Mula ng bata pa ako ay di ako nakaranas na magpakalbo, gustuhin ko man pero hindi pupuwede , unang una kahit summer eh hindi ko magawang ipagupit ng napaka iksi ang aking buhok , hay naku , ang buhay nga naman natiempo pa na ako ang nakakuha ng ganitong klaseng ulo , kaya ayun kahit summer o kahit sobrang init ay mahaba pa rin ang aking buhok , di kasi bilog ang ulo ko , may uka sa pinakabumbunan , ayaw ko din naman magmukhang character sa starwars kaya nagtatyaga nalang ako sa mahabang buhok ko , kung sabagay astig nga eh , para akong korean hahahah, asteeeg!!
ang kaso maganda nga tingnan kakairita naman ,
tuwing summer ko lang naman nararamdaman ang irritation na ganito kaya tyaga tyaga nalang muna , ialng buwan nalang tag ulan na naman