Total Pageviews

Baka Nandito ang hinahanap mo ?

Popular Posts

Tuesday, August 23, 2011

August 23, 2011 ( ang kamalasan . nakakasar na araw

Nakakayamot talaga ang araw kapag naumpisahan kaagad ng init ng ulo at halos lahat ng nasa paligid mo ay pawwang mga mali ang nangyayri sa mga mata mo . ganito ang nangyari sa akin August 23, 2011. ewan ko ba . pero parang lahat yata ng naganap sa araw na yun ay puro mga kamalasan sa akin ., una na dyan yung late ako na nakapasok . inaway ako ng asawa ko madaling araw palang . wew. buhay ng anaman parang life., buti nalang pagdating ng gabi ay ok naman ang mode nya at matiwasay kaming nakatulog. ako kasi iih ang kulit ko .. madaling araw palang may kabalbalan akong ginawa ng walang consent nya.. wahahahahha.. .

Monday, August 8, 2011

Ano ang gamot sa Beke ?( mumps )

Ang beke o mumps isang sakit na dala ng Mumps virus na karaniwang nakaka-apekto sa mga bata. Ang pinaka-mahalagang sintomas ay kirot at implamasyon sa tagiliran ng panga dahil sa pamamaga ng mga salivary glands o glandula ng laway. Bagamat may bakuna na laban dito (MMR), ito'y isa paring karaniwang sakit parin sa mga bata, at bagamat kusang nawawala ang sakit na mumps, sa ilan ay maaari itong magdulot ng mga komplikasyon.

Paano nahahawa ng beke?

Ang beke ay nahahawa sa pamamagitan ng mga likido ng taong may beke gaya ng laway, plema, at lura. Ang mga ito ay maaaring matangay ng hangin bilang mga droplet. Kapag ang mga ito'y dumikit o dumapo sa bibig, ilong, o mata ng isang tao, siya'y maaaring mahawa ng beke. Sa pagsalo-salo ng pagkain at pakikipaghalikan ay maaari ring mahawa ng beke.

Ano ang mga sintomas ng beke?

Pamamaga ng mga glandula ng laway o salivary glands ang pinakamahalagang sintomas ng beke. Ito'y makikita bilang pamamaga sa tagiliran ng panga at maaaring may kasamang pamumula, kirot, at pananakit habang ngumunguya o kumakain. Maaaring magkabila o sa iisang banda lamang maka-apekto ang beke.
Maaari ring magkaroon ng lagnat at sakit sa ulo. Sa ibang kaso maaari ring mamaga ang bayag (orchitis). Ito'y nangyayari lalo na sa mga binata at mas matandang kalalakihan.

Ano ang gamot sa beke?

Walang gamot sa beke, gaya ng maraming mga virus, ito'y kusang nawawala. Ngunit upang maibsan ang mga sintomas, maaaring magpatong ng "cold compress" sa apektadong bahagi ng panga. Maaari ring uminom ng mga pain reliever gaya ng Paracetamol.
Iwasan ding kumain o uminom ng maaasim sapagkat ang mga ito'y nakaka-irita sa salivary glands na siyang namamaga dahil sa beke.
Magpatingin sa doktor kung may kakaibang mga sintomas gaya ng pamamaga ng bayag, paninigas ng leeg, pagbabago sa pag-iisip, pagiging madalas ng pagtulog o panghihina, mataas na lagnat. Ang mga ito ay kabilang sa mga kompliasyon ng beke.

Paano makaiwas sa beke?

Sa Pilipinas at maraming bansa, ang bakunang MMR o Mumps, Measles, and Rubella vaccine ay mabisang proteksyon laban sa mumps (beke), measles (tigdas), at rubella (german measles o tigdas). Ang MMR ay karaniwang ibinibigay sa unang kaarawan ng isang baby (1 taon o 12 buwan). May pangalawang turok rin na ibinigay bago pumasok sa iskwelahan ang isang bata, sa edad na 4-5. Hindi karaniwan ang beke sa mga matatanda ngunit kung hindi nagkaroon nito, mas magandang magpabakuna narin kahit matanda na. Siguraduhing may bakuna laban sa beke ang buong pamilya!

Popular Posts

Pages

Pages