Total Pageviews

Baka Nandito ang hinahanap mo ?

Popular Posts

Showing posts with label Usapang Mag Asawa. Show all posts
Showing posts with label Usapang Mag Asawa. Show all posts

Thursday, March 8, 2012

LAM method - natural at epektibong paraan upang di mabuntis

Kung hindi pa ako nagkaroon ng anak di ko pa malalaman na may ganito palang klase ng contraception sa pakikipag sex sa isang babae.
anyway ano nga naman pala yung LAM ?
ang LAM o Lactational Amernorrhea Method ay isang uri ng contraceptive na  nagri rely sa , or ginagamit,upang ang isang estado ng fertilization ay ma disable o maging malfunction ang kanyang ability to produce fertile eggs na ikabubuntis nya o sa madaling salita ito ay ang tinatawag na  infertility, which results from intensive breastfeeding patterns. subalit mayroong tatlong  criteria that enable women to determine their risk of pregnancy during the natural state of infertility associated with breastfeeding. alinsunod sa mga pamamaraan niuto ay  ang LAM use specify that all three of these criteria be met. kapag ang tatlong ito ay nasunod, LAM can be more than 98 percent effective in preventing pregnancy. bongga ano hahaha..

Ngayon anu-ano naman yung tatlong krayterya na yun ?


1.a breastfeeding woman must be without menses since delivery, a state known as lactational amenorrhea,

2.a woman must fully or nearly fully breastfeed, and

3. the infant must be less than six months old.

kaya nga kami ng asawa ko puspusan ang ginagawang mahika iih hahahahha.. pero syempre nag iingat pa rin naman kami kahit papano , sabi nga ng mga doktor , ang lahat ng bagay ay mayroong mga butas o abnormalities., hindi nagbibigay ng hundred percent ang mga espesyalista sapagkat alam nila na kahit gaano kakunti ng butas na yun ay may posibilidad pa rin , kaya since na ayaw naman namin agad sundan si baby thea namin kaya may mga time na nagwi withrawal nalang kami , pero may mga time talaga na hindi na mapigil iih hahahha..

sa madaling sabi , ang mga nagpapasuso sa kanilang baby since birth until six months old.. ay hindi mabubuntis...

kahit sa loob pa ito iputok at kahit ilang round pa .. XD

^_^

Monday, January 16, 2012

Away, away , away , walang katapusang Away ( Buhay Mag-Asawa )

buhay nga naman , kung gaano kasarap ang buhay may asawa ay ganun kahirap ang sakit at responsibilidad na papasanin mo at kahit kaylan ay hindi na ito pwedi pang bitawan , kumbaga , hindi ito isang krus lang na pasan pasan habang buhay kungdi isa itong krus na nakapaloob na sa ating pagkatao na hindi maaring bitawan at sumuko nalang. ako man din ay nakakaramdam ng galit , inis , asar, at pagkayamot sa asawa ko , pero iniisip ko nalang lagi na natural lang talaga na mag away kami dahil hindi naman kami isang tao lang , literal na dalawa pa rin kami kahit na sabihin na ang mag asawa ay iisa tao nalang dahil diyos ang nagpag isa sa amin , hay naku ,. buti nalang kahit papano ay matatag pa rin ako sa kabila ng mga away na nangyayari sa amin ng asawa ko , umiiwas nalang ako , di naman kasi pwedi na dun nalang ako sa tabi nya at hayaan sya sa mga kung ano anong mga pang aasar ang gawin nya sa akin , natural tao din ako at napupuno . mas mabuti na yung kapag nasa ganitong sitwasyon ay iniiwan ko sya sa bahay at dito muna ako sa sarili kong mundo ( richard belen world ) sa aking blog , na kung saan malaya kung masabi ang mga nararamdaman ko, malaya kong masasai kung ano ang gusto ko sabihin na walang nakakapigil sa akin wahahhaha.. 

hay naku kung alam lang ng asawa ko na sobrang mahal ko sya , 
sana pag uwi ko matino na ulit ang isip nya para naman hindi nalang lagi impyerno ang nararamdaman ko pag umuuwi hahahhaha...

