Sorry sa mga pagkakamali ko , sorry kung nasaktan lang kita , at sorry kung dahil sa akin naging miserable ang buhay mo , pareho tayo mahal ko , naging miserable din ang buhay ko , pero iyon ay di ko isinisisi sayo , alam mo bang sobrang mahal kita ? alam mo pa rin ba na kahit nung time na naghiwalay tayo ay sobra akong nasaktan. pero tama na siguro tong ginawa natin , na maghiwalay na tayo , oo mahal natin ang isa't isa at walang duda dun , ramdam ko ang pagmamahal mo at alam kung ramdam mo rin kung gaano kita kamahal , pero ang buhay ay di lamang sa pagmamahal ibinabase,. kelangan din nating maging praktikal , kelangan din nating ayusin ang mga buhay natin , oo tama nga sila na mali ang panahon na nagkakilala tayo at dahil alam natin na mahal na mahal natina ng isa't isa kaya di na agad natin inaksaya ang panahon at nagsama tayo , dati pa man mamhiE.. alam kung wala ng kasiguraduhan ang hinaharap natin gayunpaman ay nagbakasali nalang ako na baka pagnagsama na tayo ay magbago din ang estado ng buhay natin. pero nagkamali ako , di sa atin sumang ayon ang pagkakataon , mas lalo tayong nilubog ng sitwasyon , gayunpaman , sobrang mahal na mahal kita, patawarin mo ako sa mga nagawa ko sayo , at kahit hindi ka pa sa akin humihingi ng paumanhin at kapatawaran , asahan mong pinatawad na kita sa puso ko .
mamhiE yung anak natin sana wag mong pagmalupitan , wag mo po sanang ibaling sa anak natin ang lahat ng galit mo sa akin , kung di mo man po ipakilala sa akin ang anak ko ay okay lang po, ang mahalaga ay mahalin mo din sya tulad ng pagmamahal mo sa akin dati, ang laki ng kasalanan ko sa anak natin , ng dahil sa kahirapan ko ay nagawa ko syang iwan, mahal na mahal ko si Althea, sorry po anak , naging mahina ang daddy , naging mahirap ako ,.. naging parang kawawa tayo .. T_T...
Minsan naiisip ko na magpatiwakal nalang dahil sa hirap na dinaranas ko ngayon , at kapag naiisip ko na nadamay kayo sa estado ng buhay ko ay mas lalo kong sinisisi ang sarili ko , minsan nga pati ang Panginoon ay nasisisi ko kung bakit wala man lang sa akin tumulong na guminhawa ang buhay , bakit kahit sa kabila ng lahat ng pagsisikap ko ay wala sa akin tumatanggap ng trabaho ? at bakit di umaasenso ang buhay ko gayung kahit ako mismo alam ko sa sarili ko na marami akong kayang gawin ,. marami akong kayang ipakita , i contribute sa sosyudad.. tama nga sila , nagtapos ako ng pag aaral pero walang gustong tumanggap sa akin , nagpakahirap ako mag aral pero walang nagtitiwala sa kakayahan ko ,
Kung nagkaroon lang sana ako ng maayos na trabaho di na sana tayo nagkaganito ,
di sana ako nakakaranas ng mga masasakit na salita,.
mga panglalait
mga hinanakit
, alam mo mahal ko , ikaw lang ang nagiging lakas ko , pero ngayon wala ka na di ko na alam kung saan ako huhugot ng lakas, di ko na alam kung saan ako kukuha ng lakas ng loob para magpatuloy , pero alam kung tama itong ginawang kung paglayo dahil mas lalo lang kayong nahihirapan kapag nandyan pa ako sa inyo.
Nasasaktan ako kapag pinagdadamutan mo ako , pero ano nga naman ang karapatan ko iih kung ako nga di kita mabigyan ng nararapat, Oo napaka wala kong silbi, Dapat ang mga katulad ko wala namang kakayahan di na dapat nag aanak, pero huli na ang lahat,.. akala ko kasi dati may tatanggap sa akin dahil sa kakayahan ko , pero mamatay nalang yata ako pero wala pa rin akong trabahong matino. T_T
Patawarin mo ako MamhIE.. T_T
Total Pageviews
Baka Nandito ang hinahanap mo ?
Popular Posts
-
MT. ARAYAT Major jump off: Arayat National Park, Brgy. Bano, Arayat BACKGROUND The legendary Mt. Arayat rises like a solitary giant over t...
Popular Posts
-
di naman ang ibig kung sabihin dyan ay yung laging panalo yung cards mo . ang tinutukoy ko ay imposible kang umuwi ng luhaan o kaya naman a...
-
MT. ARAYAT Major jump off: Arayat National Park, Brgy. Bano, Arayat BACKGROUND The legendary Mt. Arayat rises like a solitary giant over t...
-
Di lang kasi maunawaan ng ibang tao ang ganitong usapin iih , bakit ka nga naman magagalit sa tambay ? porke ba tambay eh tamad na ? o kaya...
-
Ipinapayo ng mga doctor na hindi dapat lalampas sa anim na tasa ng kape ang iinumin sa isang araw. Sa katulad mong buntis, dapat ay isang ta...
-
Naalala nyo pa ba ang ating bayaning si Dr. Jose Rizal ? Noong Ikalimang Siglo ( friday kasi ngayon habang sinusulat ko to kaya nasa ikali...
-
Sabi dun sa isang artikulo na nabasa ko .( nakalimutan ko na yung title iih ) Ang pag tunog daw ng ngipin kapag natutulog ay isang uri ng s...
-
it's not too hard to find out why it still happening and why it still occurs sa mga mag asawang mahal na mahal naman nila ang isa't ...
-
When you're feeling so grow and tears overflow when there's nothing your hear and things are unclear When you can't seem to sta...
-
Natural na Paraan ng Pagpaplano ng Pamilya May 3 paraan para maiwasan ang pagbubuntis na hindi kailangan ng anumang gamit o kemikal (tula...
-
Sino nga ba sya ? noong una din akala ko sya yun si Sisa sa Crazy As Pinoy.. hehehe.. iba pala .. as in talagang lil Sisa ang ginamit nyang ...