Total Pageviews
Baka Nandito ang hinahanap mo ?
Popular Posts
-
MT. ARAYAT Major jump off: Arayat National Park, Brgy. Bano, Arayat BACKGROUND The legendary Mt. Arayat rises like a solitary giant over t...
Sunday, November 27, 2022
Captain America Civil War Tagalog Movie Scripts
Taong 1991 sa Hydra Facility ,
isang pulang libro ang kinuha ng isang sundalo ,
ito ay naglalaman ng mga command spell para sa isang winter soldier na si Bucky upang mapasunod ito at makotrol
ang naging misyon nito ay ang paslangin ang mga magulang ni Tony Stark o Ironman,
matagumpay nya naman itong nagawa at dinala sa facility ang mga mahahalagang items na kinuha sa sasakyan nito.
kaibigan , kumusta ? muli ako si Richard Belen and Welcome sa ating channel na tagalog pinoy movie recap,
at kung ngayon lang tayo nagkatagpo sa pamamagitan ng video na ito ay please lang , wag kalimutang mag like , mag subscribe at pakipindot na rin ang bell,
simulan na natin,
Kasalukuyang taon sa Lagos Nigeria ay makikita sina Captain America at ang Team Avengers na nasa isang Misyon na kung saan ay target nilang hulihin si Crossbones,
isang puganteng kriminal .
ang team ni Crossbones ay nakatakda na mang holdap sa isang napakalaking bangko ,
ng magsimula itong kumilos at atakehin ang bangko ay agad na umaksyon ang team avengers .
nagkaroon ng masibsibang labanan sa pagitan ng bawat isa ,
samantala si Crossbones naman ay matagumpay na nakuha ang biological weapon,
pagkalabas nya ng gusali ay nagpakawala ito ng isang massive attack kay Captain America na ikinatalsik naman ng isa sa ating bida.
agad itong umalis gamit ang kanilang sasakyan ,
upang mailigaw ang grupo ng avengers ay bumaba ang bawat isa sa isang public market at naghiwa-hiwalay ito upang mahirapan ang mga humahabol sa kanila.
nahabol naman ni Sam ang ibang kriminal ngunit wala sa kanyang mga naatake ang may dala ng biological weapon ,
nakalaban naman ni Natasha Romanoff ang iba pang kalaban at dito ay napag alaman nyang hawak ng isa sa kalaban ng babae ang kanilang hinahanap .
gamit ang gadget ni Sam ay naatake niya ito , matapos itong barilin ni Natasha ay matagumpay nyang nabawi ang biological weapon.
samantala si Captain America ay nakaharap ang lider ng mga kaaway .
nagpambuno ang dalawa at nagpakita ng parehong angking galing sa hand to hand combat.
sa huli ay natalo naman ito ng ating bida ,
bago pasabugin ni Cross Bones ang sarili ay sinabi nito kay Captain America na si Winter Soldier ang buyer ng biological weapon na ninanakaw nila .
upang huwag madamay ang mga civilian sa palengke ay ginamit ni Wanda ang kapangyarihan nya upang pigilan ang pagsabog datapwat sa halip na mai save ni Wanda ang mga tao
ay nag cause pa ito ng mas marami , mas malala at mas destructive na output.
sa sumunod na eksena ay ipinakita ni Tony Stark sa madla ang kanyang imbensyon na Hologram , dito ay ginawang sample ni Tony Stark na kahit hindi nya nakita ng personal ang kanyang mga magulang ,
gamit ang hologram ay mararamdaman ng kahit na sinong tao na parang nandun pa rin sya at kasama nya ito.
natuwa naman ang lahat sa isang huling anunsyo ni Tony Stark na lahat ng nanduon sa conferrence na iyon ay kanyang magiging scholars at walang babayaran ni Isang kusing sa anumang kurso na piliin nito.
sa elevator ay may nakasabay si Tony Stark na isang babae ,
sinumbatan nito si Stark at sinabing namatay ang anak nito sa Sokovia dahil sa hindi maayos na pakikipaglaban ng Team ni Tony na tinatawag na Avengers.
sa sumunod na eksena ay tinipon ni Dr. Ross ang karamihan sa team avengers.
