Total Pageviews
Baka Nandito ang hinahanap mo ?
Popular Posts
-
di naman ang ibig kung sabihin dyan ay yung laging panalo yung cards mo . ang tinutukoy ko ay imposible kang umuwi ng luhaan o kaya naman a...
Monday, May 30, 2011
Galit
Wag kang mag alala kung minsan ay nagagalit ka at sa galit mo ay kung ano anong mga bagay ang nagagawa mo ..kaya may tinatawag na dala ng galit iih.. pero sir sa totoo lang .. maari naman talaga makontrol ang galit iih.. pero hindi mo ito maiiwasan, natural sa tao ang mgalit at hindi rin naman masasabi na ang magalit ay may standards , hindi po yan isang misyon , o isang grado o isang pangarap na pwedi mong lagyan ng rason na .. " ay magagalit lang ako kapag ganito , ganyan .. o magagalit lang naman ako kapag ganito ang nangyari o may nagawa silang ganito " hindi po , ang galit ay tulad din ng katawan nating pisikal, ang galit ay nakikibagay din sa presyur ng ating katawan. sa mood natin at higit sa lahat sa mental natin.
Kung mapapansin nyo may mga panahon na kahit na sobrang nakakainis na yung ginagawa sayo ng isang tao dahil malamig ang panahon at busog ka naman at walang sakit .. ay kayang kaya mong i dedma lang ito ..
pero kapag ang tao ay gutom .. lalo na't nasabayan pa ng init ng panahon .. at may nararamdaman sa katawan .. naku po asahan mo na ,,, kunting bagay lang na magalaw sya ay magagalit kaagad ito at sagutin mo lang ng kaunti ay magawawala na ito sa galit na nararamdaman nya.. ano na nga ba ang galit at paano nga ba natin ito mako kontol at maiiwasa na mangyari ?
Adik na sa Youtube
di ko naman talaga alam kung bakit, basta namalayan ko nalang na adik na rin pala ako sa youtube.,.. ahahahhaa.. akalain mo yun.. dati kasi ang lag ng gamit kong pc , nakaka asar. nakakabagot at higit sa lahat nakakayamot yung buffering.. pero simula ng mapalitan yung connection namin dito ay gumanda na ang youtube hubbing ko.. at di na rin ako nag aalangan na baka may mga customers na sigaw ng sigaw na " Kuya ang lag po" hahahha..
ngayon kahit naman na maglaro sila ng maglaro ng mga online games ay wafakels na ako .. di na sila nag lala lag at mas nauuna na rin yung red color dun sa baba nung video na ang ibig lang naman sabihin ay mas mabilis ang patching ng videos kaysa sa playback neto.. grabe.. simula nun kahit manood na ako ng mga movies sa youtube .. ok lang .. at ng kinalaunan ay pati ako ay na enganyo na rin na mag upload ng mga videos ko .. at nung nakita ko na ang daming nakak appreciate ng mga gawa ko ay mas lalo akong ginanahan .. ayun .. naging adik na yata ako sa youtube.. hahhahaha.. dati facebook addict lang ako ... ngayon pati yata youtube na pasok na rin utak ko.. ahahahhaha
Saturday, May 28, 2011
Gamot sa Ubo
INUUBO ka ba? Kung mayroon, ikaw ay hindi nag-iisa. Ano ba ang pinanggagalingan ng ubo?
Ang ubo ay puwedeng dahil sa trangkaso (flu), sipon at ubo (common colds), allergy, sigarilyo (smoker’s cough), pulmonya (pneumonia), namamagang tonsils (tonsillitis) at tuberkulosis.
Sa mga sakit na ito, ang pulmonya at tonsillitis lang ang nangangailangang inuman ng antibiotics, tulad ng Amoxicillin. Ang tuberculosis naman ay ginagamot ng anim na buwan ng TB medicines.
Subalit para sa pangkaraniwang sanhi ng ubo, tulad ng trangkaso, sipon at allergy, heto ang mga puwede na-ting gawin:
1. Uminom ng 8-12 basong tubig –— Ayon sa mga pulmonary experts, tubig lang talaga ang pinakamabi- sang gamot sa ubo. Pinapalabnaw kasi ng tubig ang madidikit na plema. Kapag lumabnaw na ang plema, mas madali natin ito mailalabas.
2. Uminom nang mainit na salabat o sabaw ng manok — Malaki ang tulong ng salabat at luya para maginhawahan ang lalamunan natin. May panlaban din ito sa bacteria at nakaaalis ng kati ng lalamunan. Ang pag-inom naman ng mainit na sabaw ay nagpapaluwag din ng mga tubo natin sa baga.
3. Itigil ang paninigarilyo — Ang sigarilyo ay nakapagdudulot ng emphysema, isang klaseng sakit kung saan nabubutas at nasisira ang ating baga. Kapag lampas ka sa 10 stick ng sigarilyo bawat araw, siguradong may tama na ang inyong baga. Sorry po at walang gamot para sa smoker’s cough. Itigil ang yosi.
4. Uminom ng Vitamin C –— May mga pagsusuri na nagpapakita na ang pag-inom ng Vitamin C 500 mg ay nakatutulong sa paglakas ng ating immune system.
5. Umiwas sa nakaka- allergy na bagay —– Maraming ubo ang nanggagaling sa allergy. Puwedeng magka-allergy sa usok, sa balahibo ng pusa at aso, sa matatapang na pabango, at sa mga pollen ng mga halaman. Umiwas sa mga bagay na ito. Puwede rin uminom ng Loratadine (Zylohist) 10 mg tablet para sa allergy.