Friday, January 6, 2012

Ma-swerte ka na , iniisip mo lang na mas may higit pa kaysa sa kanya

Magandang araw po ,
kanina habang papasok ako sa trabaho ay may nakasabay akong tatlong babae , mga nagtatrabaho din office works din yun malamang, tiningnan ko sila ng pasimple , syempre kakahiya kapag nahuli nila ako na nakatingin sa kanila, baka lumaki pa mga ulo nun sabihin ang ganda nila . di naman sila mga kagandahan , sa totoo lang mga halatadong mga jonanay na nga eh , wahahahaha,. kumbaga kaya lang naman natuon dun ang atensyon ko ay dahil sa kanilang usapan , yung isang babae na katabi ko , dinig na dinig ko ang bunganga dahil nga sa katabi ko lang , kaya kahit nakapikit ako ay naiintindihan ko ang kanilang mga pinag uusapan , habang nag uusap sila ay para akong mangiyak ngiyak sa kinauupuan ko , naalala ko kasi ang asawa ko , kung ako sobrang nahihirapan minsan sa mga away namin , at minsan ay iniisip ko na sana ay magkahiwalay nalang kami dahil puro sakit at sama ng loob nalang naman ang ibinibigay nya sa akin ay taliwas naman yun sa nararamdaman ko ngayon , inisip ko kasi , pasalamat pa rin pala ako dahil kahit papano ay mas matino at di hamak na mas matiyaga ang asawa ko sa akin kaysa sa mga babaeng ito na nasa tabi at harap ko ,
tunay nga na sa pagsasama ng mag asawa hindi maiiwasan ang mag away, magkatampuhan at minsan ay nagkakasakitan pa ng pisikal , iyon ay dahil ang dalawang mag asawa ay literal na dalawa pa rin , ibig sabihin ,  hindi porke mag asawa na kayo ay magiging iisa nalang lahat ng inyong mga plano sa buhay , mga pangarap , mga iniisip at mga kagustuhan , sa kadahilanang ito , natural lamang na magkaroon ng mga mga di pagkakaunawaan lalo pa't kung mayroon ng isa sa inyo na gustong masunod at ayaw magpasakop,

Kanina habang nasa sasakyan ako at naririnig ko sila , masuwerte pa rin pala talaga ako dahil ,tulad ko , ang asawa ko ay may buong pagmamahal para sa akin , iyon bang kahit na kunti ay di nya magawang mag taksil sa akin , at gayundin naman ako , na kahit anong tukso ang dumating sa akin ay naisasantabi ko ito ng dahil sa pagmamahal ko sa kanya, at tulad ko din pala ang asawa ko ay handang magtiis at tiisin lahat ng hirap magkasama lang kami , paminsan minsan ngalang syempre kapag nag aaway na kami ay nahanduon na yung minsan sinasabi nya sa na naawa na sya sa sarili nya dahil lahat ng pagtitiis ginagawa nya sa akin , pero dahil narin sa galit ko ay di ko yun pinapansin bagkus ay sinasabi ko rin sa kanya na ako man ay naawa na sa sarili ko dahil nagpapakatanga ako para sa kanya pero ang katotohanan ay ako lang naman ang nagsasabi nun sa kanya at wala naman syang ginagawang mali pa para sa akin , ang tanging ikinasasama lang lagi ng loob ko ay ang pagiging seloso ko, and thankful naman ako dahil sa ngayon ay tinutulungan nya ako sa pagiging seloso ko, ewan ko ba kasi kung bakit ang hirap mawala ng paninibugho sa aking sarili , Oo aminado naman ako na mali talaga ako dun iiih , pero ano nga naman magagawa ko , di naman ako yung tipo na walang ginagawa , katunayan ay nagpapatulong din ako mismo sa asawa ko na mabawasan ang pagiging seloso ko , open ako sa asawa ko at sinasabi ko kung kailan ako nagsi selos at kung kailan naman ako hindi , kaya nagkakasundo kami sa ganuong bagay , ang mahirap ngalang kapag nag aaway na kami dahil alam nyang weakness ko yun ay lalo nya naman ako inuulol sa pag sabi ng kung ano ano na ikasasama ng loob ko ,. hay naku ang buhay may asawa nga naman , sadyang magulo pero ito ang kumukumpleto ng pang araw araw ko , mula pag gising , pagpasok, pag uwi at hanggang sa pagtulog.

Maling Mali Na Maki Pag-relasyon Kapag Broken Hearted

Ilang buwan bago ko rin nalaman sa sarili ko na halos puro na pala sa Relationship ang mga naipo post ko dito sa aking mundo , siguro sa kadahilanang puno rin ako ng emosyon sa kung ano ang kinakaharap ko ngayon,mga taga subaybay at mga nakakapag basa nito , hayaan nyo po na mailahad ko sa inyo kung ano ang nasasaloob ko .