ipinapanood sa kanila ang mga pinsalang nagawa nila sa mga nagdaang taon sa ibat ibang pakikipaglaban nila .
ipinaliwanag nito na nagagawang battle grounds ang mga pampublikong lugar at mga sibilyan dahil sa hindi organisadong pamamahala ng team avengers.
ipinakita sa kanila ang libro ng Sokovia Accords na kung saan ay nilagdaan ng maraming bansa na nagtutukoy bilang ang Avengers ay hindi na isang private organizations kungdi magiging under na ito ng United States Government.
pagkaalis ni Ross ay muling nagpulong pulong ang team avengers .
ang team ay nahati dahil ang iba sa team ay tutol sa kagustuhan ni Ross .
nagkaroon ng Team Captain America na tutol sa Sokovia Accords ,
at team Ironman na nagnanais na pumirma sa kasunduan.
sa Cleveland ay may isang lalaki na nagngangalang Helmut Zemo.
ay natuntun ang isang dating sundalo ng hydra ,
ginapos nya ito at inilublub sa tubig ng patiwarik .
kinuha nya ang pulang libro na may laman ng voice command na makakapag control sa sundalo.
sa London ay makikita si Steve Rogers na buhat buhay ang kabaong na naluluha ,
ang patay ay ang dati nyang Girlfriend na si Peggy Carter.
maya maya ay nagbigay ng speech si Sharon Carter na pamangkin ni Peggy.
sa Vienna ay dumating na ang araw ng pagpapatibay ng Sokovia Accords,
dumalo si Natasha Romanoff at malugod nitong kinakausap ang mag amang si Tchaka at Tchalla.
isang saglit ay pinangunahan ng Hari ng Wakanda ang Pagpupulong ,
habang nagsasalita si King Tchaka ay napansin ni Black Panther ang isang kaduda dudang Van,
tumakbo sya sa ama ngunit bigla silang pinasabugan,
matapos nito ay nakita ni Tchalla na patay na ang kanyang amang hari ,
napanood naman nina Sam at Captain america ang balita at napabuntong hininga ito ng makitang nakuhanan ng cctv camera na si Bucky ang may kagagawan nito.
alam ni Natasha na maghihiganti si Black Panther kung kaya sinubukan nyang kausapin ito at sinabing hayaan nalang ni Tchalla na ang Otoridad na ang tumugis kay Bucky.
ngunit sumagot si Tchalla na sya mismo ang papatay sa winter soldier.
si Sharon naman na nagtatrabaho sa CIA ay nagbigay ng mga impormasyon kay Captain America sa lokasyon ni Bucky.
sa Bucharest ay nagkita sina Captain America at Winter Soldier ,
ngunit sinundan din pala si Steve ng mga Sundalo ,
magkatulong nilang nilabanan ang mga tauhan ni Ross ,
hanggang sa makalabas si Bucky at makatakas sa mga alagad ng batas datapwat naabutan sya ni Black Panther at inatake sya nito,
nagkaroon ng mahusay at astig na labanan sa pagitan nila,
nagkaroon ng tsansa si Bucky na makatakbo sa Road Tunnel , hinabol naman sya ni Black Panther at Captain America,
nakorner naman sila ng harangan sila ni War Machine,
at nakorner na rin sila ng mga kapulisan , nagpasya si Black Panther na magtanggal ng Mask at hayagaang ipinaalam sa mundo na ang black panther ay ang anak ng nasawing hari ng wakanda.
samantala sa bahay ni Tony Stark ay binabantayan ni Vision si Wanda ,
sa berlin germany naman dinala sina Buck at Steve Rogers.
dito naman nakaharap nila si Everet Ross na kaibigan ni Black Panther,
iminungkahi nito kina Captain America na magpa test ng Psychological Evaluation ,
nandoon din sina Natasha at Tony Stark ,
sinubukang hikayatin ni Ironman si Steve na pumirma na sa Sokovia Accords ngunit tinangihan ito ni Captain,
si Bucky naman ay isinalang na sa saykolohikal na pagsusuri na ang Phsycologist pala ay si Helmut Zemo,
sinabutahe nito ang BUilding dahilan para mawalan ng kuryente sa buong establisemento,
dito na nagsimulang basahin ni Zemo ang pulang libro para makontrol nya ang winter soldier.
