Total Pageviews

Baka Nandito ang hinahanap mo ?

Popular Posts

Showing posts with label Richard's Diary. Show all posts
Showing posts with label Richard's Diary. Show all posts

Sunday, March 4, 2012

Linggo, a kwatro ng Pebrero 2012,
tanghali na ako nagising , sobrang puyat ko kasi ,, iih panu ba naman mga bandang 1 ng madaling araw iih naalimpungatan ako , di pa rin tapos sina mama, si matet at ang asawa ko ng kaka galgal hahaha..
laro pa rin sila ng laro ng tong its., hay naku . kaya ayun para di mapuyat ang asawa ko kaya pinalitan ko muna sya sa pwesto nya ang kaso naman natatalo kami kasi di ako sanay ng sugal hahaha ayun bumalik ulit sya at pinalitan ako hahah ,.buti at nanalo pa rin kami,
si mama ang talo nyahahaha. kinaumagahan naman ay kahit mga 9 na ay di pa rin ako gising , lumipat pa nga ako ng kwarto sa taas iih kasi naiingayan ako sa baba. narinig ko nalang si kuya arvin na nasa baba na kaya bumaba ulit ako para mag asikaso na . uuwi kasi kami ngayon sa batia, para bisitahin si mama at kunin ang ibang gamit dun .
ang kaso naman bago kami maka alis ay niyaya naman ako ni Kuya Arvin ng Lucky 9 kaya ayun man ,natagalan pa tuloy kami nyahahahhaa
mga 12 na kami nakarating sa may batia. grabe di naman namin naabutan si mama dun ,. si papa lang ang sumama sa amin para kunina ang ibang gamit dun kina Sweet. wew. lasing lasing naman si papa ko hahahhaa.
pero sa totoo lang naawa ako sa buhay ngayon nina mama at papa, T_T

mga 1 pm na kami nakarating sa may balagtas at duon naman ay nagkatampuhan naman kami ng asawa ko kaya tumambay ako sa labas , napunta ako sa isang computer shop at duon ako naabutan ni mamhiE. kasama nya si Arlene para sunduin ako .
at natapos din ang araw na ito na maayos let kami ng asawa ko ..

Wednesday, February 15, 2012

2 months na ang baby althea ko at sobrang kulit .. ^_^

nakakatuwa naman tingnan ang baby ko , at ngayon ay dalawang buwan na sya ... kaka two months nya lang last February 11, pero kung titingnan mo sya ay parang hindi sya new born baby heheheh.. bukod kasi sa malikot sya ay ang kukulit pa ng mga expressions ng mukha nya .. ewan ba namin kung paano nya natutunan ang mga yun hahahaa... kungsabagay kahit nung bagong silang palang ang baby ko ay ang dami na naming pagkakapreho sa mga facial expressions pati nga sa mga movements ng katawan kapag tulog iih .. o kaya naman ay may gusto ..

Ang dami tlagang nagsasabi na sa akin nagmana ang anak ko .. simula sa mukha hanggang sa mga kaprityo daw hahahah.. pati sa klase ng pagtulog . pagpasagpasag nyahahahha.. minsan tuloy naiisip ko ganitong ganito din siguro ako ng maliit pa ako .. hehehehe.. ang kaibahan ngalang namin ako boy si baby ko girl .. ^_^

kaya nga minsan nagtatampo ata yung asawa ko iih about daw sa name ng baby kasi wala daw nakuha sa kanya puro nalang daw akin nyahahahah...Rich Mae Althea nga naman wala nga naman dun ang Jessica pero andun ang name ko hahahahha.. at mayaman pa gusto nyahahah.. sana nga naging mayaman nalang ako iih .. di sana yung baby ko nung ipinagbubuntis palang sunod na agad sa luho .. pero change topic na nga baka magkaiyakan pa tayo dito nyahaahahah..

mahal na mahal ko ang anak ko at sobrang sakit sa akin kapag nakikita ko sya na nasasaktan , di mapakali sa tinutulugan nya . o kaya naman minsan ay binibiro ng biyanan ko na paluin pero sympre mahina lang kumbaga lambing lang. naiisip ko kasi baka paglaki ng baby ko pag nasa work ako at magkulit si Thea iih paluin nila... pero may tiwala ako sa asawa ko at alam kung higit pa sa pagmamahal ko ang ibibigay nya para sa anak namin ..

oo nga pala kahapon dapat injection ng baby namin iih pero nag desisyon nalang kami na wag na paturukan ,, mahina kasi ang defense mechanism ng althea namin kapag ini injectionan ay nilalagnat .  at ang mas malala pa nung nakaraan buwan lang na ininjectionan sya at tumirik yung mata ay nagkataong wala kaming ka pera pera nun kaya sobrang naawa ako sa bata.. nalubog pa nga kami nun sa utang iiih nyahahahaha....pero ngayon ok na naka ahon na let kami ngalang nadala na kami nung nakaraan kaya di na namin pina injectionan si baby ..
baby ko sorry po ah .. di po kasi kaya ng katawan mo iih kaya di ka na namin pina injectionan .pero wag ka po mag alala kasi iniingatan ka naman po namin ng mommy mo na wag magkasakit.. ^_^ mahal na mahal po kita anak ko ..