Ilang beses na rin akong nagkakakamli sa buhay, ilang beses na rin akong nadadapa, nagsisisi at sa huli ay nag iisip na bakit kasi hindi nalang nagkaroon ng time machine, bakit kasi hindi nalanng nagkaroon ng source code ang buhay , at bakit kasi hindi natin pweding baguhin ang ating mga nakaraan .

Marahil ang pagkapasok natin sa isang desisyon sa buhay ay atin lamang napag tanto na mali matapos na maunawaan na natin na kaya lamang natin iyon nagawa ay dahil sa emosyong ating dinadala ng mga oras na yaon .( mga oras na gulong gulo ka, oras na sobrang sakit ng nararamdaman mo at oras na sobrang hirap at bigat ng pinapasan mo sa buhay ) . subalit papano nga ba kasi dapat ang tamang pagdi desisyon para naman sa kung ano man ang mapasok natin ay hindi natin ito pagsisihan sa hinaharap.

Isa man ito sa tanong na matagal ng lagi hinahanapan ng kasagutan ay isa rin ito sa mga tanong na nagtataglay ng kasagutan na hindi basta maipapaliwag dahil ang sagot sa tanong na ito ay bumase din sa ugali at buong pagkatao ng magdadala nito.

Alam natin lahat na mali ang padalos dalos na pagdi-desisyon . pero alam din naman natin na hindi lahat ng tao ay may malawak na pag iisip at pang unawa. may mga tao na kapag nadadala na sila ng kanilang mga emosyon na nababawasan na ang kanilang linaw sa mga bagay na tama o mali , ang tanging pumapasok nalang sa isip nila ay kung papaano sila makaka move on kaagad, at kung papaano sila makaka takas sa hirap, sakit at sama ng loob na kanilang dinadala, at aminin man natin o hindi , kapag ang isang tao nagkaroon ng sama ng loob ng dahil sa relasyon na merun sya ngayon , ang tanging naiisip nyang gawin ay hanapin ang sarili sa ibang klaseng relasyon at dito madalas pumapasok ang mga epal ika nga , yun bang imbis na tulungan nila ang isang relasyon na maka ahon sa kanilang kinakaharap na problema ay tatapatan pa nila ito o dili kaya naman ay hihigitan pa upang sa kanila mabaling ang atensyon , pagmamahal , at pag aaruga ng isang taong sobrang nasasaktan dahil sa relasyong kanilang kinakaharap nya ngayon.

Nakakalungkot mang sabihin , pero bakit ganuon ang mga tao, bakit sa halip na maging taga pamagitan tayo sa kanila ay tayo pa ang nagtatanim sa isip nila na " tama na yang hirap na dinadanas mo sa buhay , iwanan mo na sya , maghanap ka ng iba , makakakita ka pa " . wooosh kunwari pa ang mga tao na nagpapayo nito pero ano ang nasa loob loob nya , " andito naman ako " ano ba namang klaseng pag tulong nya , sa halip na sana ang sabihin mo ay ganito " pagtiisan mo nalang muna , hindi mo pa naman yata nagagawa lahat iih , kausapin mo sya ng matino kung ayaw nya magpakumbaba edi ikaw ang magpakumbaba, aminin mo ang kasalanan mo , kung hindi man nya aminin ang kasalanan nya at magmalaki pa edi , sarilinin mo nalang muna , lahat gawin mo para magka ayos kayo , at kapag hindi pa rin nag work , lumayo ka muna . mag palamig ka ,ilayo mo ang sarili mo sa kanya , bayaan mong ma realize nya na mahalaga ka pa pala sa kanya , at kapag ginawa nya yun bumalik ka,. at pakakatandaan mo na hindi porke sya ang bumalik ay kailangan mo syang bigyang ng mga kundisyon dahil hindi ganuon ang mag asawa o mag ka relasyon . kailangan kapag bumalik sya sayo tangapin mo ulit at mamuhay kayo ng walang pinagbago , wag na wag kang magmamalaki dahil magiging ugat ulit iyon ng inyong hindi pagkakasundo , ang mahalagang tanong dun ay " kaya ka ba lumayo para magmalaki ? para sabihin mo na kaya mo kahit wala sya ? hindi dapat ganuon ang maging rason mo kung bakit ka lumayo , tandaan mo na kaya ka lumalayo ay para magpalamig , para ikalma ang sarili at para mailayo ang relasyon sa mas lalo pa nitong ikasisira. Kung sakali man na tanungin mo na " Eh pano kung inulit nya ulit ? " madali lang ang sagot dyan , edi ulitin mo rin ,
kailangan lang kasi sa tao ang matuto tayo na babaan natin ang ating mga pride , eh ano kung magmukha kayong tanga , ikakamatay nyo ba yun ? iih ano kung magmukha kayong under ? hahayaan nyo ba yun ? iih kaya ka nga lalayo iih para di lahat mangyari na magmuka kang tanga at magmukha kang under.

