Total Pageviews

Baka Nandito ang hinahanap mo ?

Popular Posts

Showing posts with label informative. Show all posts
Showing posts with label informative. Show all posts

Tuesday, November 2, 2010

Subok na Pampaputi ng Balat

ANG mga Pilipino ay moreno kaya medyo maitim ang ating balat. Ang ibig sabihin ay medyo marami ang Melanin pigment sa ating balat. Ang melanin ay nagpo-protekta ng balat laban sa masamang ultraviolet radiation (UV-light) ng araw. Kapag lagi kang nasa araw, dadami ang inyong melanin.
Usong-uso ngayon ang mga paraan na pampaputi. Pero ano ba talaga ang tunay at napatunayan na ng siyensiya? Ito ang aking mapapayo:
Gumamit ng Sunblock – Kung gusto ninyong pumuti, kailangan umiwas talaga sa araw. Huwag lumabas mula 10 a.m. hanggang 4 p.m. Gumamit ng sunblock na may SPF 30 pataas at may proteksyon sa UV-A at UV-B. Ipahid sa mukha, leeg at kamay.
Magtago sa araw – Nagtataka ba kayo kung bakit ma puti at makinis ang ating puwit? Lagi kasing nakatago sa araw at polusyon. Huwag mag-beach, mag-motorsiklo o mag-bike. Magdala ng payong, magsuot ng sombrero, mag salamin at mag-long sleeves at pants.
Puwede ang whitening cream – Ang mga subok na sangkap na pampaputi ay ang Hydroquinone 2% at Tre-tinoin 0.1%. Hanapin ito.
Puwede sumubok ng glutathione – Ang glutathione ay isang gamot na pinag-aaralan pa kung epektibo sa kanser    o hindi. Posibleng nagpapaputi rin ito. Pero ayon kay Dr. Francisca Roa ng Philippine Society of Dermatology, kailangang siguraduhin ng publiko (1) na tama ang dosis na glutathione, at (2) walang diprensiya ang iyong atay. Mayroon mga pasyente na naninilaw (jaundice) sa pag-inom nito. Kumunsulta muna sa dermatologist bago sumubok nito.
Kalamansi o lemon para sa Age Spots – May mga tinatawag na age spots (pantal na maitim sa balat) na luma labas kapag tayo’y nagkakaedad. Puwede itong pahiran ng kalamansi o lemon juice araw-araw. Mag-ingat lang na huwag sosobra at baka masira ang ating balat (acidic kasi ito). Kailangan maghintay ng 2 buwan bago makita ang epekto nito.
Tandaan: Bawal ang 3K – Bawal ang kamot, kalkal at kuskos. Kahit anong mantsa o pamumula sa balat, huwag na huwag kakamutin dahil magsusugat iyan. Kahit gaano kakati, tiisin lang. Huwag ding kukuskusin ang maiitim na balat, dahil lalo lang ito iitim. Good luck!

Thursday, March 25, 2010

PANGARAP KO NUNG BATA PA


When I was Four , My father always ask me kung ano ang pangarap ko when I will Grew up, As usual I was in imature life andthinking kaya kung anu-anong mga posisyon ang sinasabi ko , sabi ko nga nun Gusto ko maging Doktor tapos gagamutin ko lahat ng mahihirap na walang pampagamot sa hospital. ang galing no ? hhihihih , naisip ko tuloy buti pa yung puso ng isang bata , punong puno ng pag-ibig sa kapwa, samantalang paglumaki na at nagkaroon ng hustong pag-iisip eh , nagiging masama na ,
Isang Beses pa , I was ask by my Lola , What is your dream apo? ano gusto mo maging paglaki mo? naisip ko naman nun gusto ko maging pulis para mabawasan yung mga abusado at mga loko-lokong pulis , hhihhihih , alam nyo sa tuwing naiisip ko yung mga bagay na yan , yung mga pinagsasabi ko dati , minsan nagtataka ako , nasaan na kaya yung mga pangarap ko dati , :) tapos ito naman pinaka matindi , nung grade four ako , pinasulat kami ng aming teacher to wrote what is our dream job someday , I put on my answer sheet " Iwant to be a Computer Programmer!" Bakit ko nasabi na mas matindi yan? eh kasi nung sinulat ko yan eh hindi ko naman talaga alam kung ano yang Computer Programmer na yan eh ,, hihihih nagandahan lang kasi ako sa sound nyan pag binibigkas kaya yan na lang ang sinulat ko ,, ang kulet ko no? hahahah ,, sabi ko nga nun nung tinanong ako nung teacher ko kung bakit ko gusto maging Computer Programmer , ang sagot ko eh , " eh kasi po gusto ko maging computer scientist !" hahahahah ,, ang layo nung sagot ko !!
Hay,, nasaan na kaya yung mga pangarap ko na yun? :( nakakalungkot , wala man lang natupad kahit isa, sa ngayon isa akong Computer Attendant dito sa Skynet, di ko man naranasan ang isang trabaho na pinapangarap ko , natutunan ko naman dito maging positibo sa lahat ng bagay ,
ang pangarap ko dati ay mananatili na pangarap at habang buhay ako , may posibilidad pa rin naman na magkatotoo yun:)
God Bless !

Popular Posts

Pages

Pages