dahil dito ay muling naging super human soldier na naman si Buck , sinubukan syang pigilan nina Sam at Captain America ngunit hindi nila ito kinaya,
tuluyang nakatakas si Bucky at si Zemo na sinubukan sanang habulin ni Sam ngunit hindi ito nagtagumpay,
nakita ng team ni Ironman si Bucky ,
sinubukan nilang pigilan ang sundalo ngunit kahit pagtulung tulungan nila ito ay hindi nila ito nagawang ma capture muli .
sumakay si Bucky sa Helicopter , pinigilan ni Captain America ang helicopter gamit ang lakas nito ,
dahil sa taglay na physical strength ni Steve ay nag crash ang sasakyang panghimpapawid,
magkasabay na nahulog sa tubig si Bucky at Steve ,
si Bucky ay nawalan ng malay kung kaya kinailangan ni Captain America na iligtas ang kaibigan ,
dinala nina Captain America at Sam si Bucky sa isang abandunadong warehouse ,
ng magising si Bucky ay ipinaliwanag ni Bucky na , oo sya nga ang pumaslang sa hari ng wakanda , ngunit nagawa nya iyun na wala sya sa tamang ulirat ,
na ginagamit lang ang kanyang katawan upang ipagawa ang mga bagay na hindi nya gusto ,
ipinagtapat din ni Bucky na noong panahon na sundalo sila ni Steve ay nacapture sya ng Hydra at pinag experimentuhan sya nito at ginawa bilang isa sa mga
Winter Soldiers .
nanumbalik lamang ang kontrol nya sa katawan ng lubusang matalo ng mga amerikano ang Hydra .
subalit ang Psychologist na si Zemo ay natuklasan ang pulang libro na may voice command na kapag narinig ng tenga nila ay na aactivate ang inilagay ng Hydra sa kanya .
sa Queens ay tuwang tuwa si Peter Parker ng sadyain sya ni Tony Stark sa tinitirhan nito,
ipinagtapat ni Tony na kaya sya nandito sa pamamahay ng bata ay dahil kinakailangan ng Henyo ang kakayahan ng bata bilang si Spiderman ,
sinusubukan pa sana ni Peter na ikubli ang kapangyarihan nya ngunit sa huli ay napaamin din ito ni Stark.
sa bahay ni Tony Stark ay sinubukan ni Clint Barton o Hawkeye na ialis si Wanda sa pagkakapiit nina Vision ,
hindi nag atubili na sumama si Wanda kay Clint ngunit pinigilan sila ni Vision ,
sa paglalaban ni Hawkeye at Vision ay naging dehado sa labanan si Barton kung kaya tinutulungan ni Wanda si Clint sa pamamagitan ng pagkontrol ni Wanda sa katawan ng Ai Robot.
nagpakawala ng massive attack si Wanda na naging dahilan para malubog sa pinakailalim na parte ng bahay si Vision,
kinabukasan ay nakipagkita sina Clint , Wanda at Scott Lang kay Steve.
plano ng team ni Captain America na sundan si Zemo sa Germany ngunit bago pa man sila makasakay ng eroplano ay dumating din ang grupo nina Ironman ,
ipinaliwanag ni Steve ang tungkol kay Zemo ngunit hindi sya pinaniwalaan ni Tony Stark ,
habang busy sa pag uusap ay kinuha ni Spiderman ang Shield ni Steve at sinaputan ang kamay nito ,
sa malayo naman ay kinalagan sya ni Clint , at inatake ni Antman si Spiderman sabay abot ng Shield sa kanilang lider.