- daddy

Thursday, January 26, 2012

Para sa Mahal Kong Asawa T_T

Sorry sa mga pagkakamali ko , sorry kung nasaktan lang kita , at sorry kung dahil sa akin naging miserable ang buhay mo , pareho tayo mahal ko , naging miserable din ang buhay ko , pero iyon ay di ko isinisisi sayo , alam mo bang sobrang mahal kita ? alam mo pa rin ba na kahit nung time na naghiwalay tayo ay sobra akong nasaktan. pero tama na siguro tong ginawa natin , na maghiwalay na tayo , oo mahal natin ang isa't isa at walang duda dun , ramdam ko ang pagmamahal mo at alam kung ramdam mo rin kung gaano kita kamahal , pero ang buhay ay di lamang sa pagmamahal ibinabase,. kelangan din nating maging praktikal , kelangan din nating ayusin ang mga buhay natin , oo tama nga sila na mali ang panahon na nagkakilala tayo at dahil alam natin na mahal na mahal natina ng isa't isa kaya di na agad natin inaksaya ang panahon at nagsama tayo , dati pa man mamhiE.. alam kung wala ng kasiguraduhan ang hinaharap natin gayunpaman ay nagbakasali nalang ako na baka pagnagsama na tayo ay magbago din ang estado ng buhay natin. pero nagkamali ako , di sa atin sumang ayon ang pagkakataon , mas lalo tayong nilubog ng sitwasyon , gayunpaman ,  sobrang mahal na mahal kita, patawarin mo ako sa mga nagawa ko sayo , at kahit hindi ka pa sa akin humihingi ng paumanhin at kapatawaran , asahan mong pinatawad na kita sa puso ko .

mamhiE yung anak natin sana wag mong pagmalupitan , wag mo po sanang ibaling sa anak natin ang lahat ng galit mo sa akin , kung di mo man po ipakilala sa akin ang anak ko ay okay lang po, ang mahalaga ay mahalin mo din sya tulad ng pagmamahal mo sa akin dati, ang laki ng kasalanan ko sa anak natin , ng dahil sa kahirapan ko ay nagawa ko syang iwan, mahal na mahal ko si Althea, sorry po anak , naging mahina ang daddy , naging mahirap ako ,.. naging parang kawawa tayo .. T_T...

Minsan naiisip ko na magpatiwakal nalang dahil sa hirap na dinaranas ko ngayon , at kapag naiisip ko na nadamay kayo sa estado ng buhay ko ay mas lalo kong sinisisi ang sarili ko , minsan nga pati ang Panginoon ay nasisisi ko kung bakit wala man lang sa akin tumulong na guminhawa ang buhay , bakit kahit sa kabila ng lahat ng pagsisikap ko ay wala sa akin tumatanggap ng trabaho ? at bakit di umaasenso ang buhay ko gayung kahit ako mismo alam ko sa sarili ko na marami akong kayang gawin ,. marami akong kayang ipakita , i contribute sa sosyudad.. tama nga sila , nagtapos ako ng pag aaral pero walang gustong tumanggap  sa akin , nagpakahirap ako mag aral pero walang nagtitiwala sa kakayahan ko ,

Kung nagkaroon lang sana ako ng maayos na trabaho di na sana tayo nagkaganito ,
di sana ako nakakaranas ng mga masasakit na salita,.
mga panglalait
mga hinanakit
, alam mo mahal ko , ikaw lang ang nagiging lakas ko , pero ngayon wala ka na di ko na alam kung saan ako huhugot ng lakas, di ko na alam kung saan ako kukuha ng lakas ng loob para magpatuloy , pero alam kung tama itong ginawang kung paglayo dahil mas lalo lang kayong nahihirapan  kapag nandyan pa ako sa inyo.

Nasasaktan ako kapag pinagdadamutan mo ako , pero ano nga naman ang karapatan ko iih kung ako nga di kita mabigyan ng nararapat, Oo napaka wala kong silbi, Dapat ang mga katulad ko wala namang kakayahan di na dapat nag aanak, pero huli na ang lahat,.. akala ko kasi dati may tatanggap sa akin dahil sa kakayahan ko , pero mamatay nalang yata ako pero wala pa rin akong trabahong matino. T_T


Patawarin mo ako MamhIE.. T_T

Sunday, December 11, 2011

Rich Mae Althea Belen ( My Baby Was Born ) December 11, 2011

atlast my baby is born , and to be honest I am overwhelmed, that's why nagsulat ako kaagad dito sa site ko para lang ma i share ang kasiyahang nararamdaman  ko , iba talaga kapag nakikita mo na mismo ng dalawa mong mata ang anak mo , alam mo ba yung pakiramdam na para kang nakahilagpos sa mga bigat na dinadala mo sa buhay , nasa trabaho palang ako ng malaman ko na nanganak na ang mahal kong asawa ay di ko na maipalawag ang sayang nararamdaman ko , sobrang mahal ko kasi ang anak ko kahit nung nasa sinapupunan palang sya ng kanyang mommy,. lagi ko syang ipinagtatanggol sa mommy nya kapag nadadamay na sa mga away namin , kaya nung nakita ko kung gaano sya kalusog at kaganda ay hindi ko talaga maiwasang maluha at maiyak dahil di lang dininig ng Diyos ang mga panalangin ko kungdi as in pinuno nya ng blessing ang anak at ang mommy nya, unang una na yung panganganak ng mommy ko ay hindi na naging pahirapan , ilang minuto lang ang tinagal ng mommy para mailabas ang baby althea namin at higit sa lahat , bukod sa napaka kinis at puti ng anak ko ay binigyan pa to ni Lord ng Dalawang Malalim na Dimples na syang ikinatuwa ng lahat hindi lamang namin kungdi maging sa lahat ng mga nakakakita sa kanya, Tuwang tuwa naman ako dahil namana nya sa akin ang dalawang dimples,^_^ ,