Sa dalawang uri ng Paglayo , ang isang klase lang ang dapat mong gawin , iyon ay ang paglayo na hindi pag iwan kung hindi ang paglayo para umiwas. at ito ang pinaka mahalaga, Wag na wag kang makikipag relasyon sa iba habang nagpapalamig ka , uulitin ko kaya ka lumayo hindi para mang iwan o tuluyang wasakin ang relasyon na merun kayo kung hindi upang ayusin at muling buuin kung anumang sira at lamat ang nangyari dito.at lalong lalo na " WAG NA WAG KANG MAGDI DESISYON AGAD HABANG MAY NARARAMDAMAN KA PANG POOT, GALIT , PANINIBUGHO, AT SAMA NG LOOB " lumayo ka muna at magpalamig bago mo isipin ang lahat ng ito . kapag nagawa mo lahat ng sinasabi ko sayo anuman ang estado mo , anumang uri ng tao ka , anumang klaseng emosyon merun ka. sigurado akong magpapasalamat ka sakin...

hanggang sa muli

Kuya Richard.

Thursday, January 5, 2012

Alam Kung Di Ako Dapat Magselos Pero Iba Ang Ang Sinasabi Ng Puso Ko

Oo, sige sabihin na natin na isa akong hangal , maka-sarili , at ang tanging iniisip ko lamang ay ang aking pangsariling nararamdaman , pero paano nga ba tuluyang maalis sa aking puso ang paninibugho ? alam ko kung ano ang dapat kung gawin pero di ko ito magawa dahil ito ay lumalabag sa kalooban ko , taliwas sa totoong nararamdaman ko , alam ko na hindi lamang ako ang nakakaranas ng ganito ,.alam kung higit pa o marahil na nasa 60% ng populidad ng ating bansa ay nakakaranas ng ganitong bigat sa kalooban , magaling lang ang iba na magtago ng kanilang mga saloobin sapagkat alam nila na kapag sinabi nila yun o ibinulalas ay magmumukha silang mahina, bababa ang tingin sa kanila ng mga nasa paligid , pero kung magiging totoo lang sana tayo sa ating mga sarili , maiiwasan sana ng mga tao na magpakamatay dahil sa bigat ng kanilang mga dinadala dahil inakala nilang ang malas naman nilang tao sapagkat sya lang ang nakakaranas ng ganuong kabigat na problema,

hindi ko ito sinulat upang kunsinstihin ang mga taong may ganitong mga klaseng nararamdaman o matinding paninibugho , ang tanging layunin ko lamang ay ang ipaalam na tulad nyo ay katulad din kita , halos araw araw ng aking buhay ay may mga alalahanin din , na kung tutuusin sa 360 days ng aking buhay ay nasa 40 days lang nito ang totoong naging masaya ako , pero heto ako , kinakaya ko at patuloy pa rin akong lumalaban sa buhay , inaasa ko nalang sa Diyos ang lahat , dahil alam ko kung sarili ko lang ako aaasa, malamang hindi na sana ako nakapag sulat ng ganito ngayon , sa sobrang hirap ng aking dinaranas,

di nga naman masama ang magmahal ang mali lang ay ang magbigay ng sobrang pagmamahal sa isang tao gayong alam mo na may sarili syang isip , puso at pagde desisyon ,. kumbaga napakasakit para sa atin na ibigay ang lahat lahat sa isang tao tapos sa huli ay mababale-wala lang dahil hindi naman natin kontrolado ang buhay , puso , at pag iisip nya.

sa mga katulad kong seloso dyan , sabay sabay nating sikapin na magtiwala ng lubos sa ating mga kapareha,
iasa natin sa Panginoong Hesu-Kristo ang hirap ang sakit tuwing may nakikita tayong kausap nila , tuwing may mga nababalitaan tayo na hindi maganda , tuwing habang hirap na hirap ka ay parang wala lang sa kanya..

T_T



Saturday, December 10, 2011

Paano Magiging Matatag Ang Relasyon Ng Mag-Asawa ?