dito na nagsimulang magkaroon ng masibsibang labanan sa pagitan ng dalawang team ,
naging Higante si Antman at nakuha nito ang atensyon ng mga kalaban kung kaya malayang nakatakbo ang dalawa papunta sa isang Jet ,
nakita ito ni Vision kung kaya ginamit nito ang kapangyarihan upang bagsakan at harangan sila ng isang gusali ngunit ginamit ni Wanda ang kapangyarihan nito upang pigilan ang pagbagsak ng tore,
sa loob ay nakaabang na si Natasha Romanof , nakiusap si Captain America sa kaibigan na pagbigyan na sila ni Bucky na makaalis ,
dahil sa may personal na pinag samahan si Black Widow at Steve ay si Black Panther ang pinatamaan nito ng kanyang atake ,
matagumpay na nakasakay at nakalipad sina Steve at Bucky ngunit hinahabol pa rin sila nina Ironamn at War Machine ,
lumipad sin si Sam Wilson at inatake ang dalawang bumubuntot sa kanyang mga kaibigan ,
inutusan ni War Machine si Vision na atakehin si Sam ngunit nakailag si Wilson ,
at si War Machine ang natamaan ng atake nito,
naging malubha ang natamong atake ni Colonel Rhodes kung kaya dinala nina Tony Stark ito sa pagamutan ,
kasunod na eksena ,
ay nalaman nina Tony Stark na totoo pala ang sinasabi ni Steve patungkol sa Phsycologist na si Zemo , napag alaman din ni Stark na dating Sundalo ng Sokovia si Zemo.
at nalaman din ni Ironman sa tulong ng ai nitong si Friday na nung mapatay pala ang hari ng wakanda ay present din si Zemo .
sa Raft Prison ay binisita ni Ironman ang mga kasamahan ni Captain America , itinanong ni Stark sa mga ito kung saan pupunta sina Bucky at Steve .
hindi nila itinuro ang pupuntahan nina Buck kung kaya sinabi ni Tony na naniniwala na sya sa mga sinabi ni Steve , kaya nya gustong puntahan ang dalawa ay dahil nakumpirma nya din na ang pupuntahan pasilidad ng dalawa
ay pasilidad kung saan doon din nakakulong ang iba pang winter soldiers at maaaring masawi ang dalawa.
dahil sa pag aalala ni Sam ay itinuro nya ang pupuntahan ng kaibigan .
gamit ang Ironman suit ni Stark ay lumipad ito papunta sa kinaroroonan ng dalawa ,
gamit naman ang stealth jet ng wakanda ay sinusundan ni Tchalla si Ironman.
samantala ay matagumpay na ring nakarating si Zemo sa Hydra Facility sa Siberia,
at pagkalipas ng ilang oras ay nakarating na rin sina Steve sa lugar , sa kanilang pagpasok, ay nakita nila si Ironman at sinabing naniniwala na sya sa dalawa ,
sinubukang makipag ayos ni Ironman kay Captain America,
dumating na rin si Black Panther ngunit nagtatago lamang ito at naghihintay ng tamang tyempo para patayin si Bucky.
nakita nila ang mga winter soldiers na may mga tama na ng bala sa ulo , pinagpapatay na ito ni Zemo.
makikita naman si Zemo sa isang matibay na pader sa may maliit na bintana , sinabi ni Zemo kay Steve na namatay ang pamilya nya sa sokovia dahil sa misyon ng avengers.
upang pag away awayin ang grupo ay ipinanood sa kanila ang misyon ni Bucky noong 1991,
dito ay napag alaman ni Ironman na si Bucky pala ang pumatay sa kanyang ama at ina ,
tinanong ni Ironman si Steve kung alam nya ang patungkol dito ,
umamin naman si Captain at dahil sa galit ay inatake sya ni Ironman,
maging si Bucky ay inatake rin ni Tony.
tumama ang missile ni Tony sa isang poste at nabagsakan sya nito.
ng makakuha ng pagkakataon ay muling tumakas si Bucky.
ipinaliwanag ni Captain America na si Bucky nga iyon pero nung panahon na yun ay wala sa ulirat ang kaibigan ,
dala ng emosyon ni Stark ay hinabol pa rin nito ang winter soldier.
bago tuluyang makalabas si Buck ay pinasabog ni Stark ang labasan upang masarhan sila sa loob .
pinag tulungan nina Bucky at Steve si Stark .
hanggang sa maputol ni Tony ang kamay na bakal ni Bucky.