12:45 a.m  Nagising ako sa pag gising sa akin ni MamhiE, sobrang sakit na daw ng tiyan nya kaya naman kaagad akong bumangon at inalalayan sya, gabing gabi na kaya pinakarimdaman namin ng husto kung manganganak na sya kaya hinintay namin na labasan na sya at tsaka na kami tatawag ng midwife , di sana ako matutulog pero dahil sa may pasok ako kinabukasan ay pinatulog nya na ako at gigisingin nya nalang daw ako kapag sobrang sakit na at kailangan nya na manganak, kaya nahiga ulit ako pero panay tingin ko sa kanya kaya ang nangyari ay di rin ako naka tulog mga alas dos na ako ng madaling araw bago naka idlip ,
halos umiyak na sa sakit ang mamhie ko at habang tulog ako ay panay ang ikot nya sa sala , palakad lakad , ayaw nya naman maupo dahil mas lalong sumasakit , sinubukan ni mamhiE na maidlip katabi ko pero talagang ayaw syang patulugan ng sakit ng tyan , kaya tumayo ulit sya at naglakad lakad sa sala , di naka tiis si mamhiE kaya lumabas ito ng bahay , dahil tulog ako kaya di ko na yun namalayan at hindi ko na ito nasaway,. sa labas ay nakita nya si Mam, at duon ay kinausap nya ang mamhiE ko na sana humingi na ito ng sorry kay mama para hindi sya mahirapan ng husto , subalit wala naman si mama para makapag sorry ang mamhiE kaya pinaligo nya na lang ito dahil sigurado na raw talagang ngayon ang kapanganakan nya,  narinig nya ako ng umiiyak at umuungol sa loob kaya dali dali syang pumasok at ginising ako , ( nananginip ako that time pero di ko na maalala kung ano naman yung napanaginipan ko ) . mga 6 ng umaga ako nagising at pinag igib ko kaagad ng pampaligo ang mamhiE ko , at dali dali naman sya na naligo , kitang kita ko sa mukha nya ang hirap at sakit na nararamdaman nya , pero wala akong magawa , gusto ko na syang dalhin sa clinic pero ayaw nya at kakayanin nya daw na sa bahay nalang sya manganganak,kinailangan ko pa ring pumasok sa mga oras na yun dahil wala kaming ibang pera nun kungdi ang natitira sa aming mga 800 pesos kaya naman kahit sa pagli labor nya ay pumasok ako sa trabaho , nasa biyahe palang ay sobrang nag aalala na ako dahil alam kung ngayon ding araw talaga na to manganganak ang mamhiE ko , samantala sa bahay ay puspusan na ang pag li labor ng mamhiE, pinipilit nyang manganak sa bahay pero maraming bata ang labas pasok sa bahay na di naman masaway dahil wala ako dun kaya di rin si mamhiE maka ere ng maayos kaya mas lalo itong nahirapan , kitang kita na sa mukha nya ang hirap at pinapayo na ng mga kapitbahay namin na dalhin na ito sa clinic at dahil sobrang hirap na nararanasan ng mamhiE ay pumayag na ito na dalhin kian Ka Mira ( Midwife ) , tinawag nila si Kuya Raul at duon sila sumakay papuntang clinic , kasama sina Ate Kris at si Ate Bebe ( midwife din ) at pati sina alai ay dinala nila si MamhiE sa clinic ng midwife at minuto lang ang binilang ay lumabas na ang bata ng walang kahirap hirap., ako naman sa trabaho ay kakatapos ko lang maglinis at kakatawag ko lang sa kapatid ng asawa ko na si Matet para ipasabi sa kanilang pamilya na mangangak na ang mamhiE at kelangan ang presence ng Mama nila , pero wala si matet duon kaya pinakontak ko nalang sa kanya ang mama para ipasabi ang kalagayan ng mamhiE,. pagkatapos kong matawagan si matet ay tinawagan ko namana ng number ng mamhIE, sa una ay nag ring ito pero pinatayan ako kaya nagulat naman ako at nag dial ulit ,. may sumagot,
" hello " saad ng nasa kabilang linya,
" hello Si Jessica kamusta na , asaan na si Jessica " saad ko naman kahit di ko alam kung sino ang nasa kabilang linya.
 " hello , Richard ? , si Richard ba to " saad ng nasa kabila
" oo ako nga , sino ka ? nasaan si Jessica ? " sagot at tanong ko ,
" andito kami kina Ka Mira, si Ate Kris mo to , nanganak na ang asawa mo , Babae " sagot ng nasa kabilang linya,
na stunt ako at di ko maipaliwanag ang nararamdaman ko parang gusto kong lumipad at gusto ko nanduon na ako kaagad, kaya  pagkatapos kong humingi ng pasasalamat kay ate kris sa pag aasikaso nila ay tinawagan ko kaagad ang boss ko at nagpaalam ako na uuwi na ako dahil nanganak na ang asawa ko , dahil emergency kaya dali dali namang pumayag ang boss ko at pinauwi na ako kasama ang kinassh advance ko na pera.

