Ako si Richard, Oo ako nga si Richard , kilala ko ang pangalan ko pero ang sarili ko di ko na alam kung kilala ko [a ba
maraming bagay ang nagbago sa akin , maraming bagay ang hindi ko ginusto pero kaakibat ngayon ng aking sarili
minsan nga naiisip ko, gusto ko ng mamatay at may mga oras naman na sinasabi ko sa sarili ko na
parang nakakalungkot naman ang mamatay, mawawala na lahat, lahat ng giangawa ko ngayon ,. lahat ng yun mawawala na
hindi ko na maaalala , anu nga ba ang ginagawa ko sa mundong ito , bakit nga ba ako nagpapakahirap sa buhay
baka bukas lang o kaya mamaya mamatay na ako , bakit nga ba ako gumagawa ng pangalan , bakit ako nagpupursige sa buhay
sadya nga bang naiingit lang ako sa iba kapag ikinukumpra ko ang sarili ko na bakit sila ganito
kalagayan tapos ako ganito lang
marahil nga ganun ang dahilan ko kung bakit ako nagpapakahirap araw araw, gumagawa ng masama , paminsan minsan
gumagawa ng mabuti , gumagawa ako ng mabuti dahil paminsan minsan din umaasa pa rin ako na totoo nga na
may diyos at hindi lahat ay matatapos sa oras na mamatay an tayo , pero sana nga merun talaga, gusto ko kahit patay an ako
ay magkakaroon pa rin ako ng alaala sa lahat ng bagay na ginawa ko dito sa lupa , sana nga , sana nga merun ng diyos
. minsan naman kaya di ako natatakot gumawa ng masama dahil naiisip ko na wala naman talagang diyos , iniisip lang natin
na merun kaya kung ano ano ang nararamdaman natin , minsan nga sa kaiisip natin na totoo ngang may holy spirit ay nakakaramdam
tayo ng mga kakaiba, minsan narin ako nakaramdam nung tinatawag nilang holy spirit, yung spirit froms the heaven daw.. Oo pwera biro
nakaramdam na rin ako nun , pero alam nyo ba sa totoo lang kung bakit ko yun naramdaman ? kasi ginusto ko maramdaman na ganun nga
kumbaga , kinundisyon ko kasi ang sarili ko that time na maramdaman ko yung spirit from God ika nga, pero tama ba yun ?
sabi ng marami lalo na yung mga pastor ng kung ano anong simbahan at samahan sa panginoon ay ganun naman daw talaga
, di mo mararamdaman si God kung ayaw mo maramdaman , willingness is the gateway to knoledge , tama naman yung eh ,. tama yung quote na sinabi nya
sa akin about willingness ang kaso sablay naman ata yun kung ikakabit natin sa belief yun. kasi
when it comes to God, diba dapat nanduon yung actual power, actual effect and without any historical or papers documented . dapat
maramdaman natin yun, maranasan sa mismong sarili natin. hindi naman pwedi yung kaya ka naniniwala kasi pinaniniwalaan mo ,
dapat mnag start tayo lagi from the scratch. yung tipo na wag ka muna magpa apekto para maapektuhan ka ,
for that malalaman mo talaga kung may effect nga sayo, kung baga sa gamot , bago ka maniwala na energy drink nga yung iniinom mo eh
wag mo muna isipin na masigla ka dahil uminom ng gamot na yun na pampasigla , kasi bias yun eh .
hindi fair yun kung kaya ka lang pala sumisigla kasi iniisip mo na masigla ka kasi dahil sa energy drink.
di naman sa nagmamagaling ako pero may mga alam din ako kahit kunti pagdating sa psychology , once kasi na iniisip natin
[atmay epekto na agad sa atin yun eh . dapat para maikumpara mo ang epekto nya sa iba , wag mo muna paniwalain sarili mo na
nakaka energized nga , malay mo di naman pala yun energy drink , mas may effective pa pala , di mo lang alam
kasi nga inistak ap mo na ang sarili mo sa paniniwala na merun ka ,
hayaan mong paniwalain ka nya bago mo sya paniwalaan!!
Sa paniniwalang Ispiritwal din ay pareho lang , anupat kahit anong sabihin ng mga tao , hindi sa sinasabi ko na
walang diyos, tulad nyo at tulad ko , ako ay naghahanap din ng katotohan , pruweba na totoo nga na merun
dahil ako man ay gustong gusto ko na sana nga Merun ng Diyos, ayokong matapos nalang ang lahat sa wala
, mga kapwa ko , imbis na ikritisays nyo ako , sana ay matulungan nyo ako sa aking hinahanap , tulungan nyo
akong mapunan ang espasyong matagal ng nasa sarili ko ,
alam kong maraming tao ang nakakaranas nito , at marahil tulad ng karamihan , sinasarili nalang nila ang mga katanungang ito
sadyang pinilit nalang nilang maniwala upang di masayang ang lahat, ang umasa na sa kabila ng kakulangan
sa kaalaman ay masasapatan na ng kanilang paniniwala ang espasyo sa kanilang pagkatao,
sana merun makapag kumbinsi sa akin na merun nga talagang Diyos!!
ANSWER SO FAR !!
