad ng Kremil S. at Diatabs..
at ito rin po yung sinasabi ng iba na ang pangunahing gamot ay Si Mr. Takubets.. ahahahahaha

Popular Posts

Pages

Pages