Takte isang problema ko ang wala akong barya na pambayad sa pamasahe kaya naman natagalan pa ako bago ako nakasakay ng tricycle papuntang clinic, mga wala din kasing panukli mga tricycle driver at kahit yung mga tindahan kahit na bibili ako ay wala ring mga pamalit hay naku , kaya ang ginawa ko nalang ay sumakay ako ng tricycle kahit alam ko wala sila panukli , at ng makarating na kami ng clinic ay sinabi ko hintayin nya nalang ako at kukuha lang ako ng barya sa asawa ko ,.. hahahhaha
pagkakita ko sa anak ko ay kinarga ko ito kaagad, ang ganda talaga ng anak ko , ang cute , sobrang mahal na mahal ko yun iih kaya siguro halos parang xerox na ang mukha naming dalawa,.
si mamhiE naman ay walang malay na nakatulog sa may higaan , pinuntahan ko ito habang karga ko si baby at hinaplos at mukha at noo. hanggang sa magising .. ^_^


- nagpasama ako kay  alai para bumili ng almusal nila , hindi pa kasi mga nagsisipag almusal
- mga alas diyes ng umaga ng dumating ang kapatid ni MamhiE at ang mama nya kasama si Kuya Arvin ,.
- kumain kaming tatlo nina kuya arvin at lupin sa canteen di sumama si mama at binantayan ang mamhiE ko .
- pagdating namin ay pinakain ko ang mamhiE ko.
- mga alas 12 na naka uwi sina mama at kuya arvin at lupin.
- inilabas ko ang mamhiE ko alas tres ng hapon , isinama ko si ate baby sa pagsundo kay jessica para sya magdala sa baby althea namin dahil mahina pa ang katawan ng mamhiE..

pagdating namin sa bahay ay tinatadtad kami ng mga bisita , ang daming gustong makakita sa baby althea namin lakas talaga ang appeal ng mahal kong baby.. dami natutuwa sa dimples nya,... hehehehe syempre ako kaya ang daddy nya.. ^_^

Wednesday, October 19, 2011

Kapag matutulog na kami ng asawa ko at bigla akong nanaginip at napapasigaw

masarap talaga magkarooon ng kabiyak sa buhay lalo na kung mahal na mahal ka rin ng taong mahal na mahal mo , at sa totoo lang maswerte ako sa asawa ko kahit noong mga nakaraang buwan ay panay ang away namin ,. dumadating pa nga sa punto na nagkakasakitan kami pisikal pero balewala na yun , mahal namin ang isa't isa at di na mababago pa yun . sinulat ko tong artikulo na to para lang sa wala lang .wahahahah.. di naman . natutuwa lang kasi ako dahil hindi lang isang beses,.dalawa o tatlo nangyayari to , siguro nga ganun talaga sya magmahal pati sa pagtulog ay dala dala nya ang pag aaruga sa akin , nitong mga nakaraang araw kasi ay halos walang isang linggo na hindi ako nanaginip at napapsigaw ewan ko ba . pag inaalala ko naman kung ano yung napapanaginipan ko ay wala naman ako matandaan pero alam ko napasigaw nga ako dahil may bakas pa na kabog sa dibdib ko kapag nagigising ako ,. ang mahal kong asawa naman ay kahit sobrang pagod sa mga gawain sa bahay at minsan ay puyat ay dali daling nagigising para lang yugyugin ako at pakalmahin , sobrang mahal ko talaga ang asawa ko ,. mahal na mahal po kita Mahal kong Jessica !! ^_^

Monday, October 10, 2011

Ang Sakit Isipin Na Lahat ng Bagay na Ginagawa mo ay Mawawala Nalang Kapat tayo ay Namatay na T_T.

Kagabi pa ako halos nanlulumo , di ko alam kung bakit . pero marahil ay dala lang ito ng pagod at mga problema na dumarating sa buhay ko . T_T, sobrang hirap na hirap na ako sa mga nangyayari sa buhay ko pero ito ako patuloy pa rin sa buhay . wala akong pinagsisishan sa mga bagay na nangyayari ngayon sakin . tanging ang kamatayan ko nalang nga siguro ang magiging katahimikan ko , subalit kapag naiisip ko ang lahat ng mga alaala na nagawa ko at mga bagay na na icontribute ko sa lipunan ay sadyang nanlulumo talaga ako . T_T . pero ok lang lahat naman ng tao sa mundo ay namamatay, buti pa nga yata ako marami akong maiiwang mga alalala sa mga tao, Panginoon kayo na po ang bahala sa mga pang araw araw na nangyayari sakin. T_T. kayo na lang po ang masasandalan ko sa ngayon.. T_T

Saturday, October 1, 2011

Tama Bang Umasa Na Habang Buhay Kayong Magsasama ng Asawa Mo ?