Isa sa mga pinaka mahirap na tanong na may pinaka unstable na sagot ang tanong na Paano nga ba magiging matatag ang relasyon ng isang Mag asawa . sa totoo lang ako man din ay may mga oras na halos ayoko na talaga . gusto ko ng sumuko gusto ko na rin bumigay ,. yung tipo na nasabi ko sa sarili ko na , " ayoko na , sobrang nahihirapan na ang kalooban ko , paulit ulit nalang , parang wala naman na yata patutunguhan tong relasyon na to kung hindi ang magkaroon lang ng sama ng loob ang isa't isa " 

Kung bakit hindi nga naman talaga naiiwasan ng isang relasyon ang magkaroon ng mga di pagkakaintindihan o pagkakasundo ay isang malaking question mark hanggang ngayon..


aw wait lang , out na pala ako , uwian na hahahah bukas ko nalang to itutuloy , 
pasensya na mga pards.. hahahahha

Saturday, October 1, 2011

Tama Bang Umasa Na Habang Buhay Kayong Magsasama ng Asawa Mo ?

Kung ang pagbabasehan natin ay ang katanungan na nasa titulo ay simple ang kasagutan pero ang hirap tangapin. Alam mo kung bakit ? dahil ang tamang sagot sa tanong na yan ay " Hindi tamang umasa ka na habang buhay kayong magsasama ng asawa mo? alam mo kung bakit ? dahil bawat tao ay may kanya kanyang nararamdaman ,. isip, mga pangarap at higit sa lahat ambisyon sa buhay.

May mga tao na kapag hindi nila na ri reach ang isang bagay na inaambisyon nila ay nagri rebelde ito sa buhay na kung saan ikasisira ng relasyon nyo . merun din naman na dahil sa mga ambisyon nya ay magagawa nyang iwan lahat kasama ka na. dapat sa buhay matuto tayo makisabay at makibagay hindi lamang sa nangyayari sa ngayon kung hindi maging sa mga mangyayari bukas. dahil ang tao nilikha hindi para kontrolin ang hinaharap nya. at tao ay binigyan lamang na kontrolin ang sa ngayon o ' present ' sa ingles. wala tayong kapangyarihan o abra cadabra para malaman natin at makontrol natin kung ano ang mangyayari bukas o sa mga susunod na araw.

Oo, napakasakit talagang isipin na hindi naman pala talaga kayo magtatagal o hindi naman pala kayo magsasama habang buhay at sadya ngang isipin mo palang ito ay nakaka depress na . kaya nga ipinapayo ko na wag nyo masyadong isipin ito kung hindi nyo kaya. tsaka wala naman kayo dapat na ipag alala dahil mga 40 percent lang ng populasyon dito sa pilipinas ang nakakaranas ng ganitong sitwasyon ng pagsasama. at lahat ng yun ay may mga nangyayaring pagka depress. oo mahal natin ang isang tao kaya tayo na di depress pero kung patuloy lang tayong papakain sa depression dahil sa sakit ay talagang mawawalan na tayo ng gana sa buhay.

tulad ng karamihan ako din ay may asawa na at ipinagmalaki ko sa buong mundo kung sino sya. Jessica lang naman ang pangalan ng pinakamamahal kong asawa. at pareho kaming nagmamahalan pero pareho kaming hindi umaasa na kami hanggang sa mamatay kami .. oo nga't pareho namin mahal ang isa't isa pero mas mabuti na yung handa. madalas kapag napag uusapan namin to pareho kami umiiyak at pareho namin sinasabi sa isa't isa na " hindi ako yung magbabago sa pagmamahalan natin" hehehe.. syempre sino ba naman ang magsasabi na " malamang ako yun" edi dedo na .. pero to be honest . ako man ay sobrang nasasaktan sa tuwing iispin ko palang na hindi kami ang magkakasama habang buhay . mahal namin ang isa't isa at walang duda yun. inihahanda lang naman namin ang sarili namin para kung sakali . pero hinding hindi namin iiwan ang isa't isa. lalo na't malapit ng lumabas ang panganay namin... ^_^ excited na nga ako iih.. ^_^

para sa mga nagtatanong kung tama ba ang umasa o hindi . ang sagot ko ay ..
"Huwag umasa dahil lahat ng bagay ay nagbabago , pero wag din lagi isipin na maghihiwalay nga kayo ikaw din baka maparanoid ka at imbis na hindi kayo maghihiwalay ng dahil sa kakaisip mo ay matuluyan nga." hahahhahaha.,..

balance dapat lagi!! ^_^

Good Luck...


http://www.richardbelenworld.com

Popular Posts

Pages

Pages