- marami rami na rin ang mga sumubok na tulungan ako sa katanungang ito at lubos po akong nagpapasalamat sa inyo ,
salamat sa lahat ng oras at panahon na ibinigay nyo para sa akin . masaya po ako na marami po ang tumutugon
sa aking pagsuyo.
may mga nakaka usap ako na ganito halos ang sinasagot sa akin :
1. Totoong May Diyos! , isipin mo nalang , yung Universe natin , hindi sila nagbabangaan , sa tingin mo sumulpot lang mga yan na basta nalang
ilang dekada na milyon or bilyon or higit pang mga tao na yan pero ni isa wala pang nagbabanggan sa kanina ,. di ba napaka dakila ng Panginoon
Diyos lang may kakayahan gumawa nyan, yung mga puno , dagat , mga hayop at ibon , panu sila nagawa ? tao ba gumawa nyan ? hindi kayang gumawa ng tao nyan
. at tayo mismo ,. hindi natin kayang gumawa ng tao sa ating sariling kaisipan lamang,
mismong mga doktor nga humahanga kung papannong napaka perpekto ng pagkakagawa sa ating katawan ,. wala ng iba kungdi diyos lang ang makakagawa nyan brother.
- maraming salamat po sa tugon na ganito , pero hindi po ito ang hinahanap kung sagot , sapagkat , ANG KAKULANGAN NG TAO SA KAALAMAN AY HINDI NATIN PWEDING
GAWING BASEHAN PARA SABIHING MERUN NGA NG DIYOS, porke di maipaliwanag Diyos na agad ? sorry po pero, maraming salamat na rin po sa effort,
2. Ang Bible mismo !!- sinasabi ng iba na ang patunay daw na may Diyos ay mismong ang bibliya,
sapagkat ang bibliya ay gawa ng maraming mga akda pero sychronize po lahat ng content , walang contradictions at lahat iisa ang pinag uukulan , ginawa ang bible
sa magkakahiwalay na panahon at iba ibang lugar pero nakakamanghang isipin na napaka perpekto ng pagka gawa nito...
- salamat din po sa tugon, marahil iisipin nyo po na absolute na po yung sagot ,Opo nakakamangha po talaga , ako din po mismo namamangha sa pagkakagawa nito ,
isa ang bibliya sa mga hinahangan ko ang pagkagawa ., bukod po kasi sa napaka perpekto ng laman ay nagiging gabay pa po ito ng buhay ,
kung walang bible , marami pa sana sa ngayon ang sa kung saan saan naniniwala , pati mga magic at kung ano ano pa ppo, kaya talagang nakaka bilib ang bibliya ,
pero actual life po ang hinahanap ko , yung nangyayari sa totoong buhay , nakikita sa pang araw araw an buhay , katulad lang po nung una kong nabangit ,
hindi porke sa napaka dakila ng pagkakagawa at halos hindi na maipaliwanag ng isip natin kung paano nagawa ay Diyos na agad. isipin nalang po natin
kaya nga nakakamangha kasi di natin maipaliwanag !! di abot ng ating kaalaman !! so kung di naman pala natin nalalalamn , napaka risky naman po
na sumuong sa isang paniniwala na hindi naman pala natin naiintindihan. " ANG KAKULANGAN NG TAO SA KAALAMAN AY HINDI NATIN PWEDING
GAWING BASEHAN PARA SABIHING MERUN NGA NG DIYOS, "
Total Pageviews
Baka Nandito ang hinahanap mo ?
Popular Posts
-
MT. ARAYAT Major jump off: Arayat National Park, Brgy. Bano, Arayat BACKGROUND The legendary Mt. Arayat rises like a solitary giant over t...
Sunday, August 11, 2013
Popular Posts
-
di naman ang ibig kung sabihin dyan ay yung laging panalo yung cards mo . ang tinutukoy ko ay imposible kang umuwi ng luhaan o kaya naman a...
-
MT. ARAYAT Major jump off: Arayat National Park, Brgy. Bano, Arayat BACKGROUND The legendary Mt. Arayat rises like a solitary giant over t...
-
Di lang kasi maunawaan ng ibang tao ang ganitong usapin iih , bakit ka nga naman magagalit sa tambay ? porke ba tambay eh tamad na ? o kaya...
-
Ipinapayo ng mga doctor na hindi dapat lalampas sa anim na tasa ng kape ang iinumin sa isang araw. Sa katulad mong buntis, dapat ay isang ta...
-
Naalala nyo pa ba ang ating bayaning si Dr. Jose Rizal ? Noong Ikalimang Siglo ( friday kasi ngayon habang sinusulat ko to kaya nasa ikali...
-
Sabi dun sa isang artikulo na nabasa ko .( nakalimutan ko na yung title iih ) Ang pag tunog daw ng ngipin kapag natutulog ay isang uri ng s...
-
it's not too hard to find out why it still happening and why it still occurs sa mga mag asawang mahal na mahal naman nila ang isa't ...
-
When you're feeling so grow and tears overflow when there's nothing your hear and things are unclear When you can't seem to sta...
-
Natural na Paraan ng Pagpaplano ng Pamilya May 3 paraan para maiwasan ang pagbubuntis na hindi kailangan ng anumang gamit o kemikal (tula...
-
Sino nga ba sya ? noong una din akala ko sya yun si Sisa sa Crazy As Pinoy.. hehehe.. iba pala .. as in talagang lil Sisa ang ginamit nyang ...