Kung ang pagbabasehan natin ay ang katanungan na nasa titulo ay simple ang kasagutan pero ang hirap tangapin. Alam mo kung bakit ? dahil ang tamang sagot sa tanong na yan ay " Hindi tamang umasa ka na habang buhay kayong magsasama ng asawa mo? alam mo kung bakit ? dahil bawat tao ay may kanya kanyang nararamdaman ,. isip, mga pangarap at higit sa lahat ambisyon sa buhay.

May mga tao na kapag hindi nila na ri reach ang isang bagay na inaambisyon nila ay nagri rebelde ito sa buhay na kung saan ikasisira ng relasyon nyo . merun din naman na dahil sa mga ambisyon nya ay magagawa nyang iwan lahat kasama ka na. dapat sa buhay matuto tayo makisabay at makibagay hindi lamang sa nangyayari sa ngayon kung hindi maging sa mga mangyayari bukas. dahil ang tao nilikha hindi para kontrolin ang hinaharap nya. at tao ay binigyan lamang na kontrolin ang sa ngayon o ' present ' sa ingles. wala tayong kapangyarihan o abra cadabra para malaman natin at makontrol natin kung ano ang mangyayari bukas o sa mga susunod na araw.

Oo, napakasakit talagang isipin na hindi naman pala talaga kayo magtatagal o hindi naman pala kayo magsasama habang buhay at sadya ngang isipin mo palang ito ay nakaka depress na . kaya nga ipinapayo ko na wag nyo masyadong isipin ito kung hindi nyo kaya. tsaka wala naman kayo dapat na ipag alala dahil mga 40 percent lang ng populasyon dito sa pilipinas ang nakakaranas ng ganitong sitwasyon ng pagsasama. at lahat ng yun ay may mga nangyayaring pagka depress. oo mahal natin ang isang tao kaya tayo na di depress pero kung patuloy lang tayong papakain sa depression dahil sa sakit ay talagang mawawalan na tayo ng gana sa buhay.

tulad ng karamihan ako din ay may asawa na at ipinagmalaki ko sa buong mundo kung sino sya. Jessica lang naman ang pangalan ng pinakamamahal kong asawa. at pareho kaming nagmamahalan pero pareho kaming hindi umaasa na kami hanggang sa mamatay kami .. oo nga't pareho namin mahal ang isa't isa pero mas mabuti na yung handa. madalas kapag napag uusapan namin to pareho kami umiiyak at pareho namin sinasabi sa isa't isa na " hindi ako yung magbabago sa pagmamahalan natin" hehehe.. syempre sino ba naman ang magsasabi na " malamang ako yun" edi dedo na .. pero to be honest . ako man ay sobrang nasasaktan sa tuwing iispin ko palang na hindi kami ang magkakasama habang buhay . mahal namin ang isa't isa at walang duda yun. inihahanda lang naman namin ang sarili namin para kung sakali . pero hinding hindi namin iiwan ang isa't isa. lalo na't malapit ng lumabas ang panganay namin... ^_^ excited na nga ako iih.. ^_^

para sa mga nagtatanong kung tama ba ang umasa o hindi . ang sagot ko ay ..
"Huwag umasa dahil lahat ng bagay ay nagbabago , pero wag din lagi isipin na maghihiwalay nga kayo ikaw din baka maparanoid ka at imbis na hindi kayo maghihiwalay ng dahil sa kakaisip mo ay matuluyan nga." hahahhahaha.,..

balance dapat lagi!! ^_^

Good Luck...


http://www.richardbelenworld.com

Saturday, September 24, 2011

Ayoko ko na po

Panginoon, sobra po akong nahihirapan sa buhay , T_T,
hirap na hirap na po ang kalooban ko . bakit po ganuon lord, bakit naman po ganito ang nangyayari sa akin ., pilit ko pong iniaahon ang sarili ko sa mga nakaraang mga pasakit sa buhay ko pero pilit pa ring bumabalik dahil sa mga ipinapakita nya , mahal na mahal ko po sya pero lagi lang po akong nasasaktan. please lang po ,. naway mamatay nalang po ako ,. ayoko naman po kasing magpakamatay dahil alam kong isa ito sa mga pinakamalakign kasalanan na pwedi kong magawa kung sakali, Father God, gusto ko na pong sumuko sa buhay .. T_T

Tuesday, August 23, 2011

August 23, 2011 ( ang kamalasan . nakakasar na araw

Nakakayamot talaga ang araw kapag naumpisahan kaagad ng init ng ulo at halos lahat ng nasa paligid mo ay pawwang mga mali ang nangyayri sa mga mata mo . ganito ang nangyari sa akin August 23, 2011. ewan ko ba . pero parang lahat yata ng naganap sa araw na yun ay puro mga kamalasan sa akin ., una na dyan yung late ako na nakapasok . inaway ako ng asawa ko madaling araw palang . wew. buhay ng anaman parang life., buti nalang pagdating ng gabi ay ok naman ang mode nya at matiwasay kaming nakatulog. ako kasi iih ang kulit ko .. madaling araw palang may kabalbalan akong ginawa ng walang consent nya.. wahahahahha.. .

