Nakakayamot talaga ang araw kapag naumpisahan kaagad ng init ng ulo at halos lahat ng nasa paligid mo ay pawwang mga mali ang nangyayri sa mga mata mo . ganito ang nangyari sa akin August 23, 2011. ewan ko ba . pero parang lahat yata ng naganap sa araw na yun ay puro mga kamalasan sa akin ., una na dyan yung late ako na nakapasok . inaway ako ng asawa ko madaling araw palang . wew. buhay ng anaman parang life., buti nalang pagdating ng gabi ay ok naman ang mode nya at matiwasay kaming nakatulog. ako kasi iih ang kulit ko .. madaling araw palang may kabalbalan akong ginawa ng walang consent nya.. wahahahahha.. .
Mga Kabuuang Pageview
Baka Nandito ang hinahanap mo ?
Popular Posts
-
Alin ang mas sulit para sa YouTube/AdSense payout: peso o dollar account? Compare fees, conversion, convenience, at best setup para sa creat...
Martes, Agosto 23, 2011
Lunes, Agosto 8, 2011
Ano ang gamot sa Beke ?( mumps )
Paano nahahawa ng beke?
Ang beke ay nahahawa sa pamamagitan ng mga likido ng taong may beke gaya ng laway, plema, at lura. Ang mga ito ay maaaring matangay ng hangin bilang mga droplet. Kapag ang mga ito'y dumikit o dumapo sa bibig, ilong, o mata ng isang tao, siya'y maaaring mahawa ng beke. Sa pagsalo-salo ng pagkain at pakikipaghalikan ay maaari ring mahawa ng beke.Ano ang mga sintomas ng beke?
Pamamaga ng mga glandula ng laway o salivary glands ang pinakamahalagang sintomas ng beke. Ito'y makikita bilang pamamaga sa tagiliran ng panga at maaaring may kasamang pamumula, kirot, at pananakit habang ngumunguya o kumakain. Maaaring magkabila o sa iisang banda lamang maka-apekto ang beke.Maaari ring magkaroon ng lagnat at sakit sa ulo. Sa ibang kaso maaari ring mamaga ang bayag (orchitis). Ito'y nangyayari lalo na sa mga binata at mas matandang kalalakihan.
Ano ang gamot sa beke?
Walang gamot sa beke, gaya ng maraming mga virus, ito'y kusang nawawala. Ngunit upang maibsan ang mga sintomas, maaaring magpatong ng "cold compress" sa apektadong bahagi ng panga. Maaari ring uminom ng mga pain reliever gaya ng Paracetamol.Iwasan ding kumain o uminom ng maaasim sapagkat ang mga ito'y nakaka-irita sa salivary glands na siyang namamaga dahil sa beke.
Magpatingin sa doktor kung may kakaibang mga sintomas gaya ng pamamaga ng bayag, paninigas ng leeg, pagbabago sa pag-iisip, pagiging madalas ng pagtulog o panghihina, mataas na lagnat. Ang mga ito ay kabilang sa mga kompliasyon ng beke.
Paano makaiwas sa beke?
Sa Pilipinas at maraming bansa, ang bakunang MMR o Mumps, Measles, and Rubella vaccine ay mabisang proteksyon laban sa mumps (beke), measles (tigdas), at rubella (german measles o tigdas). Ang MMR ay karaniwang ibinibigay sa unang kaarawan ng isang baby (1 taon o 12 buwan). May pangalawang turok rin na ibinigay bago pumasok sa iskwelahan ang isang bata, sa edad na 4-5. Hindi karaniwan ang beke sa mga matatanda ngunit kung hindi nagkaroon nito, mas magandang magpabakuna narin kahit matanda na. Siguraduhing may bakuna laban sa beke ang buong pamilya!
Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)
Popular Posts
-
Kung gusto mong mas maging “clear” kay YouTube kung ano ang niche ng channel mo, isa sa madaling ayusin ay ang Channel Keywords (tinatawa...
-
When you're feeling so grow and tears overflow when there's nothing your hear and things are unclear When you can't seem to sta...
-
Ever since Red Bull was introduced in the United States the world of beverage has never been the same. Energy drink is starting to become ...
-
Ilang buwan bago ko rin nalaman sa sarili ko na halos puro na pala sa Relationship ang mga naipo post ko dito sa aking mundo , siguro sa kad...
-
Gusto mo na mag-monetize pero stuck ka sa “Step 2: Set up AdSense” , “Error”, or “Already associated”? Sobrang common nito—lalo na kung mar...
-
Gusto mo bang mas “organized” at professional tingnan ang homepage ng YouTube channel mo? Dito pumapasok ang Featured Sections —mga rows/b...
-
Alin ang mas sulit para sa YouTube/AdSense payout: peso o dollar account? Compare fees, conversion, convenience, at best setup para sa creat...
-
Real talk: walang “one-size-fits-all” na best time sa YouTube… pero merong best time para sa audience mo . Kapag tama ang timing mo, mas ...
-
Kung hindi ka makapag-upload ng mahahabang videos (15+ minutes) , hindi makapag- custom thumbnail , o hindi available ang live streaming ,...
-
Ipinapayo ng mga doctor na hindi dapat lalampas sa anim na tasa ng kape ang iinumin sa isang araw. Sa katulad mong buntis, dapat ay isang ta...