6. Gamot para sa ubong may plema — Puwede ding uminom ng mga gamot tulad ng carbocisteine, ambroxol at bromhexine para lumabnaw ang plema.
7. Gamot para sa tuyong ubo (dry cough) —– Para sa nakaiistorbong ubo, yung tipong hindi ka patutulugin, uminom kayo ng butamirate citrate (brand name Sinecod). Mabisa ito.
8. Magpahinga at iwas bisyo — Huli sa lahat, ang kailangan ng ating katawan ay pa hinga. Kapag kompleto ang tulog natin ay dahan-dahang lalakas ang ating katawan. Tanggal ang ubo. Good luck po.
Ang ubo ay puwedeng dahil sa trangkaso (flu), sipon at ubo (common colds), allergy, sigarilyo (smoker’s cough), pulmonya (pneumonia), namamagang tonsils (tonsillitis) at tuberkulosis.
Sa mga sakit na ito, ang pulmonya at tonsillitis lang ang nangangailangang inuman ng antibiotics, tulad ng Amoxicillin. Ang tuberculosis naman ay ginagamot ng anim na buwan ng TB medicines.
Subalit para sa pangkaraniwang sanhi ng ubo, tulad ng trangkaso, sipon at allergy, heto ang mga puwede na-ting gawin:
1. Uminom ng 8-12 basong tubig –— Ayon sa mga pulmonary experts, tubig lang talaga ang pinakamabi- sang gamot sa ubo. Pinapalabnaw kasi ng tubig ang madidikit na plema. Kapag lumabnaw na ang plema, mas madali natin ito mailalabas.
2. Uminom nang mainit na salabat o sabaw ng manok — Malaki ang tulong ng salabat at luya para maginhawahan ang lalamunan natin. May panlaban din ito sa bacteria at nakaaalis ng kati ng lalamunan. Ang pag-inom naman ng mainit na sabaw ay nagpapaluwag din ng mga tubo natin sa baga.
3. Itigil ang paninigarilyo — Ang sigarilyo ay nakapagdudulot ng emphysema, isang klaseng sakit kung saan nabubutas at nasisira ang ating baga. Kapag lampas ka sa 10 stick ng sigarilyo bawat araw, siguradong may tama na ang inyong baga. Sorry po at walang gamot para sa smoker’s cough. Itigil ang yosi.
4. Uminom ng Vitamin C –— May mga pagsusuri na nagpapakita na ang pag-inom ng Vitamin C 500 mg ay nakatutulong sa paglakas ng ating immune system.
6. Gamot para sa ubong may plema — Puwede ding uminom ng mga gamot tulad ng carbocisteine, ambroxol at bromhexine para lumabnaw ang plema.
7. Gamot para sa tuyong ubo (dry cough) —– Para sa nakaiistorbong ubo, yung tipong hindi ka patutulugin, uminom kayo ng butamirate citrate (brand name Sinecod). Mabisa ito.
8. Magpahinga at iwas bisyo — Huli sa lahat, ang kailangan ng ating katawan ay pa hinga. Kapag kompleto ang tulog natin ay dahan-dahang lalakas ang ating katawan. Tanggal ang ubo. Good luck po.
Masakit ang Ngipin
Bakit ba kasi di nalang tulad ng sa aso yung ngipin natin.. hay naku.. kani-kanina lang okay pa ako iih.. kung kelan pa naman nasa trabaho ako tsaka pa sumasakit.. hay naku.. halos 3 years na simula ng huling sumakit to, di ko naman pinabunot na since na simula nung nawala ang sakit nito ay di na naulit.. ewan ko ba ngayon bakit parang nagbabanta na naman na sumakit ang aking ngipin..
Subscribe to:
Posts (Atom)
Popular Posts
-
di naman ang ibig kung sabihin dyan ay yung laging panalo yung cards mo . ang tinutukoy ko ay imposible kang umuwi ng luhaan o kaya naman a...
-
Di lang kasi maunawaan ng ibang tao ang ganitong usapin iih , bakit ka nga naman magagalit sa tambay ? porke ba tambay eh tamad na ? o kaya...
-
MT. ARAYAT Major jump off: Arayat National Park, Brgy. Bano, Arayat BACKGROUND The legendary Mt. Arayat rises like a solitary giant over t...
-
Sabi dun sa isang artikulo na nabasa ko .( nakalimutan ko na yung title iih ) Ang pag tunog daw ng ngipin kapag natutulog ay isang uri ng s...
-
I don't know kung tama ba na ang isa sa mga ini-idolo ko sa larangan ng musika ang ita topic ko sa blog ko na to ,hindi para purihin at...
-
it's not too hard to find out why it still happening and why it still occurs sa mga mag asawang mahal na mahal naman nila ang isa't ...
-
Naalala nyo pa ba ang ating bayaning si Dr. Jose Rizal ? Noong Ikalimang Siglo ( friday kasi ngayon habang sinusulat ko to kaya nasa ikali...
-
Mga Instrumentong Etniko Plauta - ito ay isang instrumento na tulad ng bilang ng isang kategorya woodwind. Plau...
-
masarap talaga magkarooon ng kabiyak sa buhay lalo na kung mahal na mahal ka rin ng taong mahal na mahal mo , at sa totoo lang maswerte ako ...