Tuesday, August 2, 2011

Ano ang dapat gawin kapag inaaway ng asawa ?

lagi nalang kaming nag aaway ng asawa ko . T_T. katunayan nyan ay sobrang sakit pa rin ng leeg ko dahil sa pagkakasakal nya sakin kaninang umaga. mahal na mahal ko sya pero sadyang mataas talaga ang pride nya at lagi nalang kaming nagkakaganito hanggang sa dumarating kami sa pagkakasakitan ng pisikal. di ko na alam ang gagawin ko , di ko na alam kung ano ang susundin ko. T_T, gusto ko na syang iwan pero pilit na tumutol ang puso ko . ang hirap ng kalagayan ko . lagi ko nalang iniisip na isa lamang to sa mga trials na nararanasan ng maraming mag asawa . sa totoo lang .. hinang hina na ako . malapit na akong bumigay, marami ng pagbabago ang nararanasan ko.. T_T mga pagbabago na hindi ko sinasadya pero nakikita na sa sarili ko . masyado na akong paranoid sa pakikipaglaban sa pagsubok na to, gusto kong lumaban kami pareho pero hindi ko makita sa kanya ang pagpupursige na katulad ko .. T_T, gusto ko tulad ko may gawin din sya para sa relasyon namin pero bakit ganun.bakit ? T_T.
hirap na hirap na ako .. T_T

Tuesday, July 19, 2011

Napakamiserable ng Buhay mo Richard Belen

July 20, 2011,
isa na namang kalbaryo sa buhay ko ang araw na ito , bakit nga ba kasi ako patuloy na nagmamahal ., alam ko na ang dapat kong gawin pero bakit di ko magawa.. alam kung ang nararapat na gawin ay iwanan na sya pero bakit di ko magawa.?? hirap na hirap na ako .. napaka miserable na ng buhay ko ng dahil sa kanya pero bakit patuloy akong nagmamahal ? T_T

dito nagsimula ang lahat.. T_T:






nakauwi ako ng bahay ng walang sumundo sa akin.. T_T,
nagmamalaki kasi sya .. lagi nyang sinasabi na may paa naman ako .. at ang masakit pa nun .. gustong gusto nya na umaakyat sya sa taas na kunwari ay susunduin ako pero ang totoo pala nalaman ko sa kaibigan ko na nakikipag ngitian sa mga tambay dun.. T_T, naawa na ako sa sarili ko ,, wala akong maisip na dahilan para payagan ng Diyos na ganituhin ako ng asawa ko.. T_T

Saturday, April 30, 2011

May 01, 2011

> nag kaayos na ulit kami ng asawa ko .. hayzztzz buti naman .. ^_^
> today is my mama's b-day!!

Friday, April 29, 2011

Jessica and Charry Breakup ( April 30, 2011 )



ang hirap tanggapin.. ang sakit.. ang sakit sakit.. di lang masakit .. parang gusto ko ng mamatay.. T_T why i need to love and get hurt at ends ? huhuhuh.. mahal na mahal kita Jessica!! T_T

Wednesday, January 26, 2011

Jessica Agripa



Alam nyo sa totoo lang hindi naman masaya ang magkaroon ka ng maraming GF eh .. yun sinasabi ng iba na mas astig kapag marami kang naging past bago ka mag asawa... hay naku kung alam lang kasi nila , ang madalas lang naman kasi magsabi ng mga ganyan ay yung mga tao na sabik sa babae o kaya sabihin na natin na pampam or mga epal ... hahahah.. sorry huh kung may tinatamaan pero totoo naman yun iih.. sa totoo lang kasi "Mas marami kang past, mas marami kang pagsisihan at pang hihinayangan ". Nagsimula akong magkaroon ng Girlfriend 10 years ago na at ayoko din naman sabihin kung nakailang gf na ako .. hihihiih.. masyado ng nakakahiya yun ih,  pero yun ang dahilan kung bakit ko nasasabi na panget ang magkaroon ng maraming past .,kaya nga nitogn taon na to talaga sinabi ko sa sarili ko na ayoko ng pumasok pa sa Calendar Relationship na yan .. gusto ko na maging stable sa isang relation at dito pumasok sa buhay ko si Jessica.