nabugbog ni Steve si Tony ngunit gamit ang AI rendetion ng suit ni Tony ay nakabisado nito ang lahat ng galaw ni Captain America.
naging dahilan ito para magkapalit sila ng sitwasyon .
bugbog sarado si Steve ngunit patuloy pa rin itong tumatayo,
nakakuha ng pagkakataon si Steve na ibalibag si Steve at masira ang heart reactor nito .
matapos nito ay binuhat ni Steve ang kaibigan at nagpasyang lumabas na ,
sinumbatan ni Tony Stark si Captain America at sinabing ang kalasag ay gawa ng ama nya at hindi karapat dapat si Steve dito . kung kaya binitawan ni Captain America ang kalasag nito ,
si Black Panther ay nakita si Zemo sa labas ng facility at sinabi nitong nakapatay ito ng maling tao.
sinabi ni Zemo na ginawa nya lang yun bilang paghihiganti .
habang naririnig at nakikita ni Black Panther ang lalaki ay lumubag ang loob nito at nagpasya syang wag nalang itong patayin , ngunit buo na ang loob ni Zemo , gamit ang hawak nitong baril ay inasinta nya ang kanyang ulo at kinalabit ang gatilyo , maagap naman itong nasalo ni Tchalla kung kaya nailigtas nito ang buhay ng lalaki .
kinabukasan ay makikita si Zemo na nakakulong sa facility ni Everett Ross sa Berlin.
si Iron man naman ay nakatanggap ng sulat mula kay Steve , sinabi ni Captain America sa sulat na humihingi ito ng tawad kay Tony kung hindi nya agad nasabi ang totoo , ipinahayag din ni Captain America na iniligtas nya ang iba pang members ng Avengers sa kulungan , nagbigay din si Steve ng telepono at sinabi kay Ironman na kuntakin lang sya ni Tony kung kailangan nito ang tulong nya .
sa wakanda ay ipinagpasya ni Bucky na mag hypersleep sa isang capsule , sinabi naman ni Tchalla na dumuon muna ang dalawa habang mainit pa sila sa mga alagad ng batas.
maraming salamt kaibigan ha , sa patuloy na pagtangkilik at pagsuporta sa ating channel na tagalog pinoy movie recap,
at baka hindi ka pa nakakapag subscribe ? please lang wag kalimutang mag like , mag subscribe , at pakipindot na rin ang bell ,
hanggang sa muli ako si Richard Belen , Ba bye,
Popular Posts
-
di naman ang ibig kung sabihin dyan ay yung laging panalo yung cards mo . ang tinutukoy ko ay imposible kang umuwi ng luhaan o kaya naman a...
-
MT. ARAYAT Major jump off: Arayat National Park, Brgy. Bano, Arayat BACKGROUND The legendary Mt. Arayat rises like a solitary giant over t...
-
Di lang kasi maunawaan ng ibang tao ang ganitong usapin iih , bakit ka nga naman magagalit sa tambay ? porke ba tambay eh tamad na ? o kaya...
-
Ipinapayo ng mga doctor na hindi dapat lalampas sa anim na tasa ng kape ang iinumin sa isang araw. Sa katulad mong buntis, dapat ay isang ta...
-
Naalala nyo pa ba ang ating bayaning si Dr. Jose Rizal ? Noong Ikalimang Siglo ( friday kasi ngayon habang sinusulat ko to kaya nasa ikali...
-
Sabi dun sa isang artikulo na nabasa ko .( nakalimutan ko na yung title iih ) Ang pag tunog daw ng ngipin kapag natutulog ay isang uri ng s...
-
it's not too hard to find out why it still happening and why it still occurs sa mga mag asawang mahal na mahal naman nila ang isa't ...
-
When you're feeling so grow and tears overflow when there's nothing your hear and things are unclear When you can't seem to sta...
-
Natural na Paraan ng Pagpaplano ng Pamilya May 3 paraan para maiwasan ang pagbubuntis na hindi kailangan ng anumang gamit o kemikal (tula...
-
Sino nga ba sya ? noong una din akala ko sya yun si Sisa sa Crazy As Pinoy.. hehehe.. iba pala .. as in talagang lil Sisa ang ginamit nyang ...