SINABI ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) na tatlong bagyo ang nakaambang tumama sa Pilipinas. Nagbigay ng babala ang PAGASA na maaaring manalasa ang bagyo sa pagbubukas ng klase. Kaya nananawagan ang PAGASA sa taumbayan na mag-ingat.
Nararamdaman na ang sinasabi ng PAGASA. Pumasok na ang tag-ulan at naghahatid na naman ng takot sa mamamayang nakatira sa mabababang lugar hindi lamang sa Metro Manila kundi sa mga nasa probinsiya. Mayroong mga lugar na kaunting buhos lamang ng ulan ay umaapaw na ang baha. At matagal bago lumiit ang tubig. Karaniwan na ang ganitong tanawin sa CAMANAVA area.
Ang isang nakatatakot kapag may baha ay hindi lamang ang bantang tangayin ang ari-arian at may malunod kundi ang mga sakit na nakukuha rito. Karaniwan nang ang mga sakit na nakukuha sa baha ay ang leptospirosis. Ang leptospirosis ay sakit na nanggaling sa tubig na kontaminado ng ihi ng daga. Kapag ang isang taong may sugat sa binti at paa ay lumusong sa tubig baha, ang leptospira virus ay doon papasok at makararanas ng lagnat, pananakit ng kalamnan, ulo at maaaring maapektuhan ang kidney, atay at utak. Mula January hanggang April 2006 111 kaso ng leptospirosis ang naireport. Ipinapayo sa mga lulusong sa tubig-baha na magsuot ng bota para maiwasan ang leptospirosis.
Ang dengue ay isa rin sa mga kinatatukutang sakit na nananalasa sa panaho ng tag-ulan. Ang dengue ay hatid ng lamok na Aedes Aegypti na umaatake o nangangagat kung araw. Paboritong tirahan ng mga lamok na may dengue ang mga nakatingggal na tubig at mga nakasabit na bagay na nasa madilim na lugar. Karaniwang nasa mga paso, bote, goma at iba pang lalagyan na may tubig nakatira ang mga lamok.
Sintomas ng dengue ang mataas na lagnat na tumatagal ng pitong araw, pananakit ng kalamnan at kasu-kasuan, panghihina at pagkakaroon ng mga pantal. Kapag malala na ang dengue, maaaring makaranas ng pagdurugo ang biktima at maaaring ikamatay kapag hindi naagapan.
Hindi lamang ang dengue at leptospirosis ang mga sakit na umaatake kung panahon ng tag-ulan kaya nararapat ang pag-iingat. Nararapat na maging malinis sa kapaligiran upang mapigilan ang pagkalat ng mga daga at lamok na naghahatid ng sakit. Nararapat din namang magsagawa ng kampanya ang Department of Health kung paano lubusang makaiiwas sa sakit ang taumbayan. Kung sa DOH manggagaling ang paalala, mas maganda. Kawawa naman ang taumbayan kung magkakasakit pa sa panahong ito.
Total Pageviews
Baka Nandito ang hinahanap mo ?
Popular Posts
-
MT. ARAYAT Major jump off: Arayat National Park, Brgy. Bano, Arayat BACKGROUND The legendary Mt. Arayat rises like a solitary giant over t...
Thursday, June 10, 2010
Popular Posts
-
di naman ang ibig kung sabihin dyan ay yung laging panalo yung cards mo . ang tinutukoy ko ay imposible kang umuwi ng luhaan o kaya naman a...
-
MT. ARAYAT Major jump off: Arayat National Park, Brgy. Bano, Arayat BACKGROUND The legendary Mt. Arayat rises like a solitary giant over t...
-
Di lang kasi maunawaan ng ibang tao ang ganitong usapin iih , bakit ka nga naman magagalit sa tambay ? porke ba tambay eh tamad na ? o kaya...
-
Ipinapayo ng mga doctor na hindi dapat lalampas sa anim na tasa ng kape ang iinumin sa isang araw. Sa katulad mong buntis, dapat ay isang ta...
-
Naalala nyo pa ba ang ating bayaning si Dr. Jose Rizal ? Noong Ikalimang Siglo ( friday kasi ngayon habang sinusulat ko to kaya nasa ikali...
-
Sabi dun sa isang artikulo na nabasa ko .( nakalimutan ko na yung title iih ) Ang pag tunog daw ng ngipin kapag natutulog ay isang uri ng s...
-
it's not too hard to find out why it still happening and why it still occurs sa mga mag asawang mahal na mahal naman nila ang isa't ...
-
When you're feeling so grow and tears overflow when there's nothing your hear and things are unclear When you can't seem to sta...
-
Natural na Paraan ng Pagpaplano ng Pamilya May 3 paraan para maiwasan ang pagbubuntis na hindi kailangan ng anumang gamit o kemikal (tula...
-
Sino nga ba sya ? noong una din akala ko sya yun si Sisa sa Crazy As Pinoy.. hehehe.. iba pala .. as in talagang lil Sisa ang ginamit nyang ...