Sa Online lang kami nagkakilala ni Jessica , at tulad ng laging sinasabi sa akin ni edu . " Chard. ang magseryoso sa online relationship , tandaan mo talunan , kawawa ka lang .. walang nag si seryoso sa internet pre. "  dahil online lang kami nagkakilala ni Jessica kaya hindi ko sya gaanong pinapansin , sa totoo nyan medyo kaasar pa nga sya nun iih.,. eh panu gf ko pa nun si Celezte taz dun pa sya papampam ng papampam.. hahahaha ( Naku po kapag nabasa to ni Jessica patay ako !! ^_^ ) . eh panu kasi alam nya na na may gf ako nag ko comment pa sa fb photos ko na kung pwedi daw ba akong mahalin ... hahahaha.. eh sino ba naman ang lalaking magtitiwala sa babaeng ganun .. syemre diba magdududa ka talaga.. iisipin m na ginu good time ka lang nung babae.,. .. hhihihihih.. pero hindi pa yan . talagang mapapansin mo talaga sya ..ihh umaga palang kasi may makikita ka ng wall post sa fb ko .. minsan ang nakalagay " Musta, online na naman ? " eh natural sa computer work ko iih... hahahah.. taz minsan ito pa " jaN ka na Sa OpIZ ? " wew.. kaasar Office ka jan .. eh sa Computer shop nga ako ng wo work iih.... tahahhaa..kaya medyo naasar din ako sa kanya nun .walang wala nga sa isip ko na magiging kami nyan iiih.. ihihihih.. ang nakakatawa pa as in talagang Friend ang tawag nya sa akin nun ,.. tingnan nyo yung screen shot sa baba
kuya yan 4 days before naging kami .. ang kulit no .. that time kasi is nag break na kami ni Celezte.. medyo nag ka initan pa nga sila dyan ni Celezte dahil nanghihimasok daw sa buhay ng may buhay si Jessica.. ..
kinaumagahan nun mas lalo sa akin nagalit dahil january 11, 2011 ay naging kami naman ni Mariz. dun naman nagsalita na sa akin si Jessica na ang gara ko daw . bakit ang bilis ko magpalit . dun ko naman sinasabi sa kanya kung bakit at inalis ko ang nasa isip nya na baka babaero ako o kaya naman ay hindi nagsi seryoso dahil mabilis ako makapag palit.. kasi sa totoo lang .. wala naman talaga akong naging gf na hindi ko minahal at sinseryoso ngalang .. talagang iniiwan lang ako ..





JANUARY 14, 2011 ( NAGING KAMI NI jESSICa ).

- Alam kong ang simula ng naging relasyon namin ay parang kakaiba sa karamihan pero di ako nahihiya na aminin at sabihin na nagsimula lang kami ni Jessica sa isang Virtual Relationship na kung saan may kasunduan at usapang tsaka nalang kami mag di desisyon kung gusto namin pag patuloy ang aming relasyon kapag nagkita na kami..
"marami ka ng nahinging favor sakin Jessica.. pwedi bang ako naman ang humingi sayo ngayon ng pabor " medyo paniningil ko sa kanya ... hihhihih...
"oo naman chard ano ba yun? marami ka ng nagawang favor sa akin kaya sabihin mo lang ano ba yun ?" sagot nya naman ...

" wala na kami ni Mariz.iniwan nya na rin ako.. pwedi bang ikaw nalang maging gf ko ., mag start tayo sa sa onlinerelationship then later on magkita tayo tsaka nalang natin pag usapan kung gusto pa ba nating ipagpatuloy to.." sabi ko
" oo naman ,, saan ba tayo makikita ? " sagot nya

" tsaka na  muna yun .. dami ko sched eh .. basta kita tayo after nito so ano payag ka ba na maging tayo  ?' saad ko ..
" wew, ang bilis ah .. pero sige na nga oo tayo na " medyo napilitang sagot nya sakin ..



at dun nag umpisa kung panu naging kami ,..

PANANABIK,PANGUNGULILA, AT MGA PLANO...

- alam namin pareho na hindi pa namin kabisado ang bawat isa pero nanduon yung kakaibang pakiramdam na kahit hindi nyo pa kilala ang isa't isa ay parang ang tagal tagal nyo ng mag on at magkakilala .. aaminin ko .. sa mga sinasabi nya sa akin sa chat   at sa mga wall post nya .. minsan di ko mapigilan na mangambat at maluha...Mangamba dahil alam ko kahit di pa kami nagkikita ay alam na alam ko sa sarili ko na mahal ko na nga sya . alam ko sa sarili ko na seryoso na ako sa kanya,.. minsan dahil nga sa di pangkaraniwan ang relasyon namin kaya alam kong maraming tao ang di nakakaintindi sa nararamdaman ko .. maaring sabihin nyo na imposibleng mainlove ang isang tao sa isa pang tao na hindi nya pa nakikita .. pero wag  kayo .. kasi totoo po yun .. hindi pa man kami nagkikita ni Jessica .. alam kung maaring sa kanya din ako bumagsak..  at alam ko rin na ganun na din sya .. di pa man kami nagkikita alam kung ganun na rin ang nararamdaman nya...
kakaiba ang nararamdaman ko kapag ka chat ko sya .. alam nyo yung feeling na parang nangungulila ka sa isang tao na matagal mong nakasama at ngayon ay malayo sya sayo ? ganun na ganun ang naramdaman ko that time . kaya nagkaroon kami ng plano ni Jessica na sa Debut nya ay pupunta ako at dun nalang ako matutulog sa kanila... noon palang ay sabik na sabik na ako na dumating ang araw na yun .. pero dahil nga sa pareho naman kami ng nararamdaman kaya napagplanuhan namin pwera sa debut nya ay pupunta na rin sya sa amin para nama atleast di na siya mabibigla sa debut nya.. malay nya baka di pala pasado ang looks ko sa kanya,., tahahahah mapapahiya pa sya sa mga friends nya.. ^_^.. at napagkasunduan nga namin na kinabukasan na kinabukasan ay pupunta sya sa bahay at dadaaanan nya ako sa trbaho ko taz dun nalang din sya matutulog sa bahay...

THE FIRST MEET !!!! ^_^

  Umaga palang ay excited na talaga ako .. ^_^ excited ako pero para akong kinakabahan . di ko alam kung bakit .. parang may sumasagi sa isip ko na di sya makakarating .,. lalo pa akong nangamba ng mag pm sa akin ang pinsan nya na Raymond ang pangalan , ang sabi
" Brad. Raymond to kuya ni Jessica, pinapasabi nya na medyo mali late daw sya ng dating kasi didiretso na sya dyan sa trabaho.. inutusan lang kasi ng tita nya sa SM."
haiiztzz buti nalang pala at mali late lang akala ko kasi di na talaga sya makakarating.,...
 Expected ko dahil sabi nya malilate sya ng dating kaya mga past 7 ang inaasahan ko na darating sya .. ganun ang expectations ko pero 4 palang ng hapon ay di na ako mapakali.. kinakabahan ako na natatataranta... ahhahahaha.. ganun yata talaga.. ^_^ .. kung ano anong gamot na nga ang iniinom ko iih para kumalma thahahaha.. ganun pa rin .. di ko alintana noon ang pagod at stress .. excitement kasi ang nararamdaman ko .
dumating ang past 7 .. nag pm na sa akin ang kuya raymond nya. tinatanong kung nakarating na daw si Jessica... dun na ako nag alala ng husto .. ang excitement na nararamdaman ko ay nahaluan na ng pag alala.. eh wala pa naman dala noon si Jessica ng cellphone kasi nga hiniram nung Raymond.,... mga bandang 7:48 di ko naman inaasahan na nanjan na sya .. nung may nakita akong babaeng naka blue

ay alam kung sya na yun .. pero nanigurado pa rin ako kaya tinanong ko sya ..
"ano po yung sa inyo ate ?" tanong ko pero di ko magawang tumingin sa mga mata nya..
"ikaw ba si....?" di pa sya tapos magsalita ng sabihin kong " Oo ako nga" pero nanginginig na ang katawan ko that time .. di ko kasi lam gagawin ko...hihihihih
" okay lang ba sayo .. hintayin mo muna ako wah.. di pa ko out iih.. saad ko sa kanya..
" sige okay lang dito lang ako " sagot nya sabay inom ng dala nyang inumin..


" mag internet ka nalang muna habang naghihintay ka .. nga pala kumain ka na ba?" natataranta ko pa ring tanong,
" Oo kumain na ako bago ako pumunta dito kumain na ako " sagot nya sa akin...
that time ako yung hindi pa kumakain .. kaya nung nakita ko sina kuya mike ay nagpaalam na kaagad ako na kakain .. medyo natagalan pa nga ako nun iih.. siguro mga 10 minutes pa ang nakalipas bago kami nakalabas ni Jessica para kumain.. dahil bago sya kaya apple of the eye sya sa mga nadadaanan namin,...hihihihihi..
sa Mayen kami kumain ... ang gara nga iih.. bigla akong nailang sa pinakita nyang character, alam nyo yung karakter na parang di mo pweding dalhin sa isang remote area.. o kaya sa mga lugar na ang mahihirap lang ang madals mong makikita..ito pa ang magara oh.. sya ang nagbayad ng  kinain namin.. haiizztzz,, pero pinabayaan ko na sya.. "bahala na sya, mukhang di nya yata ako nagustuha ah .. baka umuwi lang to kapag pinilit ko .. " saad ko sa isip ko.. pagbalik namin sa shop ay ganun pa rin ang mood nya. pero dedma ko nalang muna sya pero di ko hinayaan na maiinip kaya kahit na busy ako sa inventory ay may mga time na pinupuntahan ko sya sa kabilang kwarto na kung saan dun ko sya pinag kumpyuter,

Pagka out na pag ka out ko ay pinuntahan ko na sya kaagad sa kabila para yayain pauwi .. dumaan muna kami sa Click para magpahinga sandali taz umuwi na kami . pagdating namin sa bahay ay ipinakilal ako sya sa mga magulang ko at pagkatapos ay nauna na syang pumasok ng kwarto at nagpahinga na..
pagkagising namin ay wala na si Mama . pumasok na sa trabaho, ipinaghanda ko sya ng almusal pero hindi nya naman kinain..  haiizztzz.. mahal ko na kasi sya kaya mahaba pasensya ko .. hihihih.. tsaka bago lang naman kasi sya sa bahay kaya inunawa ko na nahihiya lang sya .. ^_^ .. kung ano ano ang inaalok ko sa kanya para di sya mainip pero panay sya si Tanggi.. hihihihih.. kaya niyaya ko nalng sya na mag videoke .. hay naku ako lang ang kumanta.. tahhahahahah.. ang gara.,.
Bandang hapon na sya umuwi .. di ko na rin sya naihatid dahil napag iinitan na ako ng mga tambay sa daan.,... hihihihihih....
after ng araw na yun .. mas lalo akong napamahal sa kanya at alam ko .. alam ko sa sarili ko na kahit kailan .. hinding hindi ko na sya iiwan..itinatak ko sa isip ko na kami ay DESTINED .. mahal na mahal kita Jessica!!!

Popular Posts

